Chapter 1: "Shoot That Ball"

280 58 57
                                    


Sa henerasyon ngayon, hindi natin maiiwasang magka-crush at magkagusto sa murang edad. Pero ang mahalaga, mabibigyang pansin pa rin natin ang ating pag-aaral. Okay lang yan, basta gawin nating inspirasyon. 😉






Third Person's POV

Maagang gumising si Thiona. Excited siyang pumasok dahil foundation day nila ngayon sa school. S'yempre mapapanood niya ang crush na crush niyang si Mateo Luis na magbasketball. Ito ang team captain na panlaban ng Grade 12 students. Grade 11 pa lamang si Thiona at may panlaban din sila. Ngunit as expected, team ni Mateo Luis ang susuportahan nya.

Matagal na siyang may crush kay Mateo Luis. Noong freshman at grade 7 pa lang siya, unang pasok niya pa lang sa Dream Academy na ito. Hindi siya mayaman, hindi siya kabilang sa mga elite students na nag-aaral doon pero dahil sa angking talino niya ay nagawa niyang makapasok doon with scholarship na 70% ang discount sa tuition fee. But the only rule for her to survive there?

[ No Boyfriend ]

Alam niya namang kaya niya. Kung pagfo-focus lang din naman sa pag-aaral ang pagbabatayan ay number 1 siya na makakasunod doon. The problem is.... Hindi niya kayang hindi magka-crush at ma-attract sa napaka-gwapong campus crush ngunit nuknukan ng kasupladuhan na si Mateo Luis G. Sebastian. Ayos lang, ang gusto niya lang naman ay maiparamdam dito ang paghanga niya. At mapansin siya nito kahit isang araw lang.


Kinikilig pang nagsusuklay ng mahaba niyang buhok si Thiona. Sa isip niya ay sa wakas at magtatapat na siya ng pag-ibig para sa lalaki. Kinuha niya ang isang papel kung saan isinulat niya kagabi ang lahat ng nararamdaman niyang pagkagusto para kay Mateo. Sa tantiya niya ay pang 98th na niyang love letter ito sa binata simula pa noong grade 7 sya. ngunit ang mga nauna ay ibinasura lamang nito ng hindi manlang binabasa..

"Hmp! Di ka na makakalusot ngayon! Hindi mo na 'to maitatapon pa, Mateo. Sisiguruhin kong babasahin mo na 'to ngayon. Hahaha" pilyang humagikgik pa si Thiona. Kung anuman ang binabalak niya ay siya lamang ang nakakaalam.

Tumatakbo sa hallway at walang kabang nararamdaman si Thiona habang patungo sa basketball gym. Bitbit niya ang love letter na pinagpuyatan kagabi upang maging maganda ito sa paningin ni Mateo. Pinuno niya iyon ng nag-gwagwapuhang litrato nito at napakaraming puso na may nakasulat na "I love you Mateo ko".

Malakas na tilian ang naririnig niya.

"Ma-te-o! I-shoot mo, i-shoot mo, Ma-te-o!" Hiyaw ng fans club nito sa isang gilid ng gym. Napataas ang isang kilay ni Thiona sa narinig.

"Sagwa naman ng bibig ng mga 'to! I-shoot ko kayo sa basurahan e." Nakaismid na turan niya na nakapako ang paningin sa grupo ng mga kakabaihang iyon na nagtatatalon pa sa pag-cheer sa super crush niyang si Mateo Luis.

"Anong i-shoot mo, i-shoot mo Mateo kayo d'yan! Mga praning! Akin lang ang bola ni Mateo. Akin la---" naputol ang sasabihin ni Thiona nang di kawasa'y may bolang sumapok sa mukha niya.

Sapul si Thiona. Lahat ng mata sa gym na iyon ay nakatuon sa kanya. Habang siya ay napaupo sa lapag sa lakas ng pagtama niyon sa maganda niyang mukha.

"Shoot!" Nagtatawanang hiyaw ng fans club ni Mateo.

Napahawak si Thiona sa kanyang mukha at dahan-dahang tinakpan iyon.

"Oh my ball. Nakakahiya!"

Hiyang-hiyang hindi niya maiangat ang mukha. Nagtakbuhan papunta sa kanya ang mga grade 11 na katunggali ng team ni Mateo.

"Thiona, are you okay?" Tanong ni Jasper.

Matagal na itong may crush sa kanya. Hindi pa rin niya maiangat ang mukha sa sobrang pagkapahiya.

Maya-maya'y may lumapit sa kanya at naglahad ng kamay upang makatayo siya. Marahan niyang iniangat ang paningin.

Is this for real?

"M-Mateo.." Nauutal na sambit niya sa pangalan nito.

Matamang nakatitig ito sa kanya. Kinikilig na inabot niya ang kamay nito. Nakatayo na siya ngunit hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ni Mateo Luis.

"S-Salamat sa concern Mateo...ko. " namumulang saad ni Thiona na nakatitig sa mala-agilang mata nito.

Eagle eyes ang tawag niya sa mga mata nito na kung tumitig ay napakalalim, parang dinadala siya sa ibang dimensyon.

Nagtaasan ang kilay ng mga kababaihang naroon ngayon sa basketball gym. Habang siya naman ay proud na proud sa sarili dahil sa mga oras na iyon ay sa kanya lang nakatuon ang atensyon ni Mateo Luis. Tanging sa kanya lang. Pakiwari niya ay hihimatayin siya sa labis na kilig. Sa wakas ay napansin na siya ng iniidolong basketball player na ito.

Dininig na yata ni Allah ang matagal na niyang panalangin. Ito na nga ba ang simula para sa kanilang dalawa?

"Pwedeng umalis ka na rito? Nakakaistorbo ka sa game namin." Seryosong saad ni Mateo sabay bitaw sa kamay niya.

Toinks?

"Huwhaaaattt???" Bulalas sa isip ni Thiona. Tawanan ang sumunod na maririnig mula sa mga audience. Kitang-kita pa sa screen ang napahiyang expression niya sa sinabi ng binata..

"Pahiya ka ngayon!"

"Assumera kasi si ate girl!"

"Feeling maganda!"

"Panira ng game!"

Tumaas ang dalawag kilay niya sa mga narinig na bulung-bulungan. Isa-isang tiningnan niya ang mga babaeng iyon nang makatayo na siya.

Wow makapagsalita, mukha namang pusit sa ka-negrahan! Yung isa naman mukhang hipon na kain katawan, tapon ulo! At yung isa kamukha ni Mona Lisa, walang kilay! And worst 'yung nagsabing 'feeling maganda' raw ako, wow girl! Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong hugis pizza na isang slice..triangle! Babaloooo! Ewww! Bakit ba kung sino pa 'yung mas pangit sila pa 'yung mas malakas manlait? Pansin ko lang.

"Ang mean naman no'n, pre?" Kunot-noong wika ni Jasper.

"Wait mo 'ko sa uwian, Thiona, ha? Sabay tayo uwi." Sabay kindat na baling ni Jasper sa kaklase.

"Let's continue! 5 minutes left."  Madilim ang mukhang turan ni Mateo na sumulyap pa sa mukha ni Thiona bago tumalikod.

Pakasungit! Suplado! Ipokrito! Hays!

Nanggagalaiti sa inis na nilisan ni Thiona Miain ang basketball gym na iyon. Pero tinapunan niya muna ng nagbabagang tingin ang fans club nito.

May araw din kayo sakin mga kampon ni Sedusa! Mamamatay kayo sa inggit kapag nagkatuluyan kami niyan ni Mateo ko!

















LESSON: Hindi masamang mangarap... Pero minsan nakakasama 'yung pagiging assuming. 😂

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now