Chapter 72: "Red Card"

67 17 0
                                    



Third Person's POV

"A-anong ibig mong sabihin, Anne? Paanong...." Hindi makapaniwala si Thiona.

Kaya ba kahit na ilang beses na muntik may mangyari sa kanila ay hindi iyon maituloy ng binata? Hindi siya magawang angkinin nito ng tuluyan.

"It's not inborn or something. Nagsimula iyon noong namatay ang kapatid ko. Si Bianca."

Mas lumungkot ang kislap ng mga mata ni Angela nang banggitin ang pangalang iyon ng kapatid nito. At bago pa siya maduwag na isalaysay ang pangyayaring iyon fifteen years ago ay sinimulan na niyang ibuka ang bibig at siniwalat dito ang masaklap na alaalang iyon.








(Flashback)

"Bianca! Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Angela sa kapatid.

Labing dalawang taon lamang siya noon at si Bianca naman ay sampung taong gulang. Nakita niyang patakbo itong lumabas ng kanilang mansyon.

"Kay Mateo, ate. Ibibigay ko ito oh!" Masayang tugon ni Bianca nang huminto sa pagtakbo at itinaas ang kamay na may hawak na card.

Magkapitbahay at matalik na magkaibigan ang mga daddy nila. Mula mga pagkabata pa raw kasi ay magkaibigan na ang mga ito at sabay na lumaki kaya naman kahit na nagkapamilya na ang mga ito ay naisipan pa ring magpatayo ng sariling bahay sa iisang subdivision sa lugar na iyon.

"Ano naman 'yan?" Curious na tanong ni Angela sabay kuha ng card na iyon sa kamay ng kapatid.

"No, ate! Ibalik mo sakin 'yan!" Muling inagaw nito ang card na kulay pula.

"Bakit mo s'ya sinulatan? Galit ba s'ya sa'yo?" Takang tanong ulit ni Angela. Nabasa niya ang ilang nakasulat doon na 'Dear Mateo' Umiling si Bianca.

"Tingin ko. Palagi naman s'ya masungit sa akin, ate. Pero gusto ko talaga makipagkaibigan sa kanya eh." Nakangusong turan ni Bianca.

"Sige. Tara, sasamahan kita ibigay sa kanya 'yan. Mabait naman iyong kaklase kong iyon eh. Suplado nga lang talaga." Natatawang wika ni Angela habang naglalakad sila papunta sa bahay nito.

"Eh bakit si kuya Matthew mabait? At palaging nakangiti?" Inosenteng tanong nito.

"Kasi ganoon talaga si kuya Matthew mo, friendly. Eh bakit pala kay Matthew, kuya ang tawag mo? Kay Mateo, Mateo lang?" Ani Angela.

Hindi sumagot si Bianca subalit ngumiti ito ng matamis.

"Aba bakit ka ngumingiti ng ganyan? Siguro....may crush ka kay Mateo ano?" Nanunuksong turan ni Angela sa kapatid.

"Opo. Masama ba?" Nakanguso nanamang tugon ni Bianca.

"Hindi. Pero bakit si Mateo? Bakit hindi si Matthew na best friend mo at palaging kalaro?" Tanong muli ni Angela.

"Ewan ko. Si Mateo ang gusto ko eh. Basta makikipag-friends ako sa kanya!" Ani Bianca at tumakbo na ulit palayo.

Naiiling na sinundan naman niya ang kapatid. Kabata-bata pa ay marunong na magka-crush.






"Oh, mga bata bakit kayo nandito?" Takang tanong ni Aling Celia nang nag-doorbell sila. Kasalukuyan itong nagdidilig ng mga halaman doon sa garden.

"Aling Celia, nasaan po sina Matthew at Mateo?" Tanong ni Angela sa ginang.

"Ayy wala rito. Naroon sa Sunset Paradise." Ang tinutukoy nito ay ang munting bahay na naroon sa tabing dagat. Madalas maglaro ang kambal doon at magbasaan sa dagat.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now