Chapter 68: "Agreement or Opportunity?"

67 16 0
                                    



Third Person's POV

Nakabalik na ang binata mula sa bahay nila Thiona. Agad siyang nagtungo sa opisina ni Jake.

"Hey, hey, hey, bro! What's the matter?" Masiglang tanong ni Jake nang pumasok sa pinto ang kaibigan.

"I think I can't do this, bro. Hindi ko kayang gayahin ang kapatid ko na magaling magpanggap!" Kunot-noong wika nito sabay upo sa single sofa na naroon.

"So bakit ka pumayag in the first place?" Naiiling na turan naman ni Jake, kumuha ng maiinom sa maliit na ref na naroon at iniabot sa kaibigan.

"May choice ba ako? Mahihindian ko ba si Matthew? At iyon ang kasunduan namin bago sya pumayag sa heart transplant." Buntong-hiningang saad ni Mateo.

"Pero bakit? Anong naiisip niya at pinilit ka niyang magpanggap kang siya habang wala siya?" Takang tanong ni Jake na umupo sa kaharap na single sofa rin katapat ng inuupuan ng kaibigan.

"Natatakot siyang...may mangyari during surgery. At ayaw niyang masaktan si Thiona kapag nagkaganoon nga. Besides kung maging successful man, matagal iyon. After surgery ay magpaparecover pa s'ya at aabutin iyon ng taon. Hindi niya gustong mag-alala si Thiona kaya ayaw niyang ipaalam dito ang operation." Salaysay ni Mateo.

"So okay lang na lokohin niya si Thiona ganoon? Lokohin niyong dalawa? Do you really think makakabalik agad s'ya before Thiona discover your identity?" Ani Jake.

Napaisip naman si Mateo. Kahit siya ay iyon ang inaalala. Hindi ganoon katanga ang dalaga para mapaniwala nila ng ganoon katagal.

"Paano kung ma-inlove ulit sa iyo ang ex mo? I mean...ang ex love mo? Can Matthew take the consequences?" Dugtong pa ni Jake. Lalong nag-alala si Mateo.

Mali. Paano kung siya ang mahulog nanaman sa dalaga? Sigurado siyang hindi ito mahuhulog sa kanya dahil iniisip nito na siya si Matthew. Pero siya? Kaya niya bang pigilin ang nararamdaman para kay Thiona?

"Bro, answer me. Aware ba si Matthew na kapag pinagpanggap ka niyang ikaw siya ay may karapatan kang gawin ang mga gusto mong gawin kay Thiona bilang fiance nito?" Pangungulit ni Jake. At alam niyang bawat sinasabi nito ay may punto.

"I don't know bro. Maski ako ay naguguluhan sa desisyon ni Matthew. I just can't take it na walang gawin habang nahihirapan siya sa kahaharapin niyang operasyon." Stressed na saad ni Mateo. Bumuntong-hininga si Jake.

"Ewan ko lang ha. Pero bro, limang taon na ang lumipas sunud-sunuran ka pa rin d'yan sa utol mo. Akala ko ba ayaw mo na maging anino n'ya? Eh bakit ngayon nand'yan ka nanaman at pinahihirapan ang sarili mo? Alam nating lahat na ikaw ang pinaka-kawawa kapag nahulog ka ulit kay Thiona at dumating ang oras na ibabalik mo na s'ya sa totoong may ari sa kanya." Mahabang sermon ni Jake. Tulad noon, alalang-alala nanaman siya para rito.

"At ikaw naman sunud-sunuran sa akin? Nung sinabi kong bantayan mo si Matthew at alagaan habang wala ako, pumasok ka rito sa kumpanya para gawin iyon kahit na ayaw na ayaw mo sa utol ko. Anong pinagkaiba natin, bro?" Natatawa at pabirong turan ni Mateo sa kaibigan. Gusto niyang pawiin na ang pag-aalala nito sa kanya.

"Hey, hindi pa rin ako martyr na kagaya mo ano!" Natatawa na ring saad ni Jake.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Stacey. Agad itong lumapit sa kasintahang si Jake at umupo sa kandungan nito.

"Loves, matuto ka namang kumatok. Nagmi-meeting kami nitong si Mate.... Matthew oh!" Nakagat nito ang pang-ibabang labi at napatingin sa kaibigan.

Napailing naman si Mateo. Mahirap talaga kalabanin ang sariling dila.

"Meeting? Tungkol sa babae? At Sino ang martyr, kayong dalawa? Well... Totoo naman iyon." Tatawa-tawang sabi ni Stacey.

"Bakit ka pala nagpunta rito? Magkikita naman tayo mamayang gabi ah." Malambing na tanong ni Jake na niyakap ang dalaga.

Napangiti si Mateo. So totoo palang soulmates ang dalawang ito. Marupok ang kaibigan niya, nabihag ng makulit na babaeng ito. Sa bagay, siya rin naman noon nahulog kay Thiona sa sobrang kulit at paghahabol nito noong high school palang.

"Eh paano iyong girl friend nating si Thiona, nagmamadali ba namang iwan ako pagkatapos malamang nakabalik na itong si Matthew. Hindi manlang ako natulungan sa pagpili ng wedding dress ko." Malungkot at nakangusong saad ni Stacey.

Mateo felt sad. Ganoon pala ka-excited si Thiona na makita ang fiance nito na kambal niya? Unfortunately, siya ang dumating at hindi ito.

"It's okay. Ako na ang tutulong sayong pumili ng dress. I'll make sure na ikaw ang magiging pinakamagandang bride." Malambing na turan ni Jake sabay smack kiss sa nobya.

Napairap naman sa mga ito si Mateo. Tama ba namang mag-PDA sa harap niya? Siya na walang jowa. Siya na NGSB (No Girlfriend Since Birth). Natatawang nagpaalam na siya sa mga at ito bumalik sa kanyang opisina.

Ano nang gagawin ko, Matthew? Paano ko magagampanan ang tungkulin mo bilang fiance n'ya?

Nakatingin sa labas ng building na usal niya sa isip. Nakatayo siya roon sa wall glass at tanaw ang kapaligiran sa labas ng mataas na gusaling iyon. Nakapamulsa at malalim ang iniisip.

Nagring ang phone niya at tiningnan niya iyon. It's George. Nakangiting sinagot niya iyon.

"Hey dude, nakabalik ka na?" Masigla ang tinig na tanong ni George.

"Yes. Let's have a drink later, my friend doctor?" Nakangiting tugon naman ni Mateo.

"Sure! I'm so excited! Bye. See you later." Ani George.

Nakangiti pa ring ibinalik niya ang cellphone sa bulsa ng coat. Ang saya sa pakiramdam na may mga kaibigan kang excited at natutuwa sa pagbabalik mo. Hopefully ganoon din ang babaeng mahal niya. 'Yung excited sa pagbalik niya, hindi sa pagbalik ng iba.

Sa isiping iyon ay nawala ang ngiti sa mga labi niya.

I'm sorry, tol.. I need to grab this opportunity... not for you, but for myself. Kahit sandali lang.
























LESSON: Masarap magmahal at mahalin kahit panandalian lang, dahilan para tanggapin mo ang oportunidad na magpanggap. Ngunit sana maisip mo na paano ka na kapag dumating na ang totoong taong nagmamay-ari sa pagmamahal na hiram lang?

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now