Chapter 26

28 1 0
                                    

Posted on: 03/15/2020
Chapter 26


"Happy birthday, Ae!"


May kung sinong yumakap sa akin sa kama. Nagmulat ako ng mga mata at nakita si Love na naka-uniform na. Ugh! What time is it?


Kinuha ko ang phone saka chineck ang oras. 5:30 am. Kaya pala hindi pa nag-aalarm ang phone ko pero etong si Love naman ang gumising sa akin.


"Istorbo ka naman sa pagtulog, Love." Sabi ko.


"Ano ka ba, bes! Birthday mo, busy ako sa school kaya ngayon na kita pinuntahan." Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa pisngi. "Maghahanda sina Mommy sa bahay mamaya. Hanggang 4:30 lang naman pasok mo diba?"


Bumangon ako saka umayos ng upo. Umupo rin siya ng maayos at humarap sa akin. "Hindi naman kailangan maghanda."


"Alam mo naman si Mommy. Kahit dinner lang, Therese."


Okay, she called me Therese. "Okay."


"Yehey!" Laking tuwa niya sabay palakpak. "Blow mo na 'tong cake!"


Kinuha niya ang cake na may nakasindi na palang kandila. Binlow ko na lang saka bumangon ng tuluyan. Nagpaalam din kaagad si Love dahil maaga ang pasok niya. Naghanda na rin ako sa pagpasok.


Nakatanggap ako ng mga birthday messages sa texts, chats, at personal. May mga tumatawag pero hindi ko na sinasagot. Isang tao lang kasi ang hinihintay kong bumati sa akin at sobrang saya na ng birthday ko.


Pagkarating ko sa university, inulan ulit ako ng mga greetings mula sa mga kaklase ko lalo na kina Clare, Adrian, Ty, at Wesley. 'Yung dalawa kahit hindi namin classmates ngayong araw ay nagawa pang sumabay sa amin sa room.


Pagkarating ng vacant namin, nagpunta lang kami sa caf para kumain. Nagulat ako nang may ilabas silang cake para sa akin. Natuwa ako dahil sa effort nila. First time may nagbigay ng cake sa akin ngayong birthday ko sa school. Kasama namin sina Ryko at Lexus na masama ang tingin kay Adrian dahil siya ang nagdala ng cake para sa akin. Nahihiya ako dahil sa pagkanta nila at napapalingon ang mga estudyante sa amin. Kahit sina Hunter, Traz, at Yule na nasa pwesto nila ay napalingon sa amin.


Nag-vibrate naman ang phone ko. It's Hunter greeting me on IG. Napangiti ako. Nag-reply ako kaagad sa kanya. Si Brix kaya kailan ako babatiin? Speaking of him, hindi ko pa siya nakikita.


I texted Alira asking kung pumasok ba ang kuya niya. Tipid naman siyang nag-reply ng oo. Kumusta kaya sila ni Lexus? Ano kayang napag-usapan nila noon sa Ramyun Express? Iyon yata ang huli kong kausap kay Alira.


"Ininvite nila kami mamayang gabi sa bahay nina Love." Sabi ni Lexus na katabi ko.


Tumango ako. "Pupunta ka?"


"Kung pupunta ka."


Natawa ako. "Of course, birthday celebration ko 'yon kahit na ayaw ko man. Ayoko magalit si Love sa akin."


"What's your plan after?"


"High Soc?"


Tumango siya at ngumisi. "The drinks on me, then."


"Hoy, anong High Soc naririnig ko? Hindi ba kami invited?" Singit ni Ryko.


"Sure! Libre daw ni Lexus. Punta kayo." Sabi ko saka napalingon kay Lexus na aburido na naman ang mukha.


"I'll inform Sigma." Masayang sabi ni Ryko.


"Paano ako?" Nag-aalalang tanong ni Clare.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now