Chapter 23

26 1 0
                                    

Posted on: 05/08/2020
Chapter 23
SPG



Mabilis na kumalat ang balita sa university tungkol kay Damon at Gibrielle. Dahil sa lagi kong naririnig ang pangalan na iyon kasama sa pangalan ni Damon, alam ko na na siya 'yung transferee student na mabilis na pumukaw sa atensyon ng frat leader. Naging konektado rin siya kay Reige. I saw it in my own two eyes when Reige dropped her off here. Doon ko pa lang ulit nakita si Reige.


Hindi ko maiwasan hindi mainggit doon sa babae. Mabuti pa siya kabago-bago lang niya, napansin siya agad ni Damon. I guess, we are still different. Kasi ako may feelings na talaga ako kay Brix pero hindi niya mapansin-pansin. Pero 'yong babae, sa pagkakaalam ko, they started on bad terms. But look at them now? Kahit pa siguro sabihing mabilis silang nagkapalagayan ng loob, that's still love. For me, wala sa tagal kung masasabi mong love ang nararamdaman mo. Even if it's just a crush, I'd accept that as love. Yes, crush is just attraction pero kapag nakilala mo 'yung tao inside and out, 'yung attraction na iyon ay magiging paghanga. Syempre, I'm not speaking for all.


"Nanonood ulit kami nina Clare, Ty, at Wesley sa practice game nina Adrian. Kalaban ulit nila ang team ni Brix. Saka ko lang napansin na may lip piercing na rin pala siya. Kailan kaya niya pinalagay iyon? Sa shop kaya ni Sam siya ulit nagpalagay? Wala naman akong lakas ng loob itanong kay Sam iyon.


Saktong nagtama ang mga mata namin ni Brix, bigla akong napaiwas ng tingin. Ilang araw ko nang iniiwasan ang mga tingin niya pero hindi ko pa rin magawa dahil parati pa rin niya akong nahuhuli. Siguro kasi nasanay na ang mga mata ko na sa tuwing nandiyan si Brix, matic na nahahanap agad niya ito. Tapos kapag titingnan na ako ni Brix ay mahuhuli na ako.


Nalipat ang tingin ko sa pagcecellphone ni Clare. Sobrang linaw pa rin talaga ng mga mata ko dahil nakita ko ang pangalan ni Ryko sa kakarating lang na text sa kanya. Napangisi ako sa nakita. Napapansin ko na rin kay Clare na palagi siyang may katext sa phone. Ngayon ko lang nakita ito at mukhang si Ryko pa ang lagi niyang katext.


Siniko ko siya agad habang nakangisi pa rin. Namula naman siya agad at tinago ang phone.


"Since when, huh?" Tanong ko.


"Ha?" Hindi niya maiwasan hindi mapangiti sa kilig at hiya. "Minessage ko siya nung makita ko 'yung picture na finorward mo. Tapos ayun nagtuloy-tuloy na pagtetext namin."


Natawa ako. At the same time, nalungkot ako sa sarili ko. Bakit ang daling magka-lovelife ng mga tao sa paligid ko? Samantalang ako, naghohold on pa rin sa taong hindi na yata talaga ako bibigyan ng chance lalo na ngayon na umaarte akong umiiwas sa kanya. As if pansin niya o may pakialam siya.


"Okay lang ba ginagawa namin? I mean, wala pa akong nakukuhang solid proof na hindi na siya mambababae or kung past time lang ba niya ako, pero natutuwa ako kapag nag-uusap kami." Dagdag ni Clare.


Sumeryoso ako ng mukha. "At least you experience being happy. Pain is inevitable when it comes to love. Okay ng masaktan ka after basta naging masaya ka."


Ngumiti siya. "Thank you, Therese!"


Tipid na lang akong ngumiti. Pinanood ko na lang ulit ang practice. Tiningnan ko ulit si Brix nang mag-time out sila. Palapit na siya sa bench nila saka ko nakita ang mga tingin ni Michael sa akin. I didn't know na nandun pala siya. Katabi niya si Shey na nakatayo na at inabutan ng towel si Brix. As if totoong laro ito. Pero yeah, pawisan si Brix, and I just wish na ako ang magpunas sa kanya. Damn!


Are they really a thing? Nagseseryoso na ba siya? Why are you sticking to one girl? Baka possessive 'tong si Shey? Fck! Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Hindi ko na kasi nakita si Brix sa ibang babae. Hindi ko pa alam kung saan ako matutuwa. Si Brix na laging may kasamang babae at iba iba o ganitong iisa na lang ang babaeng kasama niya? Kung si Shey na lang, kakayanin ko bang maagaw si Brix sa kanya?


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now