Chapter 5

49 2 0
                                    

Posted on: 11/27/2019
Chapter 5


Napakatahimik sa paligid. Hindi ko alam kung ako ba ang mag-uumpisa ng usapan. I'm not used to this because we really don't usually talk to each other... it's our bodies. Sex lang kami kung sex. Napaka-dalang lang at bilang na bilang ang mga salitang bibigkasin namin. Weird, right? Hindi ko ba alam at sa mga ganung set up pa ako nahulog at nainlove.


Kinuha ko na lang ang baso kong may laman ng wine. Nanginginig pa yata ang kamay ko kung makikipag-cheers ako sa kanya o hindi. The Therese I have known will never be tamed to anyone... except for Brix. Pagdating sa kanya parati akong tumitiklop. Parati akong nanghihina. Ano bang ginawa mo sakin, Brix Simon?


Pinakinggan ko ang kanyang galaw mula sa gilid ng aking mga mata. Magkatabi kami sa upuan pero may distansya pa rin. Awkward distance. Naririnig ko ang mabibigat niyang paghinga.


"Fck!" Narinig kong bulong niya.


Napalingon ako sa kanya. "B-Bakit?"


"Ayaw mo bang malaman kung sino ang kasama ko kanina sa sinehan? O 'yung babaeng sumagot ng tawag mo?"


Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko naririnig na niya ang malalakas na tibok ng puso ko. Paano kung sabihin kong oo? Sasabihin ba niya? Matatanggap ko ba ang isasagot niya?


Paano pala kung wala naman iyon? Isa lang sa mga babae niya? Pero ni minsan hindi ako nagtanong sa kanya ng tungkol doon. Alam kong babaero siya, nakikita ko ang mga babaeng umaaligid sa kanya at gustong-gusto niya iyon. Pero tangina! Hindi ko kaya kung aamin siya sakin. Worst, sabihin niyang gusto na niyang magpakatino at hindi para sa akin.


Umiling ako. "I don't care."


Hindi ko masabi kung nadisappoint ba siya sa sinabi ko. Hindi nagbabago ang timpla ng mukha niya. I always find him sexy and handsome. But did I say? Hindi nagagwapuhan si Love sa kanya. Sinasabi niyang may hitsura si Brix pero hindi papasa sa standards niya ng gwapo dahil sa mga tats at piercing niya. She would also say the same to me. Pero alam kong mahal na mahal pa rin ako ng bestfriend kong iyon. Tanggap niya ako pero hindi lang niya ako suportado pagdating sa ganitong paninira ko sa katawan ko. Kahit ang modelling ay ayaw niya dahil sa nagpapaka-sexy ako gayong ang bata ko pa. Kung siguro malalaman niyang matitino ang mga next gigs namin ni Jiya this summer, baka samahan pa niya ako para sa support.


Nabigla ako nang tumayo si Brix at binitawan ang basong hawak. "Alright, then." Iyon lang at iniwan na niya akong nakatunganga doon.


Like what the fck? What the fck is going on with you, Brix Simon? Ginugulo mo masyado ang isip at puso ko. Naiwan akong nakatunganga ng ilang minuto.


Dapat ba ay nagtanong ako? No! Siguro ay gagamitin niyang chance iyon para sabihin sakin na isa iyon sa mga babae niya, which is the closest truth, o 'di kaya ay sabihin niyang magseseryoso na siya at liligawan niya 'yung babaeng kasama niya kanina para iwasan ko na siya. That's what he wanted! Gusto niya akong palayuin! To hell with you, Brix! I won't! Lalaban ako! Ganun akong tao. Ipaglalaban kita hanggang sa ikaw na mismo ang literal na magtulak sa akin palayo.


No! Kahit itulak mo akong palayo, hangga't wala kang minamahal ng seryoso, hindi kita titigilan! I'll make you fall for me, Brix! Whatever it takes.


Napangisi ako sa determinasyon ko. Hindi pa naman ako umiinom ng alak, bakit parang lasing na ako? Tumawa ako ng malakas. Baliw na yata ako tumatawa ako mag-isa.


Hindi ko na tinuloy ang pag-inom ng wine. Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga. Bago ako tuluyang pumikit, kinuha ko muna ang phone ko. Dinial ko ang number ni Brix. Nagulat ako at halos malaglag ako sa kama nang sagutin niya agad ang tawag ko. Naghuhuramentado ang puso ko.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now