Chapter 75: "Grudge"

59 17 0
                                    



Third Person's POV

Malungkot na tinitigan ni Mateo ang magandang mukha ni Thiona. Hindi niya magawang gisingin ito kahit naroon na sila sa tapat ng bahay nito.

Kaysarap ng tulog ng dalaga, malamang ay napagod ito ng husto sa matinding pag-iyak kanina. Kahit kasi nakasakay na ito sa sasakyan niya ay patuloy pa rin ito sa pag-iyak sa hindi niya malamang dahilan. Ngunit hinayaan niya na lamang ito. Mas mabuti na inilalabas ang sama ng loob.

Nakasandal ang ulo nito sa header. Hinawi niya ang buhok nito na bahagyang nakaharang sa mukha at isinabit niya iyon sa likod ng tainga nito.

Ano bang problema ng mahal ko? Bakit ka umiyak ng ganito? May nangyari ba kay Matthew? Nakipaghiwalay ba s'ya? Arrghh! Hindi ko alam ang iisipin ko.

Kinuha niya ang cellphone at dinial ang number ni Angela.

"The subscriber cannot be reached. Please try or call later." Ngunit iyon ang paulit-ulit niyang naririnig.

"Damn! Angela! Ano nanaman ba kasing ginawa mo?" Inis na inis na turan ni Mateo.

Noong araw bago siya umalis ay kinumpronta niya pa ang kaibigang si Angela at Jake kung anong ginawa ng mga ito sa hotel. At bingo! Umamin naman ang mga iyon na magkasabwat nilang pinlano ang pagtulong sa kanya ni Thiona sa pamamagitan ng isang 'one night stand'.

Ayon sa mga ito, si Jake ang may pakana nang pagkatulog ni Matthew. Nilagyan nito ng pampatulog ang beer ni Matthew, dahilan para mawalan ito ng ulirat.

Alam kasi nila na hindi lalayo ang binata kay Thiona kaya ginawa nila iyon. Si Angela naman ang siyang kumausap kay Thiona para sa bagay na iyon at pumayag naman ito.

Sa kasamaang palad, nanaig sa kanya ang pagiging isang mabuting kapatid para kay Matthew kaya nang narinig niya ang sinabi ni Stacey na nagwawala ang kapatid ay agad umakyat ang dugo sa ulo niya at kinaladkad ang babaeng minamahal palabas ng kanyang hotel room.

Mas lalo siyang naawa sa dalaga matapos maalala ang pangyayaring iyon. Sinabihan niya pa ito ng masasakit na salita samantalang wala naman itong ginawang masama.

Unti-unting nagmulat ng mga mata niya si Thiona at nagtama ang paningin nila. Malungkot na ngumiti si Mateo.

"We're here. Pasok ka na sa loob para makapagpahinga ka." Ani Mateo pagkuwa'y lumabas ng sasakyan, umikot sa kabilang side at pinagbukas ito ng pinto.

Aalalayan sana niya ang dalaga sa pagbaba nito ngunit umiwas ito.

"Bye." Maikling paalam nito at walang lingon-likod na pumasok sa loob ng gate.

Naiwang nagtataka ang binata. Ganito ba talaga ito makitungo sa kanyang kapatid? Ngunit kaninang umaga lang ay ang sweet pa nitong sumalubong sa kanya ah. Naguguluhang ini-start na niya ang makina ng sasakyan at umalis.







Three days later...

Nakasimangot na ibinaba ni Mateo ang kanyang cellphone sa mesa. Kasalukuyan sila ngayong nasa opisna ni Jake. Pinag-uusapan kasi nila ang venue ng kasal nito at ni Stacey at s'yempre si Angela ang kinuha nilang organizer sa bagay na iyon since marami itong branches ng hotel and resort sa iba't-ibang lugar.

Nagkatinginan ang dalawa. Sina Jake at Angela. Batid nila ang masamang timpla ng kaibigan.

"Are you sure wala kang ginawa o sinabing masama kay Thiona tungkol sakin? I mean...tungkol kay Matthew?" Kunot-noong tanong ni Mateo na masama ang tingin kay Angela.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now