Chapter 83: "Ang Pakiusap ng Labis na Nagmamahal"

64 17 4
                                    

Third Person's POV

"Talaga bang hindi ka nag-iisip, Matthew?! Bakit mo ginawa 'yun?" Galit na saad ni Mateo sa kapatid nang makauwi sila sa mansyon. Kasalukuyan silang nasa silid ngayon ni Mateo.

Hindi umimik si Matthew. Matamang tumitig lamang ito sa malaking portrait na naroon sa tapat ng kama ni Mateo.

"Napakaganda ni Thiona kahit noong mga high school pa lang kayo." Puno ng admirasyon ang mga mata ni Matthew habang nakatingala roon. Sinundan iyon ng tingin ni Mateo.

"Matt, pinakikinggan mo ba ang sinasabi ko? Bakit ba pinalalala mo pa ang sitwasyon? Bakit ba bumalik ka agad dito? Next week pa ang surgery mo!" Nakukunsuming saad ni Mateo sa kapatid.

"Wala ka bang balak na ibalik sa akin si Thiona?" Imbes na sagutin ang mga tanong niya ay iyon ang lumabas sa bibig nito.

Napatitig dito si Mateo. Hindi alam ang sasabihin.

"Look, Matthew... Tulad ng sinabi ko kanina, hindi laruan si Thiona para pagpasa-pasahan natin! Hindi ganoon kadali na bitawan siya dahil lang nand'yan ka na! Iniisip mo ba ang nararamdaman n'ya kahit minsan lang?" Naghihirap ang kaloobang  wika ni Mateo.

Pakiramdam niya kasi ay heto nanaman si Matthew at iniisip lang ang sarili.

"Pero ako ang fiance niya, ang pakakasalan niya! Kaya ako nagbalik ay dahil hindi ko pa rin pala kayang harapin ang kapalaran ko! Ang kamatayan! Hindi pa ako handa, bro! Ayokong iwan ang babaeng mahal ko na hindi niya nalalaman ang pinagdaraanan ko. Ayokong mawala sa mundo na sinisisi niya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang karamdaman ko. Ayokong malaman niya na lang na patay na ako! Masakit 'yun, bro. Sa tingin mo ba sarili ko lang ang iniisip ko? Iniisip ko rin ang babaeng mahal ko!" Mahabang litanya ni Matthew.

"Pero paano naman ako, Matthew? Paano ang nararamdaman ko? Alam mo kung gaano ko kamahal ang babaeng minamahal mo rin! Alam na alam mo 'yan, high school pa lang kami!" Naluluha nang saad ni Mateo.

Hindi niya matanggap na muli nanaman siyang masasaktan at muli nanaman niyang sasaktan ang babaeng pinakamamahal. Hindi niya na kaya. Pagod na siyang magparaya para sa kapatid.

"So anong ibig mong sabihin? Hindi mo ibabalik sa akin si Thiona? Na tuluyan mo na siyang aangkinin ganoon ba?!" Nagpupuyos na sa galit na turan ni Matthew.

"Bro, makinig ka. Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon nating tatlo. Hirap na hirap na rin ako, tol! Sobrang nasasaktan na ako. Please hayaan mo na kami ni Thiona. Mahal na mahal ko siya, hindi ko kayang iwan s'ya ulit! Nagmamakaawa ako, tol, ngayon lang ako makikiusap sayo.. please!" At tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Mateo habang nagmamakaawa sa kapatid.

Ngunit walang tugon mula sa kanyang kapatid. Tinalikuran lamang siya nito at umalis.

Naiwang humahagulgol na sa pag-iyak si Mateo. Ganoon pala ang pakiramdam. 'Yung feeling na kahit lalaki ka ay iiyak ka pa rin ng dahil sa matinding pagmamahal na nararamdaman at pagkaawa sa sarili.








Kinabukasan ng umaga...

Maagang gumising si Thiona. Heto nanaman siya sa pakiramdam na tila nahihilo. Dahil doon ay dahan-dahan lang siyang bumaba ng hagdan.

"Oh, anak. Mabuti at gising ka na. Nakahanda na ang hapagkainan. Nagluto ang kasintahan mo." Wika ng kanyang papa.

Sa sinabi ng kanyang ama ay biglang napabilis ang pagbaba niya sa hagdan upang makita ang binata.

Nasa dulo na siya ng hagdan at matamang nakatitig sa binata. Iniisip niya kung sino itong nasa kanilang bahay ngayon. Is it Matthew or Mateo?

Walang anumang salita na ngumiti ng malapad ang binata sa kanya. Lumabas ang dalawang dimples nito, dahilan para mapaluha si Thiona. Si Mateo ito, sigurado siya.

"Oh, what's wrong, babe?" Napuno ng pag-aalala ang mga mata ni Mateo. Lumapit ito sa dalaga at masuyong hinalikan ito sa noo.

"Anong problema, anak? Ayaw mo bang makita itong si......nobyo mo? Kaya naiiyak ka pa d'yan?" Natatawang saad ng papa niya.

"Papa naman. Masaya lang po ako." Wika ni Thiona habang pinupunasan ang luha.

"Mukhang masaya nga ang mahal ko ah. Dahil d'yan, p'wede ba tayong mag-date buong araw?"

Nakaakbay si Mateo sa kanya habang iginigiya siya papalapit sa malaking dining table. Maraming pagkain ang nakahanda. At si Mateo ang nagluto ng lahat ng iyon.

"Sure. Bukas na ang kasal nila Stacey kaya wala na tayong time para sulitin ang leave natin sa trabaho." Masayang tugon ni Thiona.

Nakangiting nakatingin lamang sa dalawa ang papa ni Thiona. Si mang Celso. Masaya siya na hanggang ngayon ay nagmamahalan pa rin ang dalawang ito. Sana nga lamang ay malagpasan ng dalawang ito ang mga pagsubok na kahaharapin pa ng kanilang pag-iibigan, kung mayroon man.

"Oh, papa kain na po tayo." Nakangiting saad ni Mateo.


"Wow papa ha. Kailan mo pa naging papa ang papa ko?" Kunwa'y nang-iinis na wika ni Thiona.

"Noon pang sinabitan niya ako ng medalya sa leeg nung-----" biglang natigilan sa pagsasalita ang binata. Nakagat ang dila. Mukhang ipapahamak siya nito kung di siya nakapagpreno ng pagsasalita.

Napatitig sa kanya ang nobya kaya naman lalo siyang kinabahan. Napasulyap ito kay mang Celso. Tila nanghihingi ng tulong.

"Ayy sya. Kumain na lang tayo. Mukhang masasarap itong pagkain na niluto ni Mateo oh.. Ayy! Ang ibig kong sabihin Matthew. Ano ba naman iyan hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay bigkasin ang pangalang iyan." Paiwas ang tingin sa anak na saad ni mang Celso.

Nangingiti namang lihim si Thiona.

Mukhang pati si papa alam ang pagpapanggap na ito ha. Sige galingan n'yo lang umarte d'yan at pag-uuntugin ko kayo pagkatapos! Mga magkakasabwat! Hmp!

Pairap sa ama na ibinaling niya ang tingin sa mga pagkain.

"A-Ano 'to?" Tila nandidiri na itinuro niya ang maliliit na hiwa ng atay na nakalahok sa pancit.

"Atay iyan anak. Hindi ba paborito mo iyan na hinahalo sa pancit?" Wika ni mang Celso.

"Eiiww! Ayoko n'yan." Saad ni Thiona at biglang tumayo.

"Cr muna ako." Anito pagkuwa'y tinungo na ang cr.

"Pa, sabi mo po gusto n'ya 'yan?" Takang tanong ni Mateo kay mang Celso.

"Aba'y oo ah. Paborito n'ya 'yan. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya na." Kibit-balikat na kumain na ito.

Nagtatakang nasundan na lang ng tingin ng binata ang kasintahan.



Wala pa mang kinakain ay nagdududuwal na si Thiona. Naroon siya ngayon sa lababo ng cr at inilalabas ang sama ng kanyang sikmura. Pagkatapos ay naghilamos muli at pinunasan ang mukha.

Kailangan kong makasiguro. Saad sa isip ng dalaga habang hinihimas ang tiyan.



















LESSON: Walang pinipili ang pag-ibig, mapababae man o mapalalaki ay
Mapapaluha basta nasaktan at napagkaitan .

The Sacrificial LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt