Chapter 41

32 1 0
                                    

Posted on: 06/11/2020
Chapter 41


I started working in the hotel after that encounter with Brix. I engaged myself with the management as well as interacting with employees and guests. I chose to manage the hotel branch where I'm living instead of working directly in the company. Love's already there and we've never been so distant like this since we were young.


I'm still receiving texts from her almost every day. Hindi niya ako kinakalimutan kahit pa hindi ako nakakapag-reply sa kanya kung minsan. Simula nung gabing iyon na iwan ako ni Brix, para bang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. I lost interest in everything. Sa trabaho ko ngayon, para lang akong robot na plastik kung ngumiti at makipag-usap sa mga tao.


Dahil sa nasa branch ko ang Rooftop, nakakabisita rin ako rito tuwing gabi para mag-update lalo na kung wala si Lexus. Minsan, nakukuha ko rin mag-serve ng drinks sa mga customers dahil hindi naman nila ako kilala kaya nakakapagpanggap ako bilang waitress kahit pa sobra akong pinipigilan ng mga tao rito. Pero si Lexus mismo ang nagsabi sa mga nagtatrabaho na tratuhin akong empleyado kapag nagsoot na ako ng uniform nila.


"Ms. Therese, naghihintay po ng tawag si Sir Lexus." Sabi ng isang waiter sa akin habang naghihintay ako sa counter.


Ngumiti ako. "Okay. I'll just go to the office."


"Sige po, Ms."


Pumunta na ako sa office at tinawagan si Lexus. Nasa High Soc kasi siya ngayon kasama rin ang Sigma. Hanggang ngayon wala pa silang lead kung saan nagtatago sina Gibrielle at Hunter.


"What's up?"


"Nagseserve ako ngayon. What do you need?" Tanong ko.


"I need the end of month report for Rooftop."


"Isn't that your job?" Nagtaas ako ng kilay.


Humalakhak siya. "I can't do it right now. I need it by tomorrow. Can you do it for me?"


Napairap ako. "Okay, sir."


"Therese," kinabahan ako nang medyo sumeryoso ang boses niya. Ayoko nang marinig ang susunod niyang sabihin dahil ayoko nang maalala pa ang kahit anong sakit.


"I'll hang up! Bye!"


Binaba ko na ang telepono at napaupo. I'm still hurting. Ilang weeks na ang nakalipas nang gabing huli kong makausap si Brix. I immediately started working pero dinaan ko lang sa Manager ang communications with Tita Cza. She tried coming to penthouse pero nagkukulong agad ako sa kwarto. Masakit ang loob ko pero sinasarili ko na lang, kinikimkim ko ang sama ng loob ko sa lahat ng bagay dahil mismong sa sarili ko naiinis ako.


Bumalik na ako sa labas at nag-serve na ulit ng drinks. Muntik ko pa mabitawan ang hawak ko nang mapagsino ang customer sa table na pagdadalhan ko ng drinks. Nakatingin siya sa akin na walang emosyon ang mukha. Sumunod ang tingin ko sa babaeng katabi niya, nakataas ang kilay nito at hinihintay na ilapag ko ang inorder nilang drinks.


I composed myself. Nilagay ko na ang drinks nila sa table saka pilit na ngumiti roon sa babae. Hindi ko magawang tingnan pa ulit si Brix. Lumayo na kaagad ako at nagpaalam sa bartender na sa office na lang ako tonight para tapusin ang report na kailangan ni Lexus.


Dahil siguro sa isang subject na lang ang pinapasukan niya, marami pa rin siyang time para mambabae at maghanap sa kaibigang nawawala. Hindi ko alam kung nasa ospital pa rin ang Mama niya kaya hindi ko na alam kung gaano pa siya kapagod ngayon.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon