Chapter 10: "Love Letters"

114 37 4
                                    


Thiona's POV

Tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Ewan ko ba parang wala na akong gana. Ilang araw na lang kasi graduate na ang nag-iisa kong kaibigan na si Jake. So sino na lang ang makikinig sa mga kadramahan ko sa buhay? Waley na. At syempre ang mas masaklap pa, si Mateo ko hindi ko na makikita pa. Idagdag pa ang pagbaba ng rank ko. 

Hays badtrip. Well oks lang naman daw kay papa, maliit na bagay pa nga sabi n'ya. Pero s'yempre para sa'kin malaking bagay 'yun no. Hindi ko lang maamin pero proud ako sa sarili ko kapag lagi akong nangunguna sa rank. S'yempre kasi feeling ko hindi man ako makasabay sa yaman at kasosyalan nila, dun manlang matalbugan ko sila. At isa pa, pressured ako na baka matanggal ako sa scholar kapag bumaba pa ang rank ko.

Matamlay at walang gana na naglalakad ako papasok ng malaking gate ng aming paaralan. Nakatingin ako sa nilalakaran ko. So medyo nakayuko ako. Nang may bumanggang malapad na dibdib sa ulo ko.

"Outch! Jake, ano bang ---" Naputol ang sasabihin ko ng hinatak n'ya ako pabalik sa labas.

"Huy, anong problema mo? Late na nga ako e." Sabi ko habang hinahatak n'ya ko.

"Let's skip classes, Thiona," Sabi nito na hindi humihinto sa paglalakad.

"Ha? Ano? Bakit naman? Never pa ko nagcutting classes no!" Iritableng pumiglas ako sa pagkakahawak n'ya sa braso ko. Ano ba kasing nangyayari?

"Huwag kang mag-alala, sagot kita." Aniya sabay hawak ulit sa braso ko at akmang aakayin na ulit ako maglakad papalayo.

"Tama bang impluwensyahan mong magcutting ang batang RANK 2 na 'yan?" Nang biglang may nagsalita.

Di namin namalayan nasa harapan na pala namin siya. Si Mateo ko. Ano raw bata? Sino? Ako?

"M-Mat, hindi ganoon. Ahm.." Magpapaliwanag sana ako pero sumenyas na s'ya papasok. 

Hindi man n'ya sabihin pero gusto n'yang pumasok na kami sa loob. Agad naman akong sumunod sa kanya. Ganoon din si Jake bagama't bakas sa mukha nito ang pangamba sa hindi ko malamang dahilan.

Nagtatakang naagaw ng atensyon namin ang tumpok ng mga estudyante sa may bulletin board. 'Yung isang bulletin board katabi ng board kung saan nakapaskil ang ranking.

Kunot-noong naglakad ako papalapit doon.

"Thiona, wait!" Ani Jake na tila pinipigilan ako lumapit doon. Dahil sa pagtawag na 'yun sa akin ni Jake ay napalingon sa akin ang mga students na nagkukumpulan doon.

"Gosh 'yan na si Thiona oh." Manghang saad ng isa sa mga estudyanteng naroon.

Napatingin ako sa makukulay na papel na nakadikit sa board. Ohmyball! Mga love letters ko ba 'to? Tila windang na hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko. Kumpleto iyon ah. 99 love letters including the last one na pinabigay ko kay Jake. What is really happening? Bakit nandito lahat ng mga love letters ko since grade 7?

"Well.. well.. well.. tingnan mo nga naman Thiona. Ang buong akala namin ay puro pag-aaral lang ang inaatupag mo. Mas magaling ka pa manligaw kumpara sa mga kaklase kong lalaki eh." Sabi ni Cathy na kunwa'y hindi makapaniwala.

"And take note, mate. Ang buong akala rin natin kahit panay buntot kay Mateo ang babaeng 'yan ay matinong babae. Imagine that? Ninakawan mo ng halik ang best friend ko? Saan ka nakakuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob ha? At kinakalantari mo rin si Jake d'yan sa picture oh." nakapamaywang na saad naman ni Angela.

Napasulyap ako sa litrato na tinutukoy ni Angela. Picture namin ni Jake, nakahapit siya sa baywang ko at ilang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha namin. Iyon yata 'yung araw na pinuntahan ko sila sa room nila at nangyari ang insidenteng iyon.

Jusme! Hindi ako makagalaw. Hindi ko rin maibuka ang mga bibig ko. Pakiramdam ko nangangapal ang mukha ko sa sobrang pagkapahiya. Is this really happening? Nababasa nilang lahat ang mga love letter ko para kay Mateo? at nakikita nila ang  larawang iyonNapakuyom ako ng kamao. Gusto kong maglaho na lang sa kinatatayuan ko.

Nang isang malakas na hampas sa board ang nagpatahimik sa bulong-bulungan at tawanan ng mga estudyanteng naroroon. Si Mateo. Galit ang ekspresyon sa mukha nito.

"Stop that nonsense!" pagkuway pigil ang galit na saad ni Mateo.





















LESSON: Madalas, idinadaan natin sa sulat o love letters ang mga nararamdaman natin para sa taong gusto natin. Pero hindi mo ba naisip na maaaring ang sulat na iyon ay kumalat at marami ang makabasa? Bakit hindi mo na lang sabihin ng harapan ang iyong nararamdaman? Mas madaling makakuha ng feedback at higit sa lahat, mas napangangalagaan ang privacy.  🥺

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon