Chapter 33

21 1 0
                                    

Posted on: 05/27/2020
Chapter 33


"What is this?" Frustrated na tanong ni Lexus pagkarating niya sa High Society.


Ngumisi ako. "Please take care of her."


Tumayo na ako at iiwan na sana si Alira na nakatulog na sa table. Naunang tumalikod si Lexus at akmang aalis pero mabilis ko siyang nahigit. What is his problem? Iiwan talaga niya si Alira rito?


"I'm busy, Therese."


"May problema ba kayo?" I felt him tensed.


"Wala, Therese."


"Then, take care of her. Ihatid mo siya."


"Bakit hindi kapatid niya ang tinawag mo? Are you two not okay?"


"Of course, we're okay. Pero naisip ko na baka mas kailangan ka ni Alira. Muntik na siyang sumama kung sinong lalake lang."


"Sana hinayaan mo."


"Oh my god, Lexus! If that were me, hahayaan mo akong sumama sa ibang tao?"


"You aren't like that, Therese." Seryosong sabi niya.


"Lexus, please. Ikaw na bahala kay Alira."


Bumuntong hininga siya. "Remember that this will be the last time na makakasama ko ang babaeng 'to."


Binitawan ko na siya. Nauna na akong umalis at umuwi sa penthouse. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa. If they like each other, bakit hindi nila ipaglaban? Ano ngayon kung kasali sa AGP ang kapatid ni Alira?


Hindi ko sinabi kay Brix ang tungkol kay Alira. Ayokong magalit siya sa akin at magkasiraan kami. Alam ko naman na hindi pababayaan ni Lexus si Alira. Pagkabalik sa university, narinig ko agad ang away ng Alpha at Sigma. Kinabahan agad ako. Hindi ko pinansin ang mga tawag ni Clare nang tumakbo ako papunta sa gulo ng dalawang fraternity. Ngayon na lang ulit sila nagkagulo at wala si Reige. I'm not sure what is it pero hindi maganda ang kutob ko.


Nasa abandunadong building ang away ng dalawang frat. This is a ruin building na hindi na pinaayos ng SMU at ginawa na lang tambakan ng kung ano ano. This is actually my first going here. Hindi ko alam kung may nagpupunta o nagtatambay dito dahil ang creepy lang.


Nakita ko ang kumpol ng mga estudyanteng nanonood sa away. Madali akong nakalagpas sa mga estudyante at nakita ang mga nag-aaway. Hindi sila kumpleto. Sa AGP, sina Brix, Michael, at Hunter lang ang nandito. Samantalang sa Sigma, sina Lexus, Clyde, Angelo, Reyner, at Innes ang nandito. Oh my god! Nalaglag ang panga ko dahil sina Lexus at Brix ang nag-aaway. Naka-abang lang sa gilid ang iba. Obvious naman na outnumbered ang Alpha rito.


Sinuntok ni Brix si Lexus at tumama ang kamao niya sa pisngi ng kaibigan ko. Nasapo ko ang bibig ko. Anong ginagawa nila?


Mabilis naman nakabawi si Lexus at gumanti ng suntok kay Brix pero hindi ito natamaan. Mabilis nakagalaw si Brix at sinipa sa tiyan si Lexus. Wala bang balak pigilan ng mga kasama nila ang dalawa? Ako? Hindi ko ba sila pipigilan? Pero may mga estudyante. Kinakabahan ako. Natatakot akong hindi nila ako pansinin. Pero dalawang taong importante sa akin ang nag-aaway. Ni hindi ko alam kung anong pinag-aawayan nila.


"You're really an asshole!" Sigaw ni Brix.


Lumapit siya kay Lexus at kinuwelyuhan ito. Sinuntok niya sa magkabilang pisngi ang kaibigan ko. Fck! I need to do something!


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now