Chapter 54: "The Real Fiance"

70 17 0
                                    


Third Person's POV

(Coffee Shop)

Nakaalis na si Mika ngunit nanatiling nakaupo roon sa kanilang p'westo si Thiona. Nakatitig sa kape niyang malamig na. Hindi niya manlang nainom.

Kung ganoon, hindi pala talaga si Mateo ang naging fiance nito kundi si Matthew? At nagpanggap lamang ang dalawa para pasakitan ito. Ngunit hindi talaga siya magustuhan ni Matthew kaya nabaling sa iba ang nararamdaman niya para rito. Hindi sinasadya ni Mika na ma-inlove kay Mateo dahilan para magawa nito ang mga bagay na iyon sa kanya. At humingi na ito ng kapatawaran mula kay Thiona. Pinatawad niya naman ito dahil batid niyang nagsisisi na ito sa ginawa bagamat hindi pa rin niya magagawang makipagkaibigan pang muli rito.

Bakit ganoon? Bakit walang nagsabi sa akin ng totoo? At bakit hindi pinaalam sa akin ni Matthew ang nakaraan nila ni Mika? Sabagay wala nga pala dahil wala naman s'yang gusto rito. Pero kahit na. Bakit hindi niya sinabing siya ang talagang fiance nito na pinagkasundo rito ng magulang nila at hindi si Mateo? Ahh sabagay dahil wala siyang alam sa pagpapanggap ng dalawa. Pero kahit na! Siya pa rin ang original na fiance ni Mika hindi ba?

"Hays!" Naguguluhang napahawak sa ulo ang dalaga.

Tumunog ang cellphone niya. Si Matthew. Nagtext lang ito dahil iniisip na baka may klase pa siya. Tinatanong kung nasaan siya. Nireply niya naman at sinabing naroon siya sa coffee shop malapit sa university.

Maya-maya lang ay dumating na ito roon.

"Hi, babe." Nakangiting bati nito sabay upo sa harap niya, sa pwesto kanina ni Mika.

Napailing na lang siya. Sanay talaga si Matthew na tawagin siya sa endearment na iyon imbes na sa pangalan niya. Kahit hindi pa naman sila nito. Sadyang malambing na lalaki lang talaga si Matthew kaya hinahayaan na lamang niya.

"Did you...meet someone?" Takang tanong nito nang mapansin ang tasa ng kape sa p'westo nito. Wala ring bawas ang kapeng iyon.

"It's Mika." Maikling tugon niya.

Nagtaka si Matthew. Alam nito na hindi sila okay na dalawa.

"She told me everything." Dugtong pa ni Thiona. Napamulagat si Matthew. 

Bakit parang kinakabahan siya sa ekspresyon ng mukha ni Thiona?

"Matthew.... Bakit hindi mo sinabi na hindi si Mateo ang totoong fiance niya? Kundi ikaw?" Bakas ang inis ngunit kalmadong tanong ng dalaga.

Saglit na natigilan ang binata bago nakapagsalita.

"Babe... I mean, Thiona, hindi ko rin alam noon na hindi totoong may relasyon sila. Kaya nga nagulat ako noong pagbalik n'ya na parang interesado pa rin s'ya sa'yo. Pinaniwala rin nila ako." He explained with sincerity but it sounds like he's guilty.

"Hindi mo rin alam na ipinagkasundo kayo ng mga magulang n'yo? Na kayo ang magkakatuluyan after college?" May pagdududa ang tinig na tanong pa ni Thiona.

Napabuntong-hininga ang binata. Halatang nahihirapan itong magpaliwanag.

"I'm sorry. Hindi ko naman kasi sineryoso iyon. Alam nilang lahat,  including my parents that I don't like her! Please, babe, believe me. Ikaw lang ang babaeng gusto ko." Nagsusumamong saad nito.

Ang statement na iyon ng binata ay nakasisiguro siyang totoo. Na totoong wala itong pagtingin kay Mika, si Mika na rin mismo ang nagsabi niyon sa kanya kanina. Kaibigan at kapatid lang ang turing nito sa kanya. Nothing more, nothing less.

"I believe you." Saad ni Thiona na nagpaliwanag sa mukha ng binata. Talagang natatakot ito na magalit siya rito.

"Pero...wala ka na bang ibang inililihim pa sa akin, Matthew?" Naninigurong tanong niya rito.

Matagal na nag-isip ang binata bago sumagot. Tumango ito at ngumiti ng pagkatamis-tamis, lumabas pa ang isang dimple nito sa kanang pisngi.

Iyon pa pala ang isa pang maituturing na pagkakaiba nila ng kakambal nito bukod sa height. Si Mateo ay may dalawang dimples, si Matthew naman ay isa lang. Ngunit parehong bagay sa dalawa ang pagkakaibang iyon na makikita lamang kapag masaya ang mga ito.




















LESSON: Kung naguguluhan ka at maraming katanungan ang bumabagabag sa iyo, magtanong ka, alamin mo ang totoo. Ngunit alamin sa dalawang panig, hindi sa iisa lang upang makasiguro ka na tama ang iyong sapantaha na gumugulo sa iyong isipan.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now