Chapter 21: "Heartbeat"

94 24 2
                                    



Third Person's POV

Nagmamadali habang naglalakad sa hallway si Thiona. Late na siya ng 2 minutes sa rehearsal nila sa modeling. Alam niya naman na hindi siya pagagalitan ng club president pero s'yempre nakakahiya, siya pa naman itong napaka-strict pagdating sa oras. Besides nahimatay siya kahapon so naantala ang rehearsal nila at ngayon late pa siya. Bakit ba naman kasi hindi siya ginising ni Stacey? Paggising niya wala na ito. Hays! Nakakahiya!

Lalo pa niyang binilisan ang paglakad. Nang bigla siyang matapilok. 3 inches heels lang naman ang suot niya pero natapilok siya sa bilis ng lakad niya.

Nagulat pa siya ng may mga bisig na sumalo sa kanya sa muntik na niyang pagkakatumba sa sahig. Napaangat ang mukha niya at booom! Muli nanamang nagtama ang paningin nila ng mala-agilang mga mata ngunit maamo iyon.

Hindi siya agad nakakilos. Hindi rin maialis ang paningin sa mga mata nito. Hindi niya alintana ang pagkakahapit nito sa maliit niyang baywang.

"You're so beautiful," he whispered. Pero nakarating sa pandinig niya iyon.

Sa pakiwari niya ay para siyang nananaginip. Talaga bang pinupuri siya ng lalaking ito? At talaga bang nakayakap ito sa kanya ngayon? Sa isiping iyon ay bigla siyang napakalas sa mga bisig nito. Napapalunok na iniayos niya ang sarili.

"Are you okay, Thiona?" pagkuway tanong nito. Tumango lang siya at tinalikuran na ito. Isang pasilyo nalang at makakarating na siya sa studio.

Pagbukas niya ng pinto ay palakpakan ang mga kasama niya sa club. Sabay-sabay pa ang mga ito.

"Congrats, ms. Gorgeous! It's your first time na ma-late," anang isang lalaki sabay kindat sa kanya.

"I-I'm sorry---" naputol ang sasabihin niya ng bumukas ulit ang pinto at iniluwa niyon ang lalaki na kanina lang ay tinalikuran niya.

"Sorry, guys. We just had a little conversation outside that's why we came here late, I apologize," nakangiting saad nito. Hiyawan naman ang lahat.

Little convo? Ni hindi nga ako nakapagsalita kanina 'no!

"Last time nahimatay ka dahil sa kanya, ngayon naman na-late ka ng dahil din sa kanya?? Thiona is that really you?" sabi naman ng isang babae na naroon. Nakataas ang isang kilay nito.

"Lakas mo, p're! Nabihag mo agad ang puso ng campus dream girl!" saad naman ng isa pang lalaki.

Noo'y naiiling na lamang si Thiona. Wala na siyang masabi pa. marami iyon, isa lang siya. At mukhang walang balak ang lalaking ito na itama ang maling iniisip ng mga kasamahan nila.

"Tigilan n'yo na nga si Thiona. Mabuti nakabihis ka na, let's start," ani John, ang club president. Seryoso ang ekspresyon nito.

"Nakopo, selos na si pres!" pang-aasar pa ng isa. Tiningnan lang ito ng masama ni John.

Naiilang si Thiona sa mga titig ni Mat. Parang kahit anong gawin niya ay nakasunod ang mga tingin nito sa kanya. Ano? Gandanag-ganda ka na ba sa akin ngayon? Naiinis na bulalas niya sa isip nang sumulyap dito na nahuli niya nanaman na nakatitig ito sa kanya. Ngumiti lang ito ng pagkatamis-tamis. Para naman siyang napaso sa ngiting iyon. Napakagat-labi at ibinaling ang tingin sa mga rumarampa.

At tinawag na ng host ang pangalan niya. Buong pagmamalaking taas-noo siyang lumabas ng back stage at rumampa sa gitna. Sanay na sanay na si Thiona sa bagay na iyon kaya naman over confident sya.

Laking gulat niya ng lumabas din ng back stage si Matt at nakatitig sa kanyang rumampa ito papalapit sa kanya sa gitna. Wala siyang ideya na ito pala ang makakapareha niya sa pagrampa. Ano ba'to? Sinadya o destiny?

Kaygwapo nito sa suot na tuxedo with tie na parehong black. Omy! This heartbeat! Muli nanamang nagbalik ang bilis ng pintig ng puso ni Thiona na akala niya ay hindi na muling mararamdaman ng puso niya. Akala niya ay namanhid na ito ng tuluyan sa sakit na binigay sa kanya noon ng binata. Ngunit heto nanaman siya na tila napapraning sa pagtitig palang sa napaka-perfect figure nito na lalaking-lalaki. Lalong tumangkad si Matt at lumaki lalo ang pangangatawan.

"Let's go, babe," anito at inakay na siya sa paglakad sa gitna. Sabay silang naglakad sa mahabang platform at naghiwalay sa dulo niyon, sabay na naglakad sa magkabilang gilid.







Natapos na ang rehearsal ngunit wala pa rin sa tamang wisyo niya si Thiona. Nakapagpalit na siya ng damit. Nakaupo na lamang siya sa bench doon sa loob ng studio at hinihintay ang reply ni Stacey. Hindi kasi ito naka-attend sa rehearsal at nag-aalala siya.

Minabuti niyang tawagan na lang at may sumagot, pero hindi si Stacey kundi si Carl.

"Tulog pa s'ya, Thiona. What's up?" ani Carl na tila nagising lang ng dahil sa tawag niya.

"What's up? Alam ba ng babaeng 'yan na may rehearsal today?" inis na tanong niya.

"Wala s'yang class di ba, kaya---" naputol ang sasabihin ni Carl. Na-dead bat yata ang phone ni Stacey.

Babaeng 'yun! Hindi pala sa dorm natulog kagabi kundi sa jowa n'ya pala! Iiling-iling na tumayo na siya at kinuha na ang bag. Paglabas niya ng studio ay laking gulat niya pa ng madatnan doon si Mat na nakasandal sa dingding. Tila may hinihintay ito roon.

Patay-malisyang lumakad na siya papalayo ngunit nagsalita ito.

"Thiona, wait." Napahinto siya sa paglakad at napalingon dito.

Bakit ganoon? Tila kaysarap sa pandinig ng pagtawag nito sa pangalan niya? Kaylambing niyon di tulad noon na napakadiin lagi kapag binabanggit nito ang pangalan niya.

"Can I go with you?" anang lalaki. Kumunot naman ang noo niya.

"Hmm.. why?"

"I just... want to be with you for a while. If its.... okay with you?" nag-aalinlanagang tanong nito.

Napaisip naman si Thiona. Ano ba talaga ang drama ng lalaking ito? Bakit ang nice makipag-usap at panay lapit pa sa kanya? Naguguluhan na nag-isip ang dalaga.

Tila nakita niya ang imahe nito na nakaakbay sa isang babae na kinaiinisan niyang lubos. Si Angela. Sa ala-alang iyon ay biglang napakuyom ang kamao niya at tinalikuran ito. What the hell! Naroon pa rin ang sakit na naiwan nito sa puso niya 3 years ago.

Naiwang malungkot ang lalaki. Buntong-hiningang nasundan na lamang nito ng tingin ang dalaga.



















LESSON: Hindi ganoon kadaling makalimot. Lalo na kung sobra kang nasaktan dahil sa taong iyon. Pero alalahanin mo rin na kahit kailan ay hindi solusyon ang pag-iwas. Hindi ito makakatulong upang makalimot ka, bagkus, lalo lamang nito ipapaalala sayo ang sakit na naramdaman mo noon.

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon