Chapter 87: "Ang Karamdaman ni Matthew"

50 16 0
                                    

Third Person's POV

"Maghiwalay na tayo, Matthew Louie!"

Biglang napabalikwas ng bangon si Matthew sa sinabing iyon ng kasintahang si Thiona.

Napatingin siya sa magandang mukha nito at tumutulo ang mga luha nito, puno ng kalungkutan ang kislap ng mga mata.

"Babe... Anong problema?" Takang tanong ni Matthew habang lumalapit sa dalaga.

"Ayoko ng lokohin ka pa, Matthew. Si Mateo ang mahal ko.. Siya lang mula noon hanggang ngayon! Sinubukan ko namang mahalin ka, eh. Pero hindi ko na kayang paniwalain ka, lalo na ang sarili ko! Patawarin mo 'ko, Matthew. I'm very sorry..." Wika ni Thiona sa pagitan ng pag-iyak.

Hindi umiimik si Matthew. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

"Paanong...siya ang mahal mo?
Kakauwi niya lang galing sa-----"

"Tigilan mo na 'yan, Matthew! Alam ko na ang totoo, tama na!"

Naghihimagsik ang kalooban ni Thiona. Nagagalit siya sa isiping wala talagang balak sabihin ni Matthew sa kanya ang totoo.

Hindi manlang ba nito naisip ang mararamdaman niya? Sa katotohanang bigla siyang pinasa nito kay Mateo sa kadahilanang hindi niya alam.

Muling natigilan ang binata. Napakagat ito sa ibabang labi at napahawak sa kaliwang dibdib.

Nag-aalalang nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ng dalaga. Wala siyang ideya kung ano ba ang nangyayari kay Matthew.

"A-anong nangyayari?" Takang tanong niya rito. "Matttt!!!" At tuluyan na ngang nawalan ng malay si Matthew. S'werteng nasa tabi ito ng malapad na kama at doon ito natumba.

Tarantang nilapitan ito ni Thiona.

"Mattt!!! Matthew gumising ka! Matthew!!!" Sa pagkataranta ay walang magawa si Thiona kundi ang mapahagulgol sa pag-iyak.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Mateo. Nagulat ito sa nasaksihan at dali-daling lumapit sa kanila.

"What happened?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Mateo habang nagda-dial ng numero sa kanyang cellphone.












( Hospital )

Palakad-lakad si Mateo habang naghihintay sa labas ng ER (Emergency Room). Si Thiona naman ay nakaupo sa mahabang upuan na naroon at malungkot na sinusundan ng tingin ang hindi mapalagay na binata.

"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doktor paglabas nito sa ER. Agad na lumapit dito si Mateo. Napatayo naman mula sa pagkakaupo si Thiona.

"Ako po, dok."

"Ilang beses na ang heart attack niya?" Tanong ng doktor.

Hindi nakasagot si Mateo. Sa totoo lang kasi ay wala siyang ideya kung ilang beses na nga itong inaatake. And he felt guilty for that.

"Sumama ka muna sa akin. I want to discuss something." Saad ng doktor.

Pagkatapos magpaalam sa dalaga ay sumama na ito sa doktor.

Naiwang naguguluhan si Thiona. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nagngyayari. Mula ng dinala nila rito sa ospital si Matthew ay hindi pa niya nakakausap si Mateo. Walang sinasabi ito. Hindi rin nagsasalita. Ayaw niya namang usisain ito dahil batid niya ang lubos na pag-aalala nito para sa kapatid.

"Is Matthew okay?" Tanong ng kadarating lang na si Ellah. Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. Kasama nito sina Jake at Stacey.

"What are you doing here? Dapat ay nagpapahinga na kayo ngayon." Nag-aalalang tanong ni Thiona sa dalawang kaibigan na kakakasal lang.

"It's okay. Hindi rin kami mapapakali, nag-aalala kami kay Matthew." Sincere na wika ni Stacey.

"Don't worry nakapagpaalam kami ng maayos sa mga guests. In fact, nagpapahinga na sila ngayon. Nagprisinta si Angela na siya na ang bahala sa lahat." Ani Jake.

Tumulo na ang pinipigil na luha ni Thiona. Ayaw niya sanang umiyak sa harap ng mga kaibigan ngunit hindi na kaya ng dibdib niya. Bukod sa alalang-alala siya sa kasintahan ay naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano ang kalagayan nito.

"We're here, best. Don't worry too much." Pag-aalo ni Ellah at niyakap ang kaibigan.

"Si Matthew! Ano bang sakit n'ya? Ano bang nangyayari?" Umiiyak na tanong ni Thiona. Palipat-lipat ang tingin sa tatlo.

Nagtinginan ang tatlo. Waring pinag-iisipan kung ibubuka ba ang bibig o hindi.

"He has... heart disease." Malungkot na wika ni Ellah.

Nanlaki ang luhaang mga mata ni Thiona. Paano nangyari iyon? Kailan pa? Hindi siya makapaniwala.

"P-pero paano? Napaka-healthy ni Matthew hindi ba? Kailan pa?" Naguguluhan pa ring magkakasunod na tanong ni Thiona.

"Nalaman niya lang daw 'yung sakit niya since first year college. It's congenital pero noon lang lumabas 'yung sintomas. Maaagapan siguro kung maaga siyang nabigyan ng treatment but he chose to came back here in the Philippines to avoid pressure mula sa daddy nila. Nung nalaman niya 'yung sakit n'ya, nawalan na s'ya ng ganang ayusin pa 'yung future n'ya. Kaya naisipan niyang magpakasaya na habang nabubuhay pa s'ya." Mahabang salaysay ni Ellah.

"Pero paano mong...nalaman?" So totoo nga na may heart disease si Matthew.

"I'm sorry, best. Matagal ko ng alam, kami ni Jake pero nakiusap si Matthew na huwag na huwag ipapaalam sa'yo dahil ayaw n'yang mag-alala ka. Nung umalis si Matthew para sa business trip sa US, kasama niya ako. He needs someone to assist him. To support him. And I'm a doctor so I know I can help with that. Then....si Mateo, pinakiusapan niyang umuwi rito para magpanggap na siya dahil walang kasiguraduhan ang mangyayari sa Surgery. He was afraid na matagalan ang recovery n'ya kapag naging successful ang operation. At kung hindi naman, nag-aalala siyang mawala sa mundo na maiwanan kang mag-isa. I'm very sorry best! Hindi ko ginustong magsinungaling ulit sa'yo!" Mahabang salaysay ni Ellah. At tuluyan na itong napaiyak pagkatapos magsalita. Nagi-guilty siya sa pagsisinunaling at pagtago ng katotohanan sa matalik na kaibigan.

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ni Thiona. Bagamat alam na niyang itinago ng lahat ang katotohanan sa kanya ay hindi niya magawang magalit o makaramdam ng sama ng loob dahil alam niyang siya lang din ang inaalala ng mga ito.

Nakikinig lang din at napapabuntong-hininga nalang ang mag-asawa. Wala silang magawa upang maibsan ang pag-aalala at kalungkutang nararamdaman ng mga kaibigan.

Nakita nila ang paglabas ng mga nurses at itinutulak ang kamang hinihigaan ni Matthew. Mabilis na lumapit sa mga ito si Thiona.

"Excuse me, anong nangyayari?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Thiona sa mga nurse.

"Don't worry miss. He's okay. Ililipat lang namin siya sa VIP room for medications." Saad ng isang nurse at muli ng itinulak ang hospital bed kung saan nakahiga si Matthew.

"Ellah, sigurado ba silang okay lang si Matthew?" Nag-aalala pa ring tanong Thiona habang sumusunod sila sa mga ito.

"Yes. Don't worry, he'll be alright soon." Nakangiting tugon ni Ellah.
























LESSON: May mga lihim na hindi madaling sabihin. May mga katanungan na hindi madaling itanong. Minsan isa lamang ang kailangan mong gawin upang makatulong. Ang UMUNAWA.



The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now