Chapter 61: "Angel's Request"

70 16 1
                                    

Third Person's POV


The party is over. Nagpasukan na ang lahat sa kani-kanilang hotel room. Inaalalayan ni Jake si Matthew habang si Earl naman ang umaalalay kay Mateo. Parehong bagsak ang dalawa sa inuman. Pero si Matthew ang malala, isang baso ng beer lang ay tulog agad.

"Jusme! Ang bigat naman nitong lalaking 'to! Para akong nagwe-weightlifting!" Napapantastikuhang saad ni Jake habang inaalalayan sa balikat ang binata.

Tutulungan naman sana ito ni Thiona subalit tinawag siya ni Angela. Kaya si Stacey nalang ang tumulong kay Jake. Si Ellah naman ay tinutulungan si Earl na alalayan ang lasing na si Mateo.

"Okay lang ba na hiramin ko ang oras mo, Thiona? May sasabihin lang akong importante." Ani Angela. Napansin niya naman ang pagkaseryoso nito kaya pumayag siya.

Dinala siya si Angela sa hotel room nito kung saan makakapag-usap sila ng masinsinan nito.

"What is it,  Angela? Alam kong pagod ka na sa dami ng bisita mo.  Makakapaghintay naman siguro iyan hanggang bukas?" Worried na turan ni Thiona. Nakikita niya kasi ang pagod na nararamdaman nito, at nakainom pa.

"No, it can't wait. Napakahalaga nito para sa kaibigan ko, Thiona. Please help Mat." nakikiusap na saad ni Angela.

"Help.... Mat? Why? May problema ba s'ya?" Nag-aalala namang tanong ni Thiona.

Saglit na natigilan si Angela. Nag-iisip kung paano sasabihin ang nais ipaalam sa dalaga.

"Mat needs you.....tonight. Please Thiona, tulungan mo ang kaibigan ko." Naguguluhan si Thiona. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"What do you mean? P'wede bang deretsahin mo ako, Angela. Anong tulong ba ang-----"

"Make love with him tonight!" Angela said directly with a loud voice. Na nakapagpaputol sa pagtatanong niya.

Ayan na, diniretsa na siya pero napanganga naman siya sa pagkakagulat. Hindi siya makapagsalita. Bakit naman hinihiling nito na makipag-make love siya kay Mateo?

"Please... Ngayong gabi lang, alam kong labis itong pinakikiusap ko sa'yo ngayon pero, Thiona, you're the only one who could help him to overcome his past. I can't tell you right now the reasons why but please... Please do it. Kung may natitira ka pang pagmamahal sa kaibigan ko."












Marahan ang paglakad ni Thiona.  Ninanamnam pa rin niya ang mga sinabi ni Angela kanina. Siya? Kailangang makipag-one night stand kay Mateo? At makakatulong ito sa binata para makarecover sa past? Hindi in-elaborate ni Angela pero ang maliwanag lang sa sinasabi nito, she needs to sleep with Mateo tonight.

Namalayan na lang ni Thiona na nasa tapat na siya ng hotel room 303.

Omyball! Kaya ko ba ito? Bakit ako nandito? Pagkababae ko ang nakasalalay dito. Pero ano ka ba girl, matagal mo nang muntik na maibigay 'yan kay Mateo high school pa lang! Anong inaarte mo?

Nagtatalo nanaman ang puso at isip ng dalaga. Kung isip niya ang kanyang susundin, sino ba naman ang matinong babaeng papasok sa k'warto ng lalaki at mag-aaya ng sex? Heller! 
Pero kung ang puso niya naman ang susundin niya, go na go siya. Jusme eh makayakap niya pa nga lang ito nag-iinit na s'ya eh. But hell no! Paano si Matthew? Wait bakit? Asawa mo ba sya? O boy friend? Hindi ka pa n'ya pag-aari, girl!

Gusto niyang sumigaw sa tindi ng nerbiyos. Pakiramdam niya sasabog ang ulo niya sa pag-iisip. Hanggang sa inilabas niya ang VIP card na makakapagbukas ng room na iyon kung saan naroon ngayon si Mateo. Ibinigay sa kanya iyon ni Angela. At heto na nabuksan na niya ang pinto.

Madilim sa paligid, nakapatay ang mga ilaw. Binuksan niya ang ilaw sa sala, may pinaka-kwarto pa roon. Lumakad pa s'ya papalapit sa silid na bahagyang nakabukas. Naiwan yatang bukas nila Earl at Ellah kaninang hinatid nila si Mateo sa silid nito.

Pumasok siya sa silid nito at isinara ang pinto. Marahan niyang pinihit ang door knob para mai-lock iyon. Grabe ang kaba niya. Pakiwari niya ay isa siyang akyat bahay na baklang rapist at handang manggahasa ng napakagwapong lalaki.

Muli, dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa malapad na kamang naroon.

Jusko! Patawarin n'yo po ako sa gagawin kong kalapastanganan sa lalaking ito. Napag-utusan lang po ako na walang bayad dahil gusto ko rin at matagal ko nang pinagnanasaan ang mokong na 'to! Toinks! Nababaliw ka na talaga, Thiona Miain! Bitch!

Biglang about face si Thiona. Sa huli ay nanaig ang respeto niya sa sarili. Hindi niya kayang manggahasa ng lalaking walang kamalay-malay na lasing.

No!  Mali ito!

Humakbang na siya papalapit sa pinto ng magulat siya. May matitipunong bisig ang pumulupot sa baywang niya at hindi siya makagalaw sa mahigpit na pagkakayakap nito.

"What the f*ck are you doing here?" Galit na turan ng binata. Si Mateo.

Sh*t! Nahuli ako. Anong gagawin ko?

















LESSON: Hindi masamang sumunod sa ipinakikiusap sa iyo ngunit siguraduhin mo muna na bago mo gawin iyon ay kaya mong panindigan at bukal sa loob mo ang pagpayag sa isang pakiusap. Baka kasi kapag nagbago na ang isip mo ay huli na ang lahat.

The Sacrificial LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz