Chapter 92: "Desperate"

50 17 0
                                    



Third Person's POV

Pagkatapos na pagkatapos kumain ay agad nag-ayos ng sarili si Thiona. Isa lang ang binabalak niyang puntahan ngayon, si Mateo. S'yempre ay hindi siya pupunta sa mansyon ng mga Sebatian, batid niyang naroon ang mag-inang Matthew at Luoisa.

Pagkasakay sa kanyang sasakyan ay pinaharurot niya agad iyon. Ang destinasyon niya? Ang Sunset Paradise. Sigurado siyang kung wala sa mansyon ay naroon si Mateo ngayon. Dinala na siya nito noon doon at alam niyang iyon ang comfort zone nito. Kapag nalulungkot ito at may suliranin ay doon ito magpupunta.

Nang makita siya ng guard ay pinapasok agad siya sa subdivision. Kilala siya ng mga security guards doon bilang kasintahan ni Matthew at malapit sa Sebastian Brothers kaya naman madali lang para sa kanya ang makapasok sa lugar na iyon ng mga Sebastian.

Marahan ang mga hakbang niya habang tumatawid siya sa bridge na patungo sa bungalow house na naroon. Natatakot siyang baka wala roon ang binata at totoo ang panaginip niya na umalis na ito at tuluyan na siyang tinalikuran.

Nasa tapat na siya ng pinto at hindi niya magawang kumatok. Nagbilang siya...

Isa..dalawa..tatlo..

At biglang bumukas ang pinto. Nagtama ang paningin nila ni Mateo. Bumilis ang pagkabog ng dibdib niya at nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Walang sali-salitang dinamba niya ang binata at niyakap ito ng mahigpit. Nakasabit ang mga braso niya sa batok nito habang umiiyak siya na nakasubsob sa dibdib nito. Walang imik si Mateo. Tahimik lamang ito bagamat panay ang buntong-hininga. Hindi ito gumaganti ng yakap ngunit hindi iyon pinansin ni Thiona. Patuloy lamang siya sa pag-iyak habang nasa mga bisig nito.

"Thiona....please, stop crying." Maya-maya ay narinig niyang saad ni Mateo. Hindi siya sumagot, sa halip ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap dito.

"I said stop!" Madiing turan ni Mateo at kinalas ang mga braso niya na nakayakap dito.

May luha pa rin sa mga mata na tinitigan niya ito. Bakit ganoon? Hindi ba siya na-missed nito? Hindi manlang ba ito nangulila sa kanya sa ilang araw na hindi nila pagkikita? Bakit parang ang cold nito sa kanya? Galit ba ito? Dahil pumayag siyang magpakasal kay Matthew?

"Mat...what's wrong? Ayaw mo na ba sa akin? Bakit iniiwasan mo 'ko? Bakit hindi ka manlang-----"

"You're getting married...tomorrow. Hindi na dapat tayo nagkikita pa ngayon, Thiona." Seryoso ang mukhang saad nito. Napakagat sa ibabang labi ang dalaga.

Nasasaktan siya sa isiping balewala lang dito ang pagpapakasal niya sa kapatid nito. Na okay lang na huwag na silang magkita dahil nga sa kadahilanang ikakasal na siya.

"So...okay lang sayo? Ayos lang na ikasal kami ni Matthew ganoon ba?" Tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha niya sa mata. Tila wala iyong katapusan.

Hindi makasagot ang binata. Tinalikuran siya nito at pumasok sa loob ng bahay.

"Ganoon na lang ba 'yun, Mateo Luis?! Pagkatapos ng lahat ipamimigay at ipapasa mo ulit ako sa kapatid mo?!" Pasigaw na wika niya habang sumusunod dito papasok sa loob ng bahay.

Magsasalita pa sana siya nang mapatingin siya sa mga paintings na naroon. Higit sa sampu ang mga iyon. At ang nakakamangha ay pulos larawan niya iyon sa iba't-ibang anggulo. Ngunit ang pumukaw sa atensyon niya ay ang itsura niya na nakasalampak sa buhanginan. Sa tantiya niya ay labing isang gulang pa lang siya roon. Sa gilid niya ay may bisikleta. Kayganda ng pagkakangiti niya roon habang nakatingin sa asul na karagatan.

The Sacrificial LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora