Chapter 50

65 2 0
                                    

Posted on: 06/21/2020
Chapter 50


"Ate Tere!" Masayang tawag ni Ellie sa akin nang bisitahin ko sila kinabukasang makarating ako sa isla.


Nag-stay muna ako sa bahay pagkarating ko para makapag-ayos ako ng mga gamit at makapag-linis. Mabuti na lang hindi nagwawala at naninibago ang anak ko. Sa verandah nakakakuha ako ng mahinang signal kaya roon ako nagpupwesto kapag nagsesend ng texts kina Lexus at Love.


Niyakap agad ako ni Ellie pagkalapit ko sa kanila. "Hindi ka na ba galit sa akin?" Tanong ko.


Ngumuso siya. "Hindi na kasi namiss kita. Siya na ba baby mo?"


"Oo. Sidro Sirese ang pangalan niya, tawagin mo na lang siyang Sisi."


"Sisi?" Nagningning ang mga mata ng bata.


"Baby, kiss mo Ate Ellie." Sabi ko sa anak ko at nilapit siya. Hinalikan ni Baby Sisi si Ellie sa pisngi.


"Ang ganda niya... sandali!" Sigaw niya saka tumakbo papasok sa bahay nila.


Napatingin ako kay Aling Ester. "Napano?" Tumawa ako.


"Ang ganda ng anak mo, Tere."


"Thank you po! Baby, bless kay Lola Ester."


Inabot ni Aling Ester ang kamay niya at inabot din ng anak ko para mag-mano. Nagtawanan kami. "Aba! Marunong ka na pala mag-mano ha!" Aniya sa anak ko.


"Ate!" Dinig kong sigaw ulit ni Ellie. "Picture tayo!"


Pagkalabas niya, hawak na niya ang camera na iniwan ko sa kanya. Nag-picture kami at pinakita niya sa akin ang mga kuha niyang pictures simula nang umalis ako. Tuwang-tuwa siya nang bigyan ko siya ng bagong memory card para may extra siya. Mukhang nakahiligan na niya ang photography, at aniya'y iyon na lang ang gusto niyang gawin paglaki.


Sabay sabay kami kumain gaya ng dati, iyon nga lang nadagdag na ang anak ko sa aming magkakasama. Nagsabi si Aling Ester na pupunta ng bayan para mamili at kung pwede ay iwan si Ellie sa akin. Pagkatapos namin kumain, nagpunta na kami sa bahay.



"Ellie, pakibantayan muna si Sisi ha? May gagawin lang ako sa labas. Kapag umiyak, tawagin mo agad ako, dito lang ako sa pool."


"Sige, ate. Baby Sisi! Laro tayo!"


Lumabas muna ako sa may verandah at naghanap ng signal. Pumasok ang mga messages nang magkaroon na ng signal ang phone ko. Si Tita Cza pa lang ang naghahanap sa akin tutal kahapon pa lang naman ako umalis, hindi pa mapapansin ng iba. At hindi ko naman ineexpect na hahanapin ako ng iba lalo na si Brix. He might not even care that we're gone.


Tinawagan ko na si Lexus na agad naman sumagot. "Did you find anything?" Tanong ko.


"No. Walang alam si Alira. But she'll try to ask Brix's mother directly."


"Do you think magsasabi ang Mama ni Brix?"


"I don't know, Therese. If she wouldn't talk, I'd make her talk."


Kumunot ang noo ko. "Anong binabalak mo? Lexus, ayokong may masaktan."


Tumawa si Lexus. "I'm not a goon, Therese! Ako na bahala."


"Please promise me na wala kang sasaktan."


"I promise. Except for Brix." Humalakhak siya.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now