Chapter 25: "Attraction"

92 25 4
                                    



Third Person's POV

"Uy, girl. Hindi ka ba guilty? Hanapin mo manlang si Matt at humingi ka ng sorry. Nakakahiya talaga 'yung ginawa mo! " panenermon ni Stacey habang nag-ayos sila ng gamit sa cottage na para sa kanila.

"Edi ikaw magsorry tutal naman ikaw may kasalanan nu'n eh, " naiinis na turan niya sa kaibigan.

"Ang bad mo! Ikaw ba 'yan, Thiona?" Saad ng lalaking kadarating lang. Ang club president nila.

"Hi pres." Sabay nilang bati.

"Okay ba kayong dalawa d'yan? Naghahanda na ng food 'yung mga boys du'n ha. Punta nalang kayo kapag ready na kayo, " nakangiting saad nito.

"Ahh, pres, ano palang unang activity na gagawin natin?" Excited na tanong ni Stacey.

"Swimming relay. May dala naman siguro kayong swimsuit?" Tanong nito na ibinaling ang tingin kay Thiona. Tila excited ito malaman kung may dalang ganoon ang dalaga.

"Of course naman, pres! So magpapalit na kami agad?" Ani Stacey.

"Yes, please. After kumain mag-start na tayo. Anyway, okay na ba ang pakiramdam mo ngayon, Thiona?" Baling nito sa kanya.

"If not, exempted ba ako sa first activity?" Pilyang tanong niya. Gustong makalusot. Tumawa si John.

"Of course not. Gusto mo bang mawalan ng gana ang mga boys na maglaro kapag di ka kasali?" Sabay kindat sa kanya na sabi nito.

Umismid naman siya.

"Oh, pa'no, see you there ha? Both of you. " At iniwan na sila nito.

"Narinig mo 'yun? Kaya 'wag ka ng aarte pa d'yan. Tara na magpalit na tayo ng swimsuit. Omigosh nakikinita ko na ang pagluwa ng mga mata ng boys sa katawan mo, girl." Sabay hagikgik na turan ni Stacey.









"Outch!" Daing ni Thiona habang nagsusuot ng swimsuit.

"May problema ba, girl?" Tanong ni Stacey. Nakapagpalit na ito at nagpapaganda nalang sa harap ng whole body size na salamin na naroon sa loob ng bath room for girls.

"Girl, tara dito, hindi ko masara," sabi ni Thiona sa loob ng cubicle. Dali-daling pumasok doon si Stacey. Curtain lang kasi ng harang doon.

Naabutan nitong kandahirap siyang isara ang zipper sa likod ng one-piece swimsuit niya.

"Omigosh girl! Ikaw ba talaga ang namili nito kahapon? O dati mo pa 'to binili?" Tanong ni Stacey.

"Gaga, ako s'yempre. Di ba kasama pa kita kahapon? 'Yan 'yung binili ko, " tugon niya.

"E bakit ang liit ng cup size? Alam mo namang malaki ang boobs mo no! Kahit anong gawin natin hindi natin maisasara 'to!" Reklamo ni Stacey habang pilit na sinasara ang zipper.

"Outchh! Hayaan mo na nga. Di bale na, hindi nalang ako sasali, kayo nalang muna. " suko na si Thiona, di talaga magkasya e. Di niya naman alam na mas lumaki pa pala ang hinaharap niya, ganito ang size ng swimsuit niya last year.

"No, no, no! Nakalimutan mo na bang marami akong binili kahapon? 4 pairs 'yun. Tara, itry mo 'yung dalawa." At iniabot nito sa kanya ang isang dalang two-piece swimsuit. Kulay red iyon at napaka-daring ng tabas.

"Stacey! Gusto mo ba talagang ipangalandakan ang katawan ko? Jusme wala na yatang maitatago 'yan e! " reklamo niya nang sipatin ang iniabot nito.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now