Chapter 85: "Tell Me You're Mine... Only Mine!"

60 16 0
                                    



Third Person's POV

Marahang iminulat ni Mateo ang mga mata. Napangiti siya ng masilayan ang magandang mukha ni Thiona na nakahiga sa kaliwang balikat niya habang ang kanang braso niya ay nakayakap sa likod nito.

Ang makapal na kumot lamang  ang tanging tumatabing sa kanilang mga hubad na katawan. Magdamag nilang inangkin ang isa't-isa kagabi na tila wala ng bukas pa. 


He loves this woman so much at alam niyang hindi niya kakayaning ibalik pa ito sa kapatid. Hinding-hindi na, mawawasak nanaman ang pagkatao niya at madudurog ang puso niya. Pero kung ganoon ang nararamdaman niya na mangyayari sa kanya kung muling mapupunta sa kapatid ang minamahal? Paano pa kaya si Matthew na may karamdaman sa puso? Baka ikamatay nito kung tuluyan na niyang aangkinin ang kasintahan nitong si Thiona?


Sa isiping iyon ay napabangon bigla si Mateo. Pakiwari niya ay sumakit ang ulo niya. Hindi kaya ng kunsensya niya, isipin niya palang na mawawala si Matthew ng dahil sa kanya.


Dahan-dahan niyang inalis ang mga braso ng dalaga na nakayakap sa kanya. Lumayo sa kama, pinulot ang mga damit at isinuot ang mga iyon.


Matagal na tinitigan nito ang maamong mukha ng babaeng pinakamamahal pagkuwa'y hinalikan ito sa noo. 


Whatever happens, hindi na kita muli pang sasaktan, mahal ko. Kung naging duwag ako noon at mapagbigay sa kapatid ko, iba na ngayon. I owned you. I love you so much! And no one can take you away from me. No one, even Matthew.

Hindi niya maiwasang maluha habang iniisip iyon. This is the first time na sarili naman niya ang iisipin niya. Na ang babaeng mahal niya naman ang uunahin niya. At ito rin ang unang beses na hindi niya aalalahanin ang kapakanan ng kapatid. Una at huling beses. Kaya nga ba talaga niya?


I'm sorry Matthew. I'm very sorry!

Isang masuyong halik sa mga labi ng dalaga ang nagpagising dito.

Marahang iminulat ni Thiona ang mga mata niya. It's Mateo. His only man. He is staring at her as if she is like a precious gem for him.

"Hmm.. I love you so much, handsome!" Malambing na turan ni Thiona.

"I love you more beautiful!" Nakangiti na puno ng pagmamahal ang binata habang nakatunghay sa kanya.


"Bumangon ka na d'yan, Thiona Miain. Baka hindi nanaman ako makapagpigil." Nanunudyong saad nito.


Natawa ang dalaga bagamat bumabangon na. Inabutan siya ng robe ni Mateo at ito na rin ang mismong nagsuot sa kanya.


"Tell me that you're mine. Only mine, Thiona Miain." Masuyong wika ni Mateo habang binubuhol ang mga tali ng robe sa bandang tiyan niya. Nagsasalita ito sa tapat ng tainga niya.


"I'm all yours, Mateo Luis. No one can own me except you." Masuyo ring tugon ng dalaga.


Napapapikit siya sa paraan ng pagyakap nito sa kanya. Nakatalikod siya rito at dama niya ang matipuno at malapad nitong dibdib na sinasandalan niya ngayon. Ewan niya ngunit napakalakas talaga ng epekto sa kanya ng lalaking ito.


"Let's take a bath together." Anas ni Mateo bago siya buhatin nito at dinala sa bathroom.


Sa huling pagkakataon ay muli nilang inangkin ang isa't-isa habang hindi napapansin ang luhang tumutulo sa kanilang mga mata dahil sa pagdaloy ng tubig mula sa shower. At ang mga luha nilang iyon ay para sa iisang tao lang. Kay Matthew.











The Sacrificial LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora