Chapter 89: "Pag-sang ayon sa pagpapakasal"

55 17 4
                                    

Thiona's POV

Kinakabahan ako. Kasalukuyan akong nasa tapat ng pinto ng silid ni Matthew. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko. Marahan kong itinulak ang pinto.

Nakangiting mukha ni Matthew ang nabungaran ko. May suwero pa rin ito bagamat wala na ang nasal cannula na nakakabit dito kahapon.

Naroon sa tabi niya ang mommy Luoisa niya at seryoso ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa akin. Nagpalinga-linga ako subalit hindi ko nakita ni anino ni Mateo. Wala siya roon. Pinilit kong ngumiti at lumapit sa kanila.

"Kamusta ka na, Matt?" Nakangiting tanong ko.

"Come here beside me, babe." Masiglang saad niya. Tinapik ang higaan sa tabi niya.

"Magandang araw po." Bati ko sa mommy Luoisa niya bago ako tumabi sa anak niya. Tumango naman ito sa akin ngunit hindi nakangiti.

"Babe, I'm fine. Makakauwi na raw ako bukas sabi ng doktor." Nakangiti pa ring saad ni Matthew.

"Mabuti naman. Sobra ang pag-aalala namin sa'yo. Okay na ba ang pakiramdam mo? Wala ng masakit sa'yo? Nakakahinga ka na ba ng maayos? At ang-----"

"Let's get married, babe. The day after tomorrow." Wika ni Matthew na pumutol ng mga katanungan ko.

Napaawang ang bibig ko. Nangilid ang mga luha ko sa mata. Ano raw? Magpapakasal na kami sa makalawa? Oo nga pala, nakalimutan ko na engaged na kami at anytime ay maaari na kaming magpakasal. Pero....bakit ang bilis naman? At paano si Mateo? Paano ang katotohanan na si Mateo ang iniibig ko at hindi siya?

"Nabigla ka ba, hija? Nagmamadali na ang anak ko na makasal kayo dahil kailangan na niyang sumailalim sa surgery next week." Ang seryosong mukha ni Luoisa ay naging napakalungkot at tila naghihirap ang kalooban.

Nakaramdam ako ng pagkalito.
Hindi ko ito inaasahan, at mas lalong hindi ko ito gugustuhin na mangyari. Kung pakakasalan ko si Matthew, paano na ang tunay kong mahal na si Mateo? Paano kung totoo ang hinala ko na dinadala ko na ngayon ang anak niya? Pero kung tatanggi ako, ano ang mangyayari kay Matthew? Baka hindi siya pumayag na magpa-heart transplant kapag ni-reject ko siya and worst pipiliin ko ang kapatid niya!

"I'm begging you, Thiona. Please marry my son. He needs you even more." Pagmamakaawa pa ni Luoisa.

"Babe, please... I know you love me that's why you accepted my proposal to mary me. You we're just confused when my brother came back to your life. But still, I am your fiance, and your only man. You will marry me, right? Hmm?" Puno ng confidence at pagmamahal na saad ni Matthew.

Ang nagbabadyang mga luha ko kanina ay tuluyan ng tumulo. Kasabay niyon ay ang dahan-dahan kong pagtango. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kasagutan kong iyon pero pakiwari ko ay kusang gumalaw ang ulo ko upang sumang-ayon.

Nagliwanag ang mukha ng mag-ina. Kitang-kita ang kasiyahan ng mga ito sa naging pagpayag ko. Niyakap ako ng mahigpit ni Matthew.

"Thank you so much, babe. I will love you until my last breath!" Puno ng kagalakang saad ni Matthew.

Patuloy lang ang pag-iyak ko habang yakap ako ni Matthew. Hindi ko alam kung iniisip ba nila na tears of joy iyon o batid nila na napipilitan lang ako at naghihirap ang kalooban ko.

Pagkagaling ko sa ospital ay dumiretso ako sa condo ni Ellah. Kailangan ko ng karamay ngayon. Kailangan ko ng kaibigan na masasandalan at mahihingahan ng sama ng loob.

"I-Ikakasal na kayo ni Matthew? Sa....makalawa?" Hindi makapaniwalang wika ni Ellah nang ikuwento ko sa kanya ang naging pag-uusap namin nila Matthew at ng mommy nito.

Tumango-tango ako habang malungkot na nakatitig sa kanya. Hindi ako sigurado pero may nakita akong matinding kalungkutan sa kislap ng mga mata ni Ellah. Sa tingin ko nga ay nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Para saan iyon? Hindi ko alam. Baka nalulungkot siya sa kalagayan ko ngayon. Na napipilitan lang ako sa gagawin kong pagpapakasal kay Matthew. Alam nilang lahat na si Mateo ang mahal ko. Even Matthew alam niya ang bagay na iyon.

"Pero....nasaan si Mateo? Anong sabi niya?" Maya-maya'y tanong ni Ellah.

"Wala ba s'yang gagawin para...pigilan ang kasal n'yo ni Matthew?"

Hindi ako nakasagot sa mga tanong na iyon ni Ellah. Hindi ko alam. Ni wala akong ideya kung nasaan s'ya ngayon at kung anong opinyon niya sa mabilisang desisyon na iyon ng kapatid niya. Alam na ba niya ang pagpayag ko sa kasal na iyon? Okay lang ba sa kanya? Pumayag ba siya? I don't know. I really don't know.

Nasaan ka na nga ba, Mat? Hindi ko ginusto 'to. Ayokong saktan at iwan ka!

Sobrang nahihirapan ang kalooban ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko naman na nandito na ito at wala na akong magagawa pa. Pero hindi ko talaga matanggap na hindi pa rin ako maikakasal sa lalaking mahal na mahal ko. Bagkus ay sa kapatid nito.





Mateo's POV

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng hospital room ni Matthew nang maulinagan ko ang pag-uusap nila sa loob. Batid ko na naroon na si Thiona. 

"Let's get married, babe. The day after tomorrow." Boses ni Matthew.

"Nabigla ka ba, hija? Nagmamadali na ang anak ko na makasal kayo dahil kailangan na niyang sumailalim sa surgery next week." Tinig ni mommy.

"I'm begging you, Thiona. Please marry my son. He needs you even more."

"Babe, please... I know you love me that's why you accepted my proposal to mary me. You we're just confused when my brother came back to your life. But still, I am your fiance, and your only man. You will marry me right? Hmm?" Si Matthew ulit.

"Thank you so much, babe. I will love you until my last breath!" Tila nawindang ang mundo ko sa huling sinabing iyon ng kambal ko.

Kung hindi ako nagkakamali ng pagkakaunawa, pumayag si Thiona na magpakasal kay Matthew? Mahal pa rin ba niya ang kapatid ko? Hindi ba ako sumagi sa isip niya bago siya magdesisyon? Pero paano na ako? Paano na ang pagmamahalan naming dalawa?

Mariin akong napahawak sa doorknob at napapikit. Sobrang sakit. Isipin ko pa lang na ikakasal ang babaeng pinakamamahal ko sa iba ay tila pinipiga ang puso ko.

Kahit ilang beses akong nagparaya sa kapatid ko, kahit matagal ko na siyang hinayaang mapunta kay Matthew, umasa pa rin ako na ako ang makakatuluyan ni Thiona. Dahil pinangako ko sa sarili ko na siya lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko.

"Ahm.. excuse me, sir?" Napaangat ang tingin ko sa nurse na babae. Papasok yata ito sa loob ngunit nakaharang ako.

"Sorry." Mahinang wika ko at mabilis ang mga hakbang na lumayo roon. Baka makita ako ni Thiona kapag bumukas ang pinto.

Hindi ko kayang makita siya ngayon. Ayokong maghirap ang kalooban niya ng dahil sa akin. Ayokong ako ang isipin niya. Sobra ko siyang mahal kaya ayokong makita niya na nasasaktan ako ngayon. I don't want her to suffer. Ako na lang, pero huwag ang babaeng mahal ko, gayundin ang pinakamamahal kong kapatid.

Tumulo ang mga luha ko nang makapasok ako sa elevator. Pinagtinginan pa ako ng tatlong nakasabay kong sumakay doon ngunit wala akong pakialam. I'm in pain, emotionally.

Ikakasal ang babaeng mahal ko pero hindi sa akin... Kundi sa kapatid kong si Matthew.


























LESSON: Decision making. Paano nga ba magdesisyon? Dapat ba doon ka sa alam mong tama? O doon kung saan ka liligaya? It takes time to decide, lalo na kung kailangan mong mamili sa dalawang choices. Ngunit ang lagi mong iisipin sa pagdedesiyon, isipin mo ang mga consequences na maaring mangyari.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now