Chapter 39

35 1 0
                                    

Posted on: 06/08/2020
Chapter 39

Nagising ako na walang katabi sa kama. Nakabukas ang pintuan ng kwarto ni Brix. Oo nga pala, dito ako natulog kasama siya. Hindi kami nag-sex kagabi. Hinalikan lang niya ako saka nag-aya na matulog.


Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nakaamoy ako ng fried rice. Nakita ko si Brix na topless pa rin at nakatalikod. Siya ang nagluluto ng fried rice. Sa mesa naman ay nakaupo ang batang lalake. Napalingon siya sa akin saka ngumiti. Pilit akong napangiti. Hindi ko alam paano ngitian ang mga bata.


"Kuya Brix, gising na gelpren mo." Sabi nung bata habang umiinom ng gatas.


Namula ang pisngi ko. Did he just say 'girlfriend'?


Humarap si Brix at tiningnan ako. Ngumisi lang siya saka hinarap ulit ang niluluto. Nilapitan ko na sila. Anong oras na kaya?


"Wala ang Mama mo?" Tanong ko. Hindi ko alam kung sino ang kausap ko.


Nag-angat ng tingin 'yung bata sa akin. "Nasa ospital. May sakit si Mama po."


"Tatay ni Din nagbabantay kay Mama sa ospital." Sabi ni Brix at nilapag ang mga nilutong itlog sa mesa.


Nilapag na rin niya ang fried rice at hotdog sa mesa. Kumuha siya ng dalawang mug saka nag-timpla ng kape. Para sa akin ba 'yung isa? Hindi man lang niya ako tinanong kung gusto ko?


"Din?" Pagtataka ko. Who's Din?


"Po?" Sagot ng bata saka ngumiti.


"Oh!" Tumango na lang ako.


"Sinong kasama niya rito kapag umaalis ka naghahanap kay Gibrielle?" Tanong ko kay Brix na tapos ng magtimpla ng kape.


Umupo na siya sa tabi ko at nilapit ang kape sa tapat ko. Nilagyan din niya ng fried rice, hotdog, at itlog ang plato ko. Nag-iinit na talaga ang pisngi ko sa ginagawa ni Brix. Sht! Ano ba 'yan!


"Si Alira."


Naalala ko ang eksena kagabi. "Sorry kung nag-away kami ng kapatid mo."


"Warfreak talaga si Alira. Kumain ka na." Aniya.


Kumain na ako gaya ng sabi niya. Pinagsandok din niya ng pagkain ang kapatid niyang si Din. Kapag tinitingnan ko siya, para siyang Ama na pinaghahanda ng pagkain ang kanyang anak. Siguro kung magiging Ama si Brix, sobrang mapagmahal niya. Kahit pa babaero siya, alam kong sweet siya in his own way. Nakuha niyang maglagay ng pagkain sa plato ko na pwede naman ako na lang.


Tapos na akong kumain nang may kumatok sa gate nila. Tapos na kaming lahat kaya nang tumayo si Brix para pagbuksan ng gate ang nasa labas, niligpit ko na ang mga pinagkainan namin saka hinugasan. Habang naghuhugas ako ng plato, narinig ko ang boses ni Alira.


"Oh my god! Dito siya natulog, Brix?" Sigaw ni Alira umagang-umaga.


"Ate Alira! Gelpren ni Kuya Brix." Sabi ni Din.


Namula na naman ang pisngi ko. Pangalawang beses na sinabi ng bata iyon pero hindi man lang binabawi ni Brix.


"Samahan mo si Din puntahan si Mama sa ospital. Umuwi rin kayo agad. May ibibigay na pera tatay niya, ikaw na mag-grocery." Sabi ni Brix.


"Nakakainis ka, Brix! Ikaw pwedeng makasama si Therese samantalang ako ayaw mo makipagkita kay Lexus." Narinig kong sabi ni Alira at sinundan si Brix sa kwarto.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now