Chapter 16

29 1 0
                                    

Posted on: 01/23/2020
Chapter 16

SONG USED: HINDI TAYO PWEDE BY THE JUANS



Brix didn't let me explain my side. I have tried to text and call him with no response until he just blocked me. Do you believe that? Brix Simon blocked my phone number! Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil naiisip kong nagselos talaga siya sa nakita niya. Kasi kung nagselos siya, may gusto nga siya sa akin.


Pero anong sense nun kung hindi ko siya makausap. I can't even go near him in school. Ni hindi ko na rin talaga siya nakikita sa school, para bang iniiwasan niya ako.


In case of Lander, he apologized to me. Wala akong nagawa kung hindi sabihin sa kanya kung anong papel ni Brix sa buhay ko. I think I found a friend with him. He respects my decision that I don't want to be with him in the next level because I really love Brix. Sadyang sobrang lasing ko na lang talaga nung gabing iyon.


I am at Love's house. Ininvite ako ni Tita Cza mag-lunch dito. Wala akong pasok ngayon kaya pumayag na lang ako. Namiss ko rin siguro ang luto niya saka ayoko munang ma-feel na mag-isa ako. Nagdala rin ako ng damit dahil naisipan kong matulog dito. Tuwang-tuwa si Love dahil magkatabi kami mamaya matulog.


They have a guest room where I can sleep but they knew that I will always choose Love's room.


"I'm already planning your 18th birthday, Therese." Sabi ni Tita Cza.


Napasamid ako. "What?"


Sobrang laki ng ngisi ni Tita. "Magdedebut ka na, Therese! I want it to be special!"


"But special doesn't always mean we have to make it so grand."


Hinawakan ni Love ang kamay ko. "I'm with Mom, Ae. I'm actually helping her with the plan."


Tinaasan ko ng kilay si Love. "And you didn't even tell me beforehand?"


"Well, nagkasundo kami ni Mommy na sabihin sayo ngayon." Ngumiti siya.


"What can you say about Lexus as your escort?" Tanong ni Tita Cza.


I want Brix to be my escort. Escort in my 18th birthday. Escort in real life. Hayyy.


Pagkatapos ng mga sinabing plano ni Tita Cza, nagpunta na kami ni Love sa kwarto niya. We decided to pig out. Kung ano anong pagkain ang nakahain sa kama niya ngayon tapos ay naka-play ang movie sa Netflix.


Napansin yata ni Love na wala ako sa sarili habang nanonood. Pinatay niya ang tv saka humarap sa akin. Nagulat ako. Ano bang nangyayari sakin? Halata na ba ako masyado?


"Spill it, bes." Aniya.


Bumuntong-hininga ako. "Akala ko magiging maayos na kami ni Brix. We already started a good relationship." If that's what you call it.


"But what happened?"


"There was this girl, one of his past time. Nag-clash kami. Nagalit ako kay Brix pero hindi niya alam. Nagpakalasing ako. I saw him kissing that girl. He saw me kissing another guy. I fucked up! Sobrang galit niya, he blocked me. Love, sising-sisi ako sa nagawa ko. Lasing ako. Pero alam ba niya na nagselos din ako?"


"How are you so sure that he got jealous? Maybe he just doesn't want to see his girl with another guy coz it hurts their ego?"


Sinamaan ko ng tingin si Love. Kahit pa ganun, naisip ko ang sinabi niya. Bakit nga naman magseselos si Brix? Wala namang kami. Hindi naman niya ako gusto. Tangina! Ano bang meron kami?


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now