Chapter 13: "Close Friend"

105 31 6
                                    



Thiona's POV

Kinabukasan, pinilit kong pumasok. Ayaw kong magworry si papa. Binigyan niya pa ako ng malaking baon, pinaghanda ng masarap na pagkain at hinatid sa school. Kaya pinipilit kong magpakasigla at ngumiti. Thankful ako na hindi nagtatanong si papa kung anong sinisintemiyento ko. Kung hindi mapipilitan akong sabihin at baka maumay si papa sa kadramahan ko at mapagalitan pa ako.

Tahimik lang sa classroom nang pumasok ako roon. Nginitian lang ako ng mga lalaki kong kaklase pero halatang ilag sila sa akin. Disappointed yata sila sa kalandiang paghahabol ko sa grade 12 student na si Mateo Luis at pangtu-two timer ko sa kakalase nitong si Jake na close friend ko. Well, mukhang iyon ang iniisip nila at mukhang alam na rin 'yun ng lahat.

So, I decided to go outside at magpahangin na muna. Wala naman kaming teachers at wala na rin gagawin. Recognition day na bukas kaya rehearsal na lang later ang aatupagin namin sa school.

Nakatulalang nakadungaw ako sa corridor. Nakapatong ang mga siko ko sa railing at nakapangalumbaba. May mga students na naglalakad doon sa baba. Nasa 2nd floor kasi ako e. So tanaw na tanaw ko sila. Ngunit parang dinukot ang puso ko nang mapatingin ako sa isang student doon. Nakaupo ito sa mahabang bench na bato na malapit sa puno.

Nakatitig ang dalawang pares ng mga mata nito sa akin. Mga matang mala-agila. Ang mga eagle eyes ni Mateo ko. No! Hindi siya akin. At hindi ko siya pagmamay-ari.

Naiilang na iniwas ko sa kanya ang tingin. Para kasi akong malulunod sa mga titig niyang iyon. Naghihitay yata ito roon dahil kasama ito sa recognition bukas. Malamang kasama siya sa rehearsal.

Artist of the year, Athlete of the year, and with honors. Iyon ang mga awards na igagawad sa kanya bukas. So makakasama ko s'ya sa rehearsal mamaya? Aww. Di ko pa keri na makaharap sya.

"Thiona..." Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. It's Jake.

Sinulyapan ko munang muli ang direksyon ni Mateo at nakita ko ang paniningkit ng mga mata nito. I don't know why. Dahil ba kay Jake? Iniisip din ba niya, katulad ng iba na may something sa amin nitong kolokoy kong BOY closest friend? Deadma. Bahala siya sa gusto niyang isipin, tutal naman sabi niya wala siyang gusto sa akin.

Natuwa ako nang makita ko si Jake. As always. Siguro nandito nanaman ang kolokoy na'to to make my day. Ngumiti ako sa kanya. Ganoon din s'ya.

"Pwede ba tayong... Mag-usap?" Seryosong sabi ni Jake bagamat nakangiti.

"Wow mukhang seryoso 'yan ah." Natatawang saad ko.

Pero nanatiling seryoso si Jake, hindi nagsasalita. Nakatitig lang sa akin na waring tinatantya ang mood ko. Nakapagtataka, hindi ako sanay na ganito siya. Sanay ako na inaalaska niya ako at ngingiting parang aso.

"Jake, may... Problema ka ba?" Kunot-noong tanong ko.

Napayuko si Jake, hindi makasagot ngunit alam ko may nais siyang sabihin. Dahil ba'to sa larawan namin na iyon? baka katulad ko ay usap-usapan siya sa campus na may relasyon kami at panakip-butas ko raw siya kay Mateo?

"Jake... Tungkol ba 'to sa...."

"Thiona!!" Tawag-pansin ni Jasper. Asungot. Sabay kaming napalingon dito.

"Tawag ka ni ma'am, may iuutos yata," ani Jasper na masama ang tinging ipinukol kay Jake.

"Wait lang, Jake ha. Usap tayo mamaya. Punta lang ako kay ma'am, " nakangiting paalam ko kay Jake at sumama na kay Jasper. Tumango lang si Jake at matamlay na sinundan ako ng tingin.

"Nasaan si ma'am?" Tanong ko kay Jasper nang naglalakad na kami sa hallway.

May inuutos nga ang adviser namin. Nagpatulong gumawa ng decorations para sa stage. Dito kasi natoka iyon kaya nagpatulong sa amin na mga advisory class n'ya. Ako ang class president so dapat lang ako ang mangunang tumulong dito. No problem naman. Good for me nga e, nakalimutan ko mga iniisip ko.

Dalawang oras din ang itinagal niyon. Naku si Jake baka kanina pa naghihintay doon.

"Una na'ko, Jasper ha. Baka naiinip na si Jake dun e. Nalibang ako masyado, nakalimutan ko na naghihintay nga pala s'ya," paalam ko sa kaklase ko. Pero sumama ang itsura nito.

"Thiona.. Okay ka pa rin sa kanya?" Tanong ni Jasper na nakapagpakunot ng noo ko.

"Bakit naman hindi? We're close friends," sabi ko. Umismid lang si Jasper.

"Kaibigan? and CLOSE pa ha? So okay lang sa'yo 'yung ginawa niyang pagtraydor sayo at makipagsabwatan kay Angela?"

Natameme ako. Traydor? Sabwatan? Ano raw?

"Anong... Ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"So 'di mo pa pala alam? No wonder na nakikipag-usap ka pa rin sa kanya kanina," natatawa na napapailing na sabi nito.

"Ano ba kasi 'yun, Jasper? Ano bang pinagsasabi mo tungkol kay Jake?"
Naiirita nang tanong ko.

"Si Angela ang may pakana ng mga love letters mong nakapaskil sa bulletin board last time. And of course hindi n'ya 'yun magagawa mag-isa, katulong n'ya ang kaklase n'ya na CLOSE friend mo... si Jake."

Diniinan pa nito ang pagbigkas sa salitang close para ipabatid sa akin na natraydor ako ng kaibigan ko. Nang pinakamalapit kong kaibigan.

Shocked ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga siniwalat na iyon ng kaklase ko. Speechless ako.

"Bali-balita na 'yan sa buong grade 12 students. May pinsan ako roon kaya nalaman ko. Hindi ko alam ang buong istorya pero base sa nasagap ko, nagtalo pa nga raw si Jake at Mateo ng dahil dun. Huwag kang magtitiwala sa mga grade 12 na 'yun, Thiona. Pare-pareho lang sila. Alam mo namang gusto kita kanya concern ako sayo at---"

Hindi ko na tinapos pang pakinggan ang mahabang litanya ni Jasper. Dali-dali akong tumakbo palayo roon. Ang sama ng loob ko. Hindi ko pa sigurado kung totoo iyon subalit pakiramdam ko ay umaakyat na ang dugo ko sa ulo ko. Galit ako. Galit na galit ang nararamdaman ko. Pinilit kong pigilin ang pagluha ko. Gusto ko munang malaman ang totoo.

Isa lang ang destinasyon ng mga paa ko ngayon, ang STEM 12-1A. At isa lang ang gusto kong makaharap ng mga sandaling iyon, si JAKE.




















LESSON: Masarap sa pakiramdam 'yung may kaibigan ka na napagsasabihan mo ng mga problema at nararamdaman. Pero siguraduhin mo lang na hindi mo ibibigay ang 100% tiwala mo sa iyong kaibigan. Masakit kasi ma-disappoint at mahirap nang ibalik ang tiwala. 😢

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon