Chapter 37

32 2 0
                                    

Posted on: 06/04/2020
Chapter 37


Hindi ko alam kung bakit napagtyatyagaan kong pakinggan ang mga tsismis ni Clare tungkol sa nangyayari sa Alpha at sa girlfriend ni Damon. Muntik na raw kasi makidnap si Gibrielle nung Charles. Nakatakas sa kulungan si Charles and he tried to abduct Gibrielle. Hindi lang namin maintindihan kung bakit 'yung girlfriend ang pinupuntirya saka bakit sobang galit nung ex-member ng AGP.


Kapag pinupuntahan ako ni Brix, tinatanong ko siya kung kumusta si Gibrielle. It's as if we're close.


"I just heard na muntik na siyang ma-kidnap." Even if it's a sensitive topic for me.


Pero hindi naman ako nakakaramdam ng takot kapag napag-uusapan ang kidnapping. Siguro kapag napapanaginipan ko ang nangyari, bumabalik ang takot at gulo ng isip ko nung bata pa ako.


"She's fine. Nakabantay naman kami lalo na si Damon."


And there goes my insecurity again. Para bang Queen si Gibrielle dahil nakikita ko ang pagka-protective ng Alpha sa kanya, sa kanilang dalawang magkaibigan.


"Is there something wrong with Van?"


Nakita ko kasi siya nung minsan sa parking na sobrang bigat ng ambiance. Hindi namamansin si Van at parang may sariling mundo, walang ibang tinitingnan pero nung nakita ko siya, parang may galit sa kanyang mga mata.


"Why are you concern?"


Natikom ko ang bibig ko. Masyado na yata akong nakikialam sa kanila. Hindi naman ako ganito. Nahahawa na yata ako kay Clare!


"Sorry."


Humalakhak si Brix saka ako hinalikan. Nag-make out lang kami saka nagpahinga. Natutulog na siya pero gising pa rin ako at pinagmamasdan siya habang natutulog. Napapansin ko ang pagod sa kanyang mga mata dahil sa sobra nilang pagpo-protekta kay Gibrielle. Hindi lang siguro sa kanya, dahil na rin may kalaban sila ngayon. It's not Sigma, it's Charles.


Nag-vibrate ang cellphone niya sa side table. Sinilip ko ang phone niya at nakita ang mga messages. Hindi ko pinansin ang mga texts sa kanya ng mga kaibigan niya, ang tumawag sa pansin ko ay bagong dating na message. It's 1:26 am pero nakuha pa niyang itext si Brix. Her number was even saved on his phone with her full name! Wtf?


Camille David:

Hi, Brix! Just wanted to know if you're okay? I have been hearing a lot of news lately. If you need help with our subjects, let me know. Also, pwede kita pahiramin ng mga notes sa mga na-missed mong lectures.


Tumaas ang kilay ko. Naiinis ako kasi bakit hindi ko kaklase si Brix? Bakit hindi kami magkapareho ng course para ako na lang ang magbigay ng notes sa kanya? Mas close sila ng babaeng ito kaya nalalamangan ako.


Matagal ko ng tanong sa sarili ko kung naka-save ba ang number ko sa phone ni Brix. Ngayon ko lang naisip na itext siya para malaman ko habang natutulog siya sa tabi ko. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang text conversation namin. Nag-isip ako ng pwedeng itext sa kanya dahil baka makita niya mamayang pagkagising niya. Pero anong idadahilan ko kapag nakita niya?


Napangisi ako. Bahala na. Gusto kong malaman kung anong pangalan ko sa phone niya.


Me:

Hi


Wala akong ibang maisip. Natatawa pa ako sa sarili ko.


Nag-vibrate ulit ang phone niya kaya mabilis kong tiningnan sa notifications ang text ko. Nanlumo ako nang makitang number lang siya. Hindi naka-save ang number ko sa phone ni Brix. Kumirot ang puso ko. Bakit sa ibang babae ang dali niyang ipamigay ang number niya at isave ang mga number nila? Bakit sa akin hindi mo makuhang isave?


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now