Chapter 7

47 1 0
                                    

Posted on: 12/03/2019
Chapter 7


Nagising ako mula sa aking panaginip. Nakita ko si Brix sa panaginip ko. He saved me from collapsing. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay niligtas ako ni Brix. Bakit parang napakatotoo ng panaginip ko?


"My god, Ae! What happened to you?"


Napalingon ako sa bestfriend ko na sobra sobrang halata ang pag-aalala sa akin. Wait... am I in a hospital bed? Anong nangyari sakin? Hindi ba panaginip ang pagligtas ni Brix sa akin?


"What happened?" Tanong ko pabalik kay Love.


"That's what I want to know. Alalang-alala kami. Tinawagan na lang kami ng ospital, wait, I'm gonna call Mom and Dad." Lumayo siya sakin para kunin ang kanyang cellphone sa kanyang mamahaling bag. May dinial siya at tinapat sa tainga ang phone.


Habang hinihintay ang tinatawagan niya, lumapit siya sa table saka nagsalin ng tubig sa baso. Bumalik siya sa tabi ko at inabot ang baso ng tubig. Kinuha ko iyon at uminom.


"Mom! Gising na po si Therese! Okay." Saka niya pinatay ang tawag.


"Do you know who brought me here, Love?"


Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Ayaw sabihin nung nurse. Ano bang nangyari sa'yo? Panic attack daw. Anong nag-trigger? You never had this before."


Inalala ko ang huling natatandaan ko nung may malay pa ako. Sigurado akong may tumawag ng pangalan ko bago ako mawalan ng malay. At sigurado ako sa boses na iyon. Si Brix iyon. Siya lang din naman ang pinagsabihan ko kung nasaan ako. Shit! Or was I dreaming?


"My phone!" Sambit ko na kinagulat ni Love.


"'Yung phone mo ang nag-trigger ng panic attack mo? Why? May nakita ka bang photo?"


Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para irapan si Love. Minsan may pagka-gullible 'tong bestfriend ko. Napanguso na lang siya at inabot ang phone ko.


I checked the call logs... and the date. Kahapon lang. So isang gabi lang ako tulog. That's good.


Nakita ko ang pangalan ni Love sa pinaka-recent na logs. Ito siguro 'yung time na tinawagan sila ng ospital. "Did you receive a call about me using this phone?"


"Oo." Sagot ni Love.


Napatango ako. Sunod doon ay 'yung tawag nga ni Brix. It was for a few seconds and I know that's the time he was very mad asking where I am. Sinabi ko sa kanya kung saang sementeryo ako at siya ang tumawag sa pangalan ko bago ako nahimatay. Pero bakit ayaw niyang ipaalam na siya ang nagdala sa akin dito? Well, oo nga pala. Ayaw niyang may makaalam na may koneksyon kami. No, scratch that. Ayaw niyang may makaalam na nagkaroon kami ng invisible connection at ngayon wala na yata talaga.


Tinext ko agad siya.


Me:

Thank you for saving me. Sana makabawi ako sayo.


Pagkasend ko ng text ay saktong dumating sina Tito at Tita. Tita hugged me so tight. Napag-aalala ko nga yata siya ng sobra. May nakatakas pang luha sa kanyang mata.


"Masyado mo kaming pinag-alala ikaw na bata ka! Do you know how precious you are to us? Kapantay ng pagmamahal ko kina Lovely at Isabelle ang pagmamahal ko sayo! I promised your parents that I will take good care of you." Nagtuloy-tuloy na ang luha niya. Tinapik naman ng marahan ni Tito Matt ang likod ng asawa saka sumandal si Tita sa balikat niya.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now