Chapter 64: "Just say Goodbye"

62 15 0
                                    


Third Person's POV

Sunday morning....

Nakakabinging tunog ng doorbell ang gumising sa diwa ng tatlong dalaga. Sarap ng tulog nila sa condo ni Ellah,  nakasalampak pa sila sa sala pero heto at may asungot na nang-iistorbo.

"Brad, ang aga mo naman nang-istorbo!" Reklamo ni Ellah nang mapagbuksan ng pinto ang kapatid.

"Problema mo ha? Nasan na 'yung dalawa?" Ani Jake at luminga-linga sa paligid habang pumapasok sa loob.

"Hoy!!!! Magsibangon na kayo d'yan! Tanghali na po!!!" Malakas na sigaw ni Jake na ikinabalikwas ng bangon ng dalawa, sina Thiona at Stacey.

"Ano ba 'yun, loves? Aga mo naman nambulahaw oh! " pupungas-pungas na saad ni Stacey.

"Loves ka d'yan. Uminom nanaman kayo 'no?" Ani Jake.

"Kaunti lang naman." Saad ni Stacey habang papunta sa cr.

"Kaunti lang daw. Ilang araw na kayong nag-iinuman mga lasengga! Alam n'yo ba kung anong araw ngayon?"

"Ano bang meron, Jake?" Tanong ni Thiona. Kalalabas lang nito sa bath room at halatang nakapaghilamos at sepilyo na.

"Ngayon ang alis ni Mat. Hindi ka ba pupunta sa airport?" Ani Jake na sumeryoso ang mukha.

Natigilan naman si Thiona. Oo nga pala. Ngayon ang alis ni Mateo papuntang US at sabi ni Matthew ihahatid nito ang kapatid sa airport ngayon. Nagtext ito sa kanya kagabi. Actually kaya nga napadami ang inom n'ya last night eh. Dahil nasasaktan siya sa pag-alis nito. Mas masakit pa ang isiping aalis na ito kaysa sa mga sinabi nitong masasakit sa kanya noong nakaraang araw sa hotel.

"Ano naman ang gagawin niya doon? Pagkatapos niyang pagsalitaan ng hindi maganda ang best ko? Pupunta pa s'ya roon at magu-good bye?" Inis na turan ni Ellah. May bitbit na itong tray na may apat na tasa ng kape.

Masama talaga ang loob ni Ellah kay Mateo, actually hindi lang siya,  ganoon din naman si Stacey at mas lalo na si Thiona. Ikaw ba namang i-reject at sabihan ng BITCH sa harap ng mga kaibigan mo ay sino ba naman ang hindi magagalit?

"Come on, Thiona. Baka hindi na s'ya makabalik pa ng bansa. Puntahan mo si Mat, kahit saglit lang, please?" Pagsusumamo ni Jake.

"Bakit ba pinipilit mo s'yang puntahan ang lalaking 'yun, Jake? Aalis na s'ya kaya hayaan mo na s'ya sa buhay n'ya!" Galit na saad naman ni Stacey, kalalabas lang galing sa cr.

Tinitigan ni Jake si Thiona. Tahimik lang ang dalaga bagamat matamang nag-iisip. Baka sakaling mapilit niya pa ito. Iyon manlang ay magawa niya para sa kaibigang si Mateo.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko,  Jake? Puntahan ko s'ya roon at pigilan ko s'ya? O magmakaawa akong bumalik s'ya? Ayoko na. Pagod na ako." Pero iyon ang lumabas sa bibig ng dalaga sabay bitbit ng kanyang bag.

"Saan ka pupunta, best? " ani Ellah.

"Uuwi na, magsisimba pa kami ni papa." Tugon niya at direderetso nang umalis.

Naiwang nanlulumo si Jake. Tumigas na yata ang puso ng kaibigan niya dahil sa ilang beses na pananakit ni Mateo rito. Kung alam lang niya.

"Kulit kasi nitong si Jake eh. Kitang nasaktan na nga 'yung tao pinipilit pang magpaalam sa g*g*ng lalaking 'yun!" nakasimangot na turan ni Stacey.

"Huwag mo ngang pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan kong si Mat. Huwag n'yo s'yang husgahan dahil wala kayong alam!" Galit na sabi naman ni Jake.

"Eh ano ang hindi namin alam?  Bukod sa suplado s'ya, salbahe,  walang modo, bayolente, paasa,  manloloko at demonyo?" Painsulto pang turan ni Stacey. Na lalong ikinainis ni Jake.

"Ahh, bahala nga kayo d'yan! Mga babaeng judgemental!" Wala na siyang masabi. Iniwan na lang niya ang mga ito. Hindi naman niya masasabi sa mga ito ang totoo so what's the sense na makipagtalo?







Malalim ang iniisip ni Thiona habang nakasakay sa taxi. Paano kung hindi na nga makabalik si Mateo sa Pilipinas? Paano kung doon na ito sa US manatili? Hindi manlang ba niya ito makikita kahit na sandali?

"Manong, sa airport na lang po tayo." Ngunit namalayan ni Thiona na sinusunod niya ang puso. Kahit sa huling pagkakataon.























LESSON: Madaling diktahan ang isip, ngunit hindi ang puso. Madaling sabihing ayaw mo na, pagod ka na, pero ang pusong nagmamahal hindi iyan napapagod. Patuloy lang 'yan titibok sa iisang tao lang at mahirap pigilan.

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon