Chapter 48

42 2 0
                                    

Posted on: 06/19/2020
Chapter 48


Nalalapit na ang 1st birthday ng anak namin ni Brix. Hindi ko akalain na hanggang ngayon kasama ko pa rin si Brix sa penthouse, at nakuha na niyang alagaan at bantayan ang anak niya. Hindi ko ma-explain ang tuwa ko noong makita ko siyang hawak niya si Baby Sisi, dahil na rin siguro wala siyang magagawa noon dahil nagkasakit ako. Dahil sa nagkasakit ako, hindi siya umaalis ng penthouse at pareho niya kaming inaalagaan ng anak niya dahil sa hindi ko pwedeng lapitan ang bata.


"Sabi ni Mama inumin mo 'to, oregano 'yan mas effective daw para sa ubo." Ani Brix at inabot sa akin ang baso.


"Thank you." Sabi ko.


Ininom ko na ang binigay niyang gamot na pinakuluang oregano saka humiga na ulit. Inayos niya ang kumot sa katawan ko. Hinawakan ko ang kamay niya bago siya lumabas ulit.


"Sorry sa abala."


"Magpagaling ka na." Iyon lang ang sinabi niya saka lumabas na ulit ng kwarto para bantayan ang anak namin.


Nung gumaling na ako sa sakit, bumalik agad siya sa pag-alis at hindi pagpansin masyado sa anak namin. Umuuwi ulit siya ng madaling araw, hindi ko alam kung galing sa pag-inom, pambababae, o kasama ang mga kaibigan niya sa Alpha.


Alas dose na ng madaling araw ngayon, hindi pa rin nakakauwi si Brix. Nagising ako sa iyak ni baby kaya pinadede ko at nang makatulog na ulit siya, binalik ko na siya sa crib niya. Nawala ang antok ko kaya naisipan kong hintayin si Brix sa sala.


Nakaupo lang ako ay nagdadalawang isip kung tatawagin ko ba o itetext si Brix. Natatakot akong hindi niya sagutin o sabihin niyang wala akong karapatan pakialaman siya. Sa tinagal-tagal na niya rito sa penthouse, kapag nandito sina Tita Cza, nakikisama naman siya at kinakausap na siya ni Tita ng maayos. Alam ko at ramdam ko na hindi pa rin tanggap ni Tita pero mas okay na sa akin na nagkakausap sila kahit paano.


Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya dali dali akong tumayo at sinalubong si Brix. Hindi naman siya gaanong kalasing dahil straight pa ang lakad niya. Tiningnan niya ako nang makitang sinalubong ko siya.


"What's with your text? Pag-usapan ang birthday ni Sidro?"


Tinext ko siya kanina kung pwedeng umuwi na siya para mapag-usapan namin ang magiging celebration sa 1st birthday ng anak namin. Gusto ko kasing makapag-plano muna kaming dalawa bago makisali sa plano sina Tita.


"Darating kasi mamaya sina Tita para pagplanuhin. Gusto ko muna sana marinig kung anong gusto mo gawin sa birthday ng anak natin." Sabi ko.


Ngumisi siya. "Paano kung sabihin kong ayaw ko nang magarbong celebration? I couldn't even afford it. Will you do that?"


"Dito naman gaganapin ang birthday, hindi mo naman kailangan-"


"Fck that, Therese! Hindi ko maramdaman na ako ang Ama niya dahil wala akong ma-provide para sa kanya. Alam mo ba kung anong pakiramdam na makitira rito at puro na lang ako tanggap ng tanggap?"


Sabi ko hindi siya ganun kalasing, pero mukhang mali ako. Nakakatakot ang boses niya kahit ang mga tingin niya. Medyo tumataas ang boses niya dahil sa frustration at galit.


"I never meant that, Brix. I'm sorry."


"Of course, you don't. Lumaki kang mayaman, you will never know the feeling of having nothing."


"K-Kung gusto mo ng simpleng celebration, I'm fine with it, Brix."


"Tss." Ngumisi siya. "Hindi naman pwede ang simple sa inyo. Ikaw na bahala, kayo na bahala. Wala naman akong karapatan makialam dahil wala naman akong maiiambag."


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant