Chapter 52: "How are you...Mat?"

71 18 0
                                    




Thiona's POV

Simula ng araw na iyon ay hindi na muli pang lumapit sa akin si Mateo. Kabaligtaran naman iyon ni Matthew na hatid-sundo ako at palagi akong dinadalhan ng kung anu-ano. Madalas na rin siya sa bahay kaya naman napapalapit na siya kay papa. Magiliw naman kasi talaga makipag-usap si Matt kahit kanino at iyon ang pinaka-asset niya, s'yempre bukod sa kag'wapuhan niya.

Gayunpaman, napapansin ko si papa na parang ilang pa rin kay Matthew. Hindi ko alam kung bakit pero tingin ko gumagawa siya ng pagitan. Gap kumbaga. Halata sa kanya na mas gusto niya si Mateo kaysa rito. Madalas niya ring hanapin ito sa akin.
Bakit daw hindi na dumadalaw si Mateo, mga ganoong tanong ba.


"Kumain ka ng kumain, Mateo, hijo. Para lalo kang gumuwapo." Birong saad ni papa.

Papuri ba iyon? Pero imbes na matuwa si Matt ay nalungkot ito dahil ibang pangalan ang binanggit ni papa.

"Pa, Matthew." Seryosong sabi ko.

Natahimik naman si papa, pagkatapos ay nagsorry kay Matt. Mas madali raw kasi banggitin iyon, dahilan pa ni papa.

Sus papa. Kilala kita. Alam kong may pagka-loyal kang tao. Si Mateo ang una mong nakilala kaya s'ya ang bet mo!








Third Person's POV

(University)

"Ahmm.. Sorry kanina, Matt. Sanay lang talaga si papa na----"

"It's okay. Maliit na bagay, " nakangiting saad ni Matthew.

Kasalukuyan silang naglalakad ngayon sa hallway.

"Una na 'ko, babe. Puntahan kita after class." Ani Matthew pagkuwa'y nagmamadaling umalis. May importanteng lakad daw kasi ito.

Naiwang malungkot si Thiona. Naawa siya para rito. Sobra-sobra na ang effort na ipinapakita nito para sa kanya. Ilang buwan na rin itong nanliligaw. At ganoon na rin katagal na hindi niya napagkikita ang kambal nito.

Kamusta na kaya s'ya? Naitanong niya sa sarili.

Saktong pagliko niya sa kanan ay may lumiko rin papunta sa direksyon niya. Nagkabanggaan sila nito. Nalaglag ang dalawang aklat na bitbit niya. 


"I'm sorry. Nagmamadali kasi ako at----" saad nito habang pinupulot ang mga aklat niya. Naputol pa ang sasabihin nito ng magtama ang mga mata nila.

Mateo....

Hindi makaimik si Thiona. Ganoon din si Mateo. Walang anumang salita ang gustong lumabas sa kanilang mga labi.

"Ahm.. Mat.." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Gusto niya sana itong kamustahin ngunit naiilang siya.

Iniangat nito ang mga aklat niya at kinuha niya iyon. Isang sulyap pa ang ipinukol nito sa kanya bago nagmamadaling umalis.

Mateo... Kamusta ka na?

Turan niya sa isip habang sinusundan ito ng tingin.

Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ba't pinangako ko sa sarili na hindi na muli pang makikipag-usap sa kanya? Ang tawagin ang pangalan niya? O ang tingnan manlang siya sa mata? Ano ka ba, Thiona! Magkaroon ka naman ng pride sa sarili mo!

Naiinis na kinakastigo niya ang sarili. Ngayon na lamang niya ito ulit nakita ng ganoon kalapit, masama bang ma-miss niya ito kahit papaano? Wika naman ng puso niya. Naguguluhn siya. Pati pala utak at puso marunong makipag-argumento? Natawa siya sa isiping iyon.

"Hi, Miain!" Napalingon siya sa may ari ng boses na iyon na tumawag sa kanya. Si Mika. Tama nga ang kutob niya.

Lalagpasan lang sana niya ito subalit pinigilan siya ni Mika sa braso.

"Wait! Pwede ba kitang makausap? Kahit sandali lang?" Ani Mika.

Sinundan niya ng tingin ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Napansin iyon ni Mika kaya agad nitong binitawan iyon.

"May dapat pa ba tayong pag-usapan?" Takang tanong niya rito.

Hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nitong pang-iinsulto sa kanya, at sa papa niya.

"It's bout Mateo." Deretsahang turan nito. Napataas ang isang kilay niya sa sinabi nito.

So ano? Ibabalita mo bang ikakasal na kayo ng fiance mo? Naiinis na turan niya pero sa isip lang.

 

"I'm not interested!" Pagkuway madiing saad niya at akmang tatalikuran na ito.

"I'm not her fiancee." Napahinto si Thiona sa paglakad dahil sa narinig bagamat nanatiling nakatalikod dito.

Ano raw? Nabasa n'ya ba ang nasa isip ko? So hindi totoong...

"Nagsinungaling ako. Kami. I asked him to pretend that he's my fiance para lang pasakitan si Matthew." Nakikinig lamang si Thiona ngunit napalingon siya rito sa salaysay na narinig.

Si Matthew? Anong kinalaman ni Matthew sa kanilang dalawa?

"Please let's talk. I'll tell you everything." nakangiting saad ni Mika sa kanya at mababakas naman ang sinseridad sa tinig at kislap ng mga mata nito.























LESSON: Learn how to listen. Kahit pa gaano ka nasaktan o nakaramdam ng galit sa taong iyon. Bigyan mo pa rin siya ng chance na magpaliwanag. Malay mo, may importante siyang rebelasyon na makakagaan sa kalooban mo.

The Sacrificial LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora