Chapter 27

27 2 0
                                    

Posted on: 05/18/2020
Chapter 27


Naiuwi na ako ni Brix sa penthouse at natigil na rin ang pag-iyak ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Could it be different if it was just anyone else who tried to harm me, not the one that I knew? Iyon pang taong tinuring ko ng kaibigan dahil sa pagsasamahan namin kahit ilang buwan pa lang? O baka ako ang problema? Why did I easily let those people enter my life? Hindi lang iyon. I even treasured them already as for keeps.


Inabutan ako ng tubig ni Brix. Nakaupo lang ako sa kama at nakatitig sa basong inabot niya. Ininom ko iyon at tumingin kay Brix. Ginusto ko siyang makasama ngayong gabi hindi para sa ganitong dahilan.


"Thank you, Brix." Mahina kong sabi.


"Why did you let him do that? Bakit hindi ka nanlaban o sumigaw?"


That's been a question for me, Brix. Hindi ko alam bakit. Hindi ko alam kung bakit naduwag ako o nawalan ng lakas habang ginagawa sa akin iyon ni Adrian. At kahit pa pinagtangkaan niya ako, I still care for him. Nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya ngayon. I've never seen Lexus so mad like that. Hindi ako ang sinuntok niya pero ramdam na ramdam ko kung gaano kalakas iyon. He became a monster because of me.


"Can we ask if they have already brought Adrian to the hospital?" Tanong ko.


Napahawak sa sentido si Brix. "Are you serious right now, Therese? Pinangtangkaan ka nung gagong 'yon!"


"Still, binugbog siya ni Lexus."


"He fcking deserves that. I should be the one to smack his face."


Napatitig ako sa kanya. Alam ko galit din siya, nararamdaman ko galit siya. Bakit? Para sa akin ba ang galit mo, Brix?


"But you're here with me. You saved me again." Sabi ko.


Binaba ko ang basong hawak ko at tumayo palapit sa kanya. Nag-aalangan ako pero niyakap ko pa rin siya. "You still came." Sabi ko.


Alam ko pumunta siya sa RnB hindi dahil sa akin dahil kasama niya sina Hunter. Doon ang tambayan nila. Pero dumating pa rin siya. I couldn't say it wasn't the right time dahil dumating pa rin siya. Nilayo niya ako sa gulo.


"Anong balak mo sa kanya?" Seryoso niyang tanong.


Hindi ako bumitaw sa yakap niya. "I just need an apology."


Hindi ko alam kung bakit. Dapat galit ako dahil sa ginawa ni Adrian. Dapat ay sampahan ko siya ng kaso. Dapat ay hindi ko na siya ituring na kaibigan. Pero bakit? Bakit sa kabila ng ginawa niya sa akin, natatabunan ng awa ang galit ko sa kanya? He was sane when he did that pero tinuloy pa rin niya. I couldn't imagine what could have happened if Lexus didn't come or Brix didn't come.


Will he rape me? Saan? Sa labas lang iyon ng bar, it was a public place. He may be asking me for one night but he still did that in the public place. Baka may part pa rin sa kanya na ayaw niyang gawin o ayaw niyang ituloy. Damn! I'n crazy for thinking of his sake!


Hinawakan ako ni Brix sa magkabilang balikat at hinarap sa kanya. "I will take care of him."


Nanlaki ang mga mata ko. "Thankful na ako na sinamahan mo ako rito, Brix. Please, hayaan na natin si Adrian. Ayokong may gawin kang masama sa kanya."


"Bakit iniisip mo pa rin siya?" Galit na tanong ni Brix.


"Ayoko na lang palakihin. Sasabihan ko ang mga kasama ko at ang Sigma na huwag ipagsasabi kahit kanino ang nangyari. Please, let's just leave him alone."


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now