Chapter 71: "Right Timing"

69 16 0
                                    

Third Person's POV

Ayaw ng isip niya. Ngunit gusto naman ng katawan at puso niya ang bawat ginagawa ng kasintahan sa kanya.

Sa tatlong taong relasyon nila ni Matthew ay minahal niya ito. Natutunan niya itong mahalin pagkatapos ng dalawang taon na matiyagang panliligaw nito. hindi naman kasi mahirap mahalin ang isang Matthew Louie Sebastian eh. Lalo't pursegido ito at ipinakitang mahal na mahal talaga siya nito.

Kaya nga lang, nilagyan niya pa rin ng pader o limitasyon ang relasyon nila. Sinabihan niya itong huwag lalagpas doon, hangga't hindi sila nakakasal ay hindi nila pwedeng gawin ang bagay na iyon.

Mabuti at sumusunod naman si Matthew. Malakas ang control nito sa sarili kahit na ilang beses silang nagsolo sa isang lugar. Ngunit mas lalo si Thiona. Higit na malakas ang control niya sa sarili na ipinagtataka niya.

Noon ay napakadali sa kanyang ibigay ang sarili sa kanyang first love na si Mateo, ayaw nga lamang nito na tuluyang angkinin siya. Ngunit pagdating kay Matthew, palagi siyang may nakahandang pangontra sa karisma nito.

Ngunit ano itong nangyayari sa kanya ngayon? Bakit imbes na itulak niya ay lalo niyang hinihigpitan ang pagyakap sa kasintahan? Bakit nag-iinit at nananabik siya sa mga susunod pang kilos na gagawin nito sa kanya?

Oh, sh*t, Thiona! Napamura na lang siya sa isip nang mamalayang nasa sahig na ang kanyang mga damit, ganoon din ang binata. Kasalukuyan na silang nasa malambot na kama nito at nasa ibabaw siya ng binata. Literal na underwear na lang ang suot niya, habang ang nobyo ay ang boxers nito.

Come on, girl, stop him!

No! I like it. I want more.

Nagtatalo ang kanyang isip ngunit naghahari ang kagustuhan ng kanyang puso na magpasakop sa lalaking ito na kanyang kaniig.

His hands caressing her naked back hanggang sa maabot niyon ang hook ng kanyang bra. Nang saktong na-unhook na nito iyon ay saka naman nagring ng sunod-sunod ang cellphone ni Thiona.

Tila binuhusan ng malamig na tubig na napabalikwas ng bangon ang dalaga at agad na ibinalik ang pagkakasara ng hook ng kanyang bra. Si Mateo naman ay natutulalang napasunod na lang ng tingin dito habang kinukuha ng dalaga ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pants na nasa sahig.

"Y-Yes, Angela?" narinig niyang sinambit nito ang pangalan ng kanyang matalik na kaibigan.

Damn! Ang ganda ng timing mo, Anne ha? Naiinis na usal sa isip ng binata habang nanonood lamang sa dalaga na unti-unting nagbibihis habang nasa tainga ang cellphone nito.

"As in now na? where?" patuloy na pakikipag-usap ni Thiona.

"Okay, okay. I'll be there. Bye!" iyon lang at in-end call na niya ang tawag nito. isinusuot niya na ang pants nang mapasulyap siya sa nobyo.

"What? Huwag mo ng uulitin ito, Matthew Louie ha. Kung hindi magagalit na talaga ako!" galit na saad ni Thiona sabay labas ng kwarto.

Nagmamadaling isinuot ni Mateo ang kanyang slacks at agad na sumunod sa dalaga na nasa sala, nagsusuot na ito ng sandals.

"Babe, saan ka pupunta?" takang tanong ng binata. Sinulyapan ni Thiona ang matipuno niyang katawan. Hindi pa kasi nito naisuot ang long sleeve dahil nagmadali na sundan siya.

"May pag-uusapan lang kami ni Angela." Tugon ng dalaga.

"Ihahatid na kita." Aniya at akmang papasok ulit sa silid para kunin ang mga nagkalat na damit ngunit pinigilan siya nito.

"Dala ko ang kotse ko. Don't worry, I can manage." Wika ni Thiona at binuksan na ang pinto saka direderetso nang lumabas.

Naiiling na naupo na lang sa sofa ang binata. Iniisip kung bakit tumawag ang kaibigan kay Thiona. Ano kaya ang pag-uusapan daw nila?










(Angela's House)

"Come in, Thiona!" masayang bati ni Angela. Naamoy niya na amoy alak ito nang dinaanan niya ito papasok sa bahay.

"Ano naman ang pag-uusapan natin sa ganitong oras, Anne?" Ani Thiona at tiningnan ang orasan. Alas nueve na ng gabi.

"Hmm.. wala lang, na-miss ko lang 'yung k'wentuhan natin.. you know, nila Ellah." Nakangiting tugon nito.

Dahil sa kanya at pati na rin kay Jake ay napalapit na rin ito sa kaibigan niyang si Ellah. Malimit silang mag-bonding nito noong mga panahong hindi pa gaanong hectic ang schedule ni Ellah sa ospital.

Nagsimula ang friendship nila nito simula noong birthday celebration nito sa Laguna. At ewan niya kung bakit simula noong umalis si Mateo ay palagi na itong lumalapit sa kanya at nakikipagkaibigan.

Tinitigan niya ng may pagdududa ang kaibigan.

"'Yung totoo, Anne? May sasabihin ka ba?" seryosong turan ni Thiona.

"Yes. And for me, it's very important. Halika, kukuha muna ako ng maiinom." Malungkot na saad ni Angela pagkuwa'y iginiya na siya paupo sa mahabang sofa set na naroon sa sala.

Inilapag nito ang juice at isang bote ng beer sa lamesita na naroon sa pagitan ng magkatapat na sofa. Umupo ito sa kabila at matamang tumitig sa kanya.

"Anne... kung kakaibang request nanaman 'yan ay hindi na ako makakapayag ha." Seryosong turan ni Thiona.

Kinakabahan siya sa pagka-seryoso ni Angela. Ganitong-ganito ito noong nakiusap sa kanya na makipag-one night stand siya sa kaibigan nitong si Mateo. At pinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya iyon gagawin.

"No. It's not like that silly request five years ago. But it's connected to that." Seryoso pa ring saad ni Angela. Napaawang ang kanyang mga labi.

"So....sinasabi mo ba na sasabihin mo na sa'kin ngayon ang dahilan kung bakit mo ipinagawa sa akin ang bagay na iyon dati?" wika ni Thiona sa nananabik na tinig.

Siyempre curious siya kung bakit ipinakiusap sa kanya ni Angela ang bagay na iyon kahit na alam nito na wala naman silang relasyon ni Mateo.

"Yes. I promised to tell you the reasons behind that request and I guess... this is the right time for you to know everything......about Mateo Luis."

Napakurap siya sa tindi ng tension na bumabalot sa kanyang pagkatao ngayon. Pakiramdam niya ay hawak na niya ang susi ngayon upang malaman ang lahat. Lahat-lahat ng hindi niya nalalaman tungkol sa kanyang first love. Ngunit may pagdadalawang isip siya kung pakikinggan niya ba iyon o hindi na lang.

"P-Pero... hindi ko alam kung kailangan ko pang malaman ang tungkol sa bagay na iyan, Anne. Alam mo naman na engaged na ako kay Matthew at------"

"Mateo Luis G. Sebastian is impotent." Mariing turan ni Angela na nakapagpaputol ng sasabihin niya. Bahagyang napaawang ang kaniyang bibig at napalunok dahil sa sinabi nito.

Ano raw? Impotent si.....Mateo? means he is abnormally unable to achieve a sexual erection? How come?

















LESSON: May mga bagay na kahit hindi natin gustong gawin, nahihirapan tayong pigilan ang sarili dahil puso natin ang nagdidikta. May mga lihim din na kahit ayaw na nating malaman ay patuloy pa rin nating matutuklasan dahil iyon ang nararapat.

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon