Chapter 30

23 2 0
                                    

Posted on: 05/24/2020
Chapter 30

Sobrang bilis natapos ang summer vacation. Para bang sa kada punta ko sa bar ay mabilis natatapos ang isang araw hanggang sa hindi ko na namalayan na pasukan na naman.


As for Brix. Para bang nakasanayan ko na may mga araw na titigil talaga siya sa pagpunta sa penthouse. Para bang two weeks, hindi kami magkikita, hindi ko siya mararamdaman. Pagkatapos ay babalik siya at ilang beses na pupuntahan ako sa penthouse. Hindi ko alam kung style ba niya iyon para magpa-miss, e araw araw ko naman siyang namimiss.


I just couldn't explain how deep my feelings is. Para bang bigla na lang isang araw, sobrang gustong gusto ko na si Brix at hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita. And I can still remember the night he saw me kissing Lander. Bago pa mangyari iyon, sobrang okay na namin ni Brix. Para bang nag-level up na ang relasyon namin. Pero dahil sa pagkakamali ko, nagtampo ako at para bang naghihintay akong suyuin niya, ayun napunta sa mali. Hindi ko mapigilan isipin na, ano kayang meron kami ngayon ni Brix kung sakaling hindi ako nagpadala sa emosyon ko noon at hindi nangyari na sobrang lasing ko at napagkamalan kong si Brix si Lander?


Si Clare pa rin ang constant kong kasama dahil regular kami, sina Ty at Wesley ay nakakasama pa rin namin kapag may tiyempong pareho kami ng vacant time. Kapag naman vacant din nina Ryko at Lexus, nakakasama namin sila. Minsan pa ay nagtataka na lang ako at kasama namin sa table ang Sigma samantalang may sarili silang pwesto sa cafeteria.


"Therese." Tawag ni Clare habang nasa caf kami.


Kasama namin ngayon si Ryko. And did I ever commend their relationship? Hindi ko talaga inakala na pwedeng magtagal sa relationship itong si Ryko, at sa iisang babae pa.


"Hm?"


"H-Ha? Wala..." Nahihiya siyang ngumiti. Pareho kaming nagtaka ni Ryko.


"Baby, anong meron? Are you okay?"


At sa tuwing naririnig ko ang pagtawag niya ng baby kay Clare, napapairap ako. Hinding hindi yata ako masasanay sa mga ganyang tawagan. Dahil ba hindi pa ako nagkaka-jowa? Kapag kami ni Brix, ano kayang mararamdaman ko kapag tinawag niya akong baby? O kaya ay love? Napailing na lang ako.


Umiling si Clare. "Wala, hehe."


Nakaharap ako sa laptop at ginagawa ang activity namin sa lab. Nakita ko sa repleksyon ang pagdating ng Alpha, kumpleto sila, kasama sina Gibrielle at Zanea. Ayan na naman ang insecurities ko sa dalawang babaeng 'to. Pinanood ko ang repleksyon ni Brix sa screen ng laptop ko at nakita kong napalingon siya rito sa pwesto namin. Lumakas agad ang tibok ng puso ko. Nakita ko ang pag-irap at pagbusangot ng mukha ni Ryko.


"Wala pa rin bang something sa inyo ni Brix?" Tanong ni Clare.


Nag-init ang pisngi ko. "H-Ha? Wala e."


"Pero bakit ganun? Lagi ka naman niyang tinitingnan."


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinasabi ni Clare. Kinikilig ako. Pigil na pigil ang pagngisi ko.


"Hindi ko alam..."


"Coward, tss." Bulong ni Ryko pero narinig naman namin ni Clare.


Sinamaan ko siya ng tingin saka inirapan.


Hindi na ako makapag-focus sa ginagawa ko. Tingin lang ni Brix iyon pero nawawala na ako sa focus. Ano pang pwede niyang gawin? Baka mawala na ako sa katinuan.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now