Chapter 3

69 1 0
                                    

Posted on: 08/10/2019
Chapter 3


It's been a month since Brix came to my place. Hindi ko na matandaan ang pinaka-huling gabi na magkasama kami sa kama. Hindi ko na rin matandaan kung kailan kami huling nagkausap. Hindi ko na lang napansin na isang buwan na pala akong naghihintay sa kanya gabi gabi.



Hindi ako nagpupunta sa mga clubs dahil hinihintay ko siya. Ilang beses na rin akong kinukulit ni Lexus dahil hindi na rin ako nagpupunta sa High Soc. Iba iba na lang ang dinadahilan ko kaya paniguradong hindi na siya naniniwala. At ngayon, nasa Ramyun Express kami. First time yata 'to na natuloy ang pag-aaya niya sakin kumain. Wala yatang gulo ang Alpha at Sigma kaya nasamahan niya ako ngayon.



"Dad will be there tonight. So, please, come."



Pinipilit niya ako pumunta ng High Soc mamaya. Hindi naman ito ang first time na nagpunta doon ang Daddy niya. It's just that, almost 2 weeks na ang nakakalipas at ngayon pa lang magce-celebrate ng graduation si Lexus. Funny, right? Perks of having a busy parents. Napapa-isip ako kung buhay pa sina Mommy't Daddy, sigurado hindi na namin makukuhang mag-celebrate pa. At baka mag-isa ako umakyat ng stage. Or maybe, Nana?


"Fine!" Pumayag na ako kaysa naman matigang na naman ako sa kakahintay kay Brix sa penthouse mamayang gabi.


Habang busy kumakain si Lexus, tinext ko na si Love. Minsan, kapag nagrereport ako sa kanya kung saan ako at saan ako pupunta, pakiramdam ko siya ang nanay ko. Pero nakasanayan ko na lang dahil ayoko siyang mag-alala.


"Nakapag-enroll ka na ba?" Tanong ni Lexus.


"Kaka-graduate lang natin, Lexus. Hindi ba parang excited ka masyado mag-college?" Natawa ako.


"Why not? Ilang taon na lang, matatapos na ako sa pag-aaral. Makakalaya na ako sa parents ko."


Tinitigan ko siya. For a son like him, who still has his parents, he wanted to escape them. Ako 'tong wala ng magulang, gustong-gusto kong maramdaman ang may magulang.


"Sorry. I forgot that this is a sensitive topic for you."


"It's not... really." I faked a smile.


"Change topic, ginugulo ka pa rin ba ni Michael?"


"No. Why?" Sagot ko agad.


Umiling lang siya.


Hindi ko na pinagtoonan ng pansin iyon. Mabilis kong tinapos ang kinakain ko saka nagpaalam kay Lexus. Hindi ako nagbayad dahil siya ang nag-aya sakin. Libre niya dapat 'to.


"See you tonight, Therese?" Pahabol niyang tanong.


Nag-okay sign na lang ako at hindi siya nilingon pabalik. Sumakay na ako sa aking Romeo at pauwi na sana sa penthouse nang may maalala ako. Huminto ako sa shop at binati agad ako ni Sam.


"New piercing or tats?" Nakangisi niyang tanong.


"Tongue... piercing." I smirked.


Humalakhak si Sam. "Sure! Shall we?" At giniya niya ako sa isang upuan.


Sanay na ako sa sakit ng piercing at tattoo pero hindi pa rin naaalis sa akin ang kaba. Namili ako ng stud earrings at minarkahan muna ni Sam ang dila ko.


"You know what? May first time akong customer kanina na nagpabutas din sa dila. He's like you with so many tats and piercings. Hot din siya." Humalakhak si Sam.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now