Chapter 35

27 1 0
                                    

Posted on: 05/31/2020
Chapter 35

Pinuntahan ako ni Brix sa penthouse. Nag-make out lang kami saka siya nag-ayang kumain kaya nag-order na lang ako. Hanggang ngayon hindi ko natatanong sa kanya kung kinausap ba siya ni Tita Cza. Kung kinausap siya, dapat nilalayuan na niya ako at hindi na siya dapat nagpupunta rito. O baka naman kinausap na siya, wala lang siyang pakialam kaya pinupuntahan pa rin niya ako. Does that mean ipaglalaban niya ako?


Natawa ako sa sarili kong tanong. Like it would happen.


Pagkatapos niyang kumain, umalis na rin siya kaya nagpahinga na ako saka natulog. Kinabukasan, nagpunta ako kay Sam para magpa-tats. It's a word Sidro with black rose sa right side ng lower abdomen. Sidro means anchor. And that anchor is my fave tats of Brix.

"How's everything with that guy?" Tanong ni Sam habang inaayos na ang tats sa katawan ko.


"Ha?"


Huminto siya sandali para lingunin ako. "With the tongue piercing. That dude who forgot his wallet here."


Namula ang pisngi ko. Naalala ko ang araw na iyon. Come to think of it, iyon ang huli kong punta rito sa shop ni Sam. But we last saw each other sa ribbon cutting ng Rooftop. Dahil kaunti lang ang mga taong sobrang malapit sa akin, invited agad sila sa mga events  ko na pwede ako mag-imbita. And those events are once in a blue moon.


"We're okay."


Tumawa siya. "Okay? As in okay? Kayo na?"


Napairap ako sa kaibigan ko. "No. How I wish."


"Hindi talaga ako makapaniwalang may lalakeng magtuturn down sayo. Well, I guess one in a million talaga na gusto ka rin ng taong gusto mo. But you know results are something you work out."


Sam's right. If I wanted results, I need to work on that. Kailangan ko paghirapan si Brix para makuha ko siya. Kailangan ko mag-effort para mapasakin siya. Hindi ako dapat magpakampante na malapit na ako sa goal ko ngayong nagkakaroon ng level up ang relasyon namin. It's not even half the goal. Pakiramdam ko nasa level 1 pa lang ako.


"You wanna eat after this?"


Inaya ko si Sam pagkatapos malagay ng tattoo ko. Masakit at makati ang tats pero worth it kapag nakita mo ang resulta. Hindi ka basta basta magpapalagay ng tattoo kung walang meaning sayo. It wouldn't be worth it at all.


Bisexual si Sam. She's pretty and cool at the same time. Marami rin siyang piercing at tats sa katawan at ganun din ang jowa niyang babae. Kapag nakikita ko ang mga IG posts niya kasama ang girlfriend niya, naiinggit ako. Live in din sila sa apartment nung girlfriend niya kaya sobrang nakakainggit. Sabi niya, kahit araw araw silang magkasama ng girlfriend niya, hindi siya nagsasawa. Kapag nag-aaway sila at hindi maayos ng usapan, si Sam ang lalayo at uuwi muna sa kanila.


"Hindi lahat ng problema nadadaan sa usapan o panahon na kakalma kayo pareho. Minsan, kahit kalmado na kayong pareho at handa na pag-usapan ang problema, babalik ang emosyon ninyong dalawa dahil nga sa binabalikan ang nangyari. Kapag ganun, kailangan bukas pa rin ang isip ninyo na pwedeng mag-ayos muna kayo at huwag na pag-usapan ulit o pag-usapan na lang sa susunod na araw. O kaya magbigay muna ng space sa bawat isa. That doesn't pertain to cool off or break up."


Real talk as what they say. Real talk siya sa common advise ng mga tao na walang problema ang hindi naaayos sa tamang usapan. I'm glad Sam was able to share it with me.


Bumalik na ako sa penthouse pagkatapos namin kumain. Tita Cza texted me pero hindi ko nireplyan. Sinabihan din ako nung nasa front desk na dumating siya kanina rito sa hotel pero wala ako.

Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang