Chapter 62: "Mission Failed"

66 15 0
                                    

Third Person's POV

"I'm sorry, Matthew.. Si Mateo ang mahal ko."

Si Mateo ang mahal ko.

Si Mateo ang mahal ko.

Si Mateo ang mahal ko.

Biglang nagmulat ng mga mata niya si Matthew. Masakit ang ulo niya, lalo na ang dibdib niya. Ang sama ng panaginip na iyon. Tila umaalingawngaw pa ang tinig ni Thiona habang sinasabi iyon. Parang isang bangungot. Where is she? Agad siyang bumangon at tiningnan ang orasan, ala una na ng madaling araw.

Naghilamos at nag-toothbrush siya pagkatapos ay agad nang lumabas ng kanyang silid. Hindi niya alam pero may masama siyang kutob para sa babaeng minamahal. Alam niya ang hotel room ng dalaga, kasama nito ang dalawang kaibigan sa room 318.

Ilang doorbell pa bago iyon bumukas at tumambad si Jake. Hindi ito pinansin ni Matthew, dere-deretso siya sa loob ng room at nakita niyang naroon sina Stacey at Ellah, naglalaro ng baraha, but Thiona is not around. 

"Where's Thiona?" Tanong ni Matthew. Lalo siyang kinabahan. Hindi agad nakasagot ang dalawa, nagtinginan ang mga ito. 

"I said where's Thiona??!" Pasigaw nang saad nito. Natakot naman sina Stacey at Ellah. 

"Pare... Calm down. Hindi madadaan ang lahat ng bagay sa pagiging bayolente." ani Jake. 

Nagtatagis ang mga bagang na nilapitan ito ni Matthew. Pagkuway kinuwelyuhan. 

"What the f*ck are you saying, huh? What you guys did to me? Did you put something on my drinks? Huh?" Galit na turan ni Matthew habang mahigpit na hawak ang k'welyo ni Jake. Sigurado siya na hindi siya yung tipo ng manginginom na makakatulog o malalasing agad sa isang baso lang ng beer.

"Stop it, Matthew! Let go of my brother!" Madiing saad ni Ellah at sinubukang pigilan ang binata.

Si Stacey naman sa pagkataranta ay tinawagan si Thiona. Nakakatakot palang magalit si Matthew. Usal niya sa sarili.









ROOM 303

"what the f**k are you doing here??!" Galit na tanong ni Mateo. Tulala naman at hindi makapagsalita si Thiona.


Marahas na iniharap siya ng binata at isinandal sa dingding. Kakawala sana siya pero iniharang nito ang dalawang braso sa magkabilang gilid ng kanyang ulo.


"M-Mat..." Sambit niya sa palayaw nito.

Hindi siya makapagsalita ng maayos, pakiramdam niya ay napapaos siya at nagbabara ang kanyang lalamunan kaya naman napalunok siya.


"Tell me... What are you doing here, Thiona Miain?" Kalmado na ang tinig ni Mateo.

Amoy na amoy niya ang amoy alak nitong hininga. Batid niyang lasing talaga ito.

"Are you here to....seduce me?" Tanong pa ni Mateo. Namilog ang mga mata niya. Paano niya nalaman?

"Don't waste your time, my love. I won't buy it." ani Mateo at akmang lalayo na sa kanya nang bigla niya itong hilahin at hinalikan sa labi.


Kanina ay nabahag ang buntot niya dahil iniisip niyang tulog ito at walang malay. Subalit ngayon ay gising na gising ito at madali niyang magagawa ang binabalak dahil lasing na lasing ito ayon na rin kay Angela.


Marubdob ang halik na ipinagkaloob ni Thiona sa binata. Noong una ay hindi ito tumutugon sa halik niya dahil sa pagkagulat nito sa ginawa niya. Ngunit kalaunan ay gumanti na ito ng halik. Mas mainit, mas sabik.



The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon