Chapter 44

35 1 0
                                    

Posted on: 06/14/2020
Chapter 44


Nagdeactivate ako ng IG at Messenger, pinatay ko rin ang phone ko at hindi na pinansin. Pagkarating ko sa rest house, naglinis agad ako at nag-ayos ng mga gamit. Mga gamit ko lang ang dinala ko, saka na ako mamimili ng mga gamit ni baby kapag medyo malaki na ang tiyan ko at alam ko na ang gender. May nakausap akong OB sa malapit sa port at nag-schedule na ako ng appointment sa kanya para puntahan ako sa Talisayen kapag kailangan ko ng check up.


Inabot ako ng dalawang araw sa paglilinis at pag-aayos ng mga gamit. Wala rin naman signal dito sa isla kaya wala akong gadgets na dinala, wala rin tv dito. Dinala ko lang ay camera. Ang cellphone ko nakatago na lang sa cabinet.


Sa unang linggo ko, kinausap ko si Aling Ester kung pwedeng magtrabaho ako sa kanya. Dahil nasa isla, hindi masyadong kailangan ang pera, nagdala na rin ako ng sapat na cash para hindi ko na kailangan mag-withdraw sa bayan.


Tinanggap naman ako ni Aling Ester, kasama ko ang anak niyang si Ellie na nasa edad 15 pa lang. Salitan kami ni Ellie sa paghuhugas ng plato at pagseserve ng mga order sa mga customers. Si Aling Ester siya lang taga luto. Alam na nila na buntis ako kaya hindi ako binibigyan ng mabibigat na trabaho. Kung minsan, tinuturuan ko rin si Ellie sa mga homeworks niya.


"Ate Tere, konti lang naman customers ngayon kaya ako na maghugas ng mga plato. Maghintay ka na lang ng order."


Hinayaan ko sila tawagin akong Tere. Nung una kong marinig sa kanila iyon, naalala ko si Nana.


"Hm, sige. Bilisan mo sa paghugas ng mga plato, dumaan teacher mo rito kanina mag-usap tayo."


Bumusangot siya. "Oo na."


Nagkatinginan kami ni Aling Ester. "Huwag mo masyadong pagalitan."


Napangiti ako. "Hindi pa rin tama ginawa niya."


"Ngayon lang naman niya ginawa iyon."


"Oo nga po, pero dapat sinabi niya agad sa atin."


"Ganyan talaga kapag tumatanda na sila. Hindi na nila masasabi sa atin lahat."


Napaisip ako. Paano kapag ganyan din ang anak ko? Hindi. Palalakihin ko siyang hindi dapat magsikreto sa akin tutal kami lang naman ang magkakampi!


Pagkatapos maghugas ng plato ni Ellie, sinamahan niya ako sa isang table. Wala ng ibang customers na dumating at patapos na ang nasa kabilang table.


"Anong ginawa mo?" Kalmado kong tanong.


Sa saglit pa lang namin magkakasama, sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanila at tinuring ko ng kapatid si Ellie kaya nagagawa ko siyang pagsabihan. Hindi naman ako pinipigilan ni Aling Ester at hinahayaan niya ako. Hindi raw kasi niya kayang pagalitan ang sarili niyang anak.


Yumuko si Ellie at ngumuso. "Eh kasi..."


Hinawakan ko siya sa kamay. "Hindi naman ako magagalit. Sabihin mo sakin buong nangyari."


"Eh kasi, ate, nakita ko siyang sinisira 'yung project ko. Dahil ba sa top 1 ako, sisirain niya 'yung gawa ko para lang mas mataas score niya sakin?"


"Anong ginawa mo sa kaklase mong nanira ng project mo?"


"Sinabunot ko siya." Mas lalo siyang napayuko.


"Nag-sorry ba siya pagkatapos ng away n'yo?"


"Hindi kaya nakakainis siya!" Umangat ang tingin niya saka kumuyom ang kamay niyang nasa taas ng mesa.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now