Chapter 93: "True Love"

49 17 6
                                    

(Flashback)

Mateo's POV

"Mateo, for three! May kasama pang foul!" Malakas na saad ng commentator sa microphone matapos ko maipasok ang bola. Three points iyon at dahil natapik ng isang team member ng kalaban ang kamay ko ay mayroon akong free throw na tatlo.

Malakas na hiyawan ang maririnig sa basketball gym na iyon. Pero wala akong pakialam. Nakatuon lang ang atensyon ko sa babaeng kakapasok lang sa entrance ng gym. Hindi ko alam kung bakit basta bigla na lang akong napalingon sa gawing iyon at nakita ko ang maganda at maamo niyang mukha na nakasimangot.

Sa sobrang distracted ko, hindi ko naipasok ang unang bola. 'Yung pangalawa, pumasok. Pero 'yung pangatlo, sinadya kong lakasan para mapunta sa kanya 'yung bola then tumakbo ako papunta sa kanya. Ang weird ko 'no? Gusto ko lang masilayan ang mukha niya kung talagang siya 'yung 'girl in the sand' na nasa painting ko.

S'werte dahil mismong sa paa niya huminto 'yung bola. Nakita ko pa ang pagsimangot niya.

"Sorry." Nakangiti kong wika habang pinupulot ang bola at shoot!! Nagkatitigan kami pagkaangat ko ng tingin.

Ang nakasimangot niyang mukha kanina ay napalitan ng pagkamangha. I don't know why pero namula ang dalawang pisngi niya.

It was her. It was really her. Last year? Or 9 months ago? I can't remember kung gaano na katagal iyon basta ang alam ko, siya talaga 'yun. 'Yung nagdeliver ng fried chicken sa tambayan ko pero hindi ko pinagbuksan kasi ang nerd ko. Ayokong nakakasalamuha o nakakakita ng ibang tao. Ganoon ako ka-emo noon. Noong hindi ko pa siya nakikita.

"H-Hi! You're so...pogi!" Maya-maya'y sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Napatili pa siya sa sobrang pagkakilig.

I thought she's different from the other girls sa campus. Yes, medyo disappointed ako. Ayoko kasi talaga 'yung babaeng haliparot o 'yung unang nagpapakita ng interes sa akin. Parang si... Bianca. Humapdi ang puso ko ng maalala ko siya. Kaya walang sali-salitang tinalikuran ko siya. Yeah I like her, I admit it. But I need some fresh air right now.

Paglabas ko ng locker room, nagulat ako nang makita ko siya na mag-isang naghihintay doon sa labas. Ako ba ang hinihintay niya?

"Hi, Mateo! I'm...."

Hinintay ko ang sasabihin niyang pangalan. Of course interesado akong malaman ang pangalan niya.

"Mat!! Sorry late ako, hindi ko tuloy napanood ang game. May inutos si ma'am eh." Sabay kaming napalingon sa bagong dating. Si Angela.

"It's okay. So, your name is...?" Muli akong bumaling sa kanya.
Pero imbes na magpakilala ay iniabot niya ang isang colored paper na kulay pula.

Sabay kaming napatingin doon ni Angela.

"What's that?" Taas-kilay na tanong ni Angela.

"P-Para sa'yo, M-Mateo." Nauutal na saad niya. Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

"Hey, Mat! 'Di ba ayaw mong nakakatanggap ng ganyan? Another trash!" Maarteng wika ni Angela.

Napakagat-labi si ganda. Gusto ko sanang tanggapin iyon para hindi siya mapahiya. Kaya lang, bumalik nanaman sa alaala ko si Bianca. At sumakit bigla ang ulo ko.

"I'm sorry. Hindi ko iyan matatangap. Let's go, Angela." Walang emosyong sabi ko sabay hila sa kaibigan ko.

Hindi ko na nakita ang naging reaksyon niya. Basta ang alam ko lang, nalungkot siya.










The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now