Prologue

299 7 0
                                    

TFL SERIES #3: Therese's Forlorn Love ©️ 2019




"Good job, darling!" Pumalakpak si Jiya pagkatapos ng photoshoot ko. Nakangiti siyang lumapit sa akin at inabutan ako ng bathrobe.


Binalot ko na ang katawan ko gamit ang bathrobe. Nag-pose ako para sa bagong underwear collection ng isang company. I'm used to this. Hindi ako 'yung tipikal na nagmomodel ng mga damit or whatsoever. I'm only posing for sexy shoots.



"That's it for this week, right?" Tanong ko sa handler kong si Jiya na bakla.


"Yes, darling!"


"Ms. Aeyon, do you want to check your pictures?" Biglang lumapit 'yung photographer sa amin.


Nagkatinginan kami ni Jiya. Hindi niya ako kilala.


"Hindi tinitingnan ni Aeyon ang mga output ng shoots niya." Si Jiya na ang sumagot para sa akin.


"Ha? Why? Ang gaganda ng mga nakuha ko."


Jiya looked at me once again. Tumayo na ako para magbihis sa banyo. Iniwan ko na sila doon.


I started modelling 2 years ago. Nakilala ko si Jiya sa bar na palagi kong pinupuntahan at siya ang nag-introduce sa akin sa mundong ito. Ginagamit ko ang first name kong Aeyon sa mundong ito. And I'm still at my young age pero napasok ko na ang mundong ito at VIP pa ako sa bar na 'yon. Maybe because of the perks of being a rich girl?


10 years old pa lang ako nang mamatay ang parents ko. They were on a business trip and I wasn't really sure about the cause of their death. Hindi ko binibigyan ng pansin dahil hanggang ngayon ay may galit sa puso ko na maaga nila akong iniwan. Palagi akong naiiwan sa bahay noon dahil sa nasa trabaho sila araw-araw. Hanggang sa nawala sila, ang pamilya Francisco na ang nag-alaga sa akin.


Business partners at matalik na magkakaibigan ang mga magulang ko at ang mag-asawang Francisco. Ang panganay nilang anak na si Lovely Gillen ang bestfriend ko. Sila na ang mga guardians ko ngayon. Nang mawala ang parents ko, gusto nilang sa bahay na nila ako tumira pero mas nasanay akong mag-isa kaya hindi ako pumayag. Pinatira na lang nila ako sa penthouse sa pinaka-unang hotel namin. At sila na ngayon ang nagma-manage ng SF Chain of Hotels.


Pagkatapos kong magbihis ay umalis na kami ni Jiya. I dropped her off in her house. Pagkatapos ay umuwi na ako sa penthouse.


Binagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Next week na ang graduation ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung anong kukuhanin kong course sa college.


Tumunog ang phone ko pagkapikit ko. Nang tingnan ko ay isang unknown number. Napairap ako bago ito sagutin.


"Hello."


"Hi, Ms. Aeyon! This is Jael, 'yung photographer kanina."


Napairap ulit ako. Alam ko na kung anong gusto nito. "Why?"


"Can I invite you for a dinner later?"


"Sure. I'll text you the place. Bye." Sabi ko saka pinatay na agad ang tawag.


I've dated so many guys at lahat sila isa lang ang gusto sa akin. Ako sa kama. Yes. Hindi na ako virgin. Matagal na akong hindi virgin. At hindi ko na rin matandaan kung sinong nag-devirginized sa akin. Wala pa akong nakilalang lalake na seryoso sa akin. Pero may isang lalake na matagal ko ng gustong sumeryoso sa akin. Pero paano mangyayari iyon kung pareho kaming nag-eenjoy lang sa pakikipag-date?


And speaking of the devil, he texted me just now.


Sexy Devil:

I'll come to your place later.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ