Chapter 2

78 1 0
                                    

Posted on: 07/18/2019
Chapter 2


Nasa coffee shop kami ni Love habang naglalabas siya ng sama ng loob. At kahit na galit siya, hindi halata sa napaka-amo niyang mukha. Madalang sa madalang ang pagpunta ni Love sa penthouse, kahit ang kanyang mga magulang. Simula nang malaman ni Love ang tungkol sa amin ni Brix, she does not go to my place without my permission, o kaya ay aayain na lang niya ako sa labas. Alam ko pinipigilan din niya ang kanyang mga magulang. Ganun din ako sa kanila. I rarely go to their mansion.


"I don't know what changed her mind. Napapayag ko na siya na mag-transfer sa school mo, tapos kanina lang sinabihan niya ako na mali ang pagkakarinig ko sa sinabi niya." Kalmado pa rin ang kanyang boses nang sabihin iyon.


I looked at her. If we're gonna be real-life sisters, I'm the evil bitch, the black sheep of the family, and Love's the angel, the one who will never disobey our parents. Natawa ako ng bahagya sa naisip ko. Ilang beses ko nga ba naiisip ito sa tuwing magkasama kami? And why do I feel insecure around her? But I can't just shut her off my life.


"May nakakatawa ba, Ae?"


And if she doesn't call me bes, she'll call me Ae. Just like how my parents call me.


"Nothing," Sabi ko. "You won't enjoy in our school. I think Tita Cza made the right decision, you know... of changing her mind." I chuckled.


"Is it because of the fraternity going on in your school?"


Nagkibit-balikat ako. "I guess, Tita knows everything about SMU."


"But I want to be with you."


I rolled my eyes. "Love, you've got so many good futures in Jocson. Baka ma-stress ka lang sa environment ng SMU."


Bumuntong-hininga siya. "Hayy! Bakit ba ayaw ninyo akong makapasok sa SMU?"


Nagkibit-balikat na lang ulit ako.


Hindi na nagpumilit pa si Love sa kanyang parents. Wala naman siyang magagawa. And I guess, it's better. Ayokong makasama si Love sa iisang school. She does not suit in our environment. She's a fine young lady, who does not want to see rogue students fighting with each other.


Days have passed, same old shit. Sa tuwing makikita ko si Brix sa school, hindi niya ako tinitignan kahit man lang anino ko. And I would see him with other girls. Sometimes I envy those girls. Bakit sila malayang makasama sa public si Brix? Bakit ako hindi? Bakit pinapayagan ko si Brix na gamitin lang ako nang pasikreto? I don't mean to say na ipangalandakan namin na fuck buddies kami. I mean, can't we have a decent relationship? Kahit ako ang manligaw okay lang sakin. Anong meron sa relasyon namin at bakit hanggang sex lang? Matutuwa ba ako sa ganitong sitwasyon?


Tinalikuran ko na ang grupo nila. Nagpunta ako ng library para magpalipas ng oras. I saw Damon in one of the corners, asleep. May iilang mga babae na hindi makapag-focus sa pagbabasa at nakatitig lang sa lalaking ito kahit na nakatakip ng libro ang kanyang mukha. Hindi naman nagra-rounds ang librarian kaya hindi niya mapapansin na may isang estudyante na tulog dito.


Dahan dahan akong kumuha ng libro sa bay kung saan nandun nagtatago si Damon. I don't want to make noise. At alam ko nahaharangan ko ang tingin ng iilang mga babae. Binilisan ko na lang at nagpwesto sa pinaka-dulo.


Ilang sandali lang ay nakita ko si Damon na lumabas na ng library. Napaka-seryoso ng mukha niya. Ginising ba siya? Saka ko narinig ang bulungan sa tabi ko.


"Nakita raw na magkasama sina Reige at Jayne sa Restobar."


"Hindi ba kasama lang ni Damon 'yung girl na iyon kahapon? Balita ko kahalikan pa ni Damon iyon."


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon