Chapter 38: "Mikky Mouse...his fiancee"

79 20 0
                                    


Third Person's POV



"Oh, hija, nakaayos ka na pala. Halika na handa na ang hapag-kainan," nakangiting saad ni aling Celia na nakatayo roon sa likod ni Mateo,  napansin siya nito nang lumingon ito sa gawi niya.

Wow aling Celia, napaka-legit naman po ng sinabi niyong hindi nagdadala ng babae rito si Mat. Eh ano 'yan bakla?  Nanggagalaiti sa isip si Thiona.

Sumunod ng tingin sa kanya ang dalawa. Si Mateo at ang babaeng iyon. Tinanggal ni Mateo ang pagkakalingkis ng braso ng dalaga sa leeg nito at matamang tumitig sa kanya. Waring inoobserbahan ang magiging reaksyon niya.

F*ck you ka! Anong iniisip mo, iiyak ako? Akala mo ito ang first time na makita kitang may kaakbay o kayakap na babae? Hindi uySanay akong ganyan ka kaharot, Mateo Luis! Nakipagtitigan siya sa binata na tila walang pakialam, deadma. Dahan-dahan siyang bumaba palapit sa mga ito.

"Ahm.. Hindi ko alam na may bisita pala kayo ng ganito kaaga, Luis?" Nakangiting tanong ng babae kay Mateo.

Bakit tila kaylambing ng pagkakabigkas nito sa pangalan ni Mat? At sa second name pa talaga ha!

Nanggagalaiti ang isip ni Thiona. Wow! Kailan ka pa nagpatawag sa isang pangalan mo? Sweet huh!

"Nope. Dito sya natulog," seryosong turan ni Mateo, nakatitig pa rin kay Thiona.

Bumaling ang tingin sa kanya ng babae, tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Wow! Scanner ka ba? Ini-scan mo'ko?

Nakipagtitigan din sya sa babae. Sigurado siyang hindi ito si Angela. Pero bakit ganoon? Pamilyar ang mga mata nito sa kanya?

"Ikaw talaga, Luis ang hilig mo magpatawa! " sabay tawang turan ng babae.

Ano raw mahilig magpatawa si Mat? Kailan pa? At ano? Mukha bang biro lang para sa kanya ang pagtulog ko rito? Hindi niya kilala ang babae pero parang gusto na niyang hablutin ang buhok nito.

"Ahm...by the way, she is Thiona, my childhood friend and also school mate. And Thiona, this is----" naputol ang sasabihin ni Mateo ng sumingit ito.

"Hi, Thiona, I'm Mikky, his fiancee." Matamis ang ngiti sa labi na pagpapakilala sa sarili ng babae.

Tila sinakal naman siya sa narinig. Hindi siya makapagsalita.

"Mikky!" Ani Mateo, tila tutol ito sa sinabi ng babae.

"Halika na, Luis nagugutom na ako. Manang nakahanda na ba ang breakfast?" Baling nito sa mayordoma pagkuway lumakad na papuntang dining room.

"Halika na hija, mag-agahan na kayo," nakangiting sabi sa kanya ni aling Celia.

Tututol sana siya at akmang uuwi na lang pero nakatitig pa rin sa kanya si Mateo, baka isipin nito na apektado siya, na nagseselos siya, na nasasaktan siya. Well totoo naman lahat iyon, imagine may fiancee na pala ang bwisit na lalaking ito?

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now