Chapter 47

34 1 0
                                    

Posted on: 06/18/2020
Chapter 47

"Therese, may tao."

Naalimpungatan ako sa tawag ni Brix. Pilit kong minulat ang mga mata ko kahit na inaantok pa ako. 6:30 pa lang ng umaga at tulog na tulog pa si baby. Nilingon ko si Brix na nakapikit pa rin at ayaw bumangon. Tumunog ulit ang doorbell kaya bumangon na ako ng tuluyan at lumabas ng kwarto.

Pinagbuksan ko ng pintuan ang kanina pa nagdodoorbell sa labas. Nalaglag ang panga ko nang makita kung sino sila. Napasuklay ako ng buhok ko gamit ang kamay ko. Fck! Anong itsura ko kaya ngayon?

Nandito sina Alira, Din, Mama ni Brix, at Stepfather niya. Sobrang laki ng ngisi ni Alira nang magkatinginan kami.

"Mag-iisang buwan pa lang, losyang ka na, Therese." Tumawa si Alira.

"Alira." Suway ng Mama ni Brix.

Pinapasok ko sila at nag-timpla ng kape. Nagkusang-loob na si Alira na mag-prepare ng sandwich at sinabihan akong gisingin na si Brix. Tumango na lang ako at nagsabi na mag-aayos lang din ako sandali.

Bumalik ako sa kwarto at naghilamos muna ng mukha at nag-toothbrush. Tulog pa rin si baby pagkalabas ko ng banyo. Nilapitan ko si Brix sa kama saka ginising. Madaling araw na naman kasi kami nakatulog. Si Brix galing sa pag-iinom, ako naman dahil sa pag-iisip at inaasikaso ang baby kapag nagigising.

"Brix, nandito family mo." Pilit ko siyang niyuyugyog para gisingin. "Brix..."

"Hmm."

Nakarinig ako ng katok sa pintuan. Dahan dahan itong bumukas at niluwa si Alira. Nakangisi siya at naabutan akong nakatayo sa gilid ni Brix.

"Ako na."

Lumapit si Alira at pinitik ang tainga at ilong ni Brix. Napadaing si Brix at sinamaan ng tingin ang gumawa sa kanya nun. Inakala kaya niyang ako 'yon?

"Fck, ang aga aga, Alira." Gumalaw lang siya at nagpalit ng pwesto saka pumikit ulit.

"Naghihintay sina Tita Esme sa labas."

"Sinabi kong huwag kayo pupunta ng maaga."

"Kailangan magpunta sa ospital ni Tita kaya naisipan namin ngayon na bumisita bago siya magpa-check up." Tumawa si Alira saka hinila si Brix.

Narinig ko naman ang pag-iyak ng baby ko dahil sa ingay. Kinuha ko siya sa crib saka binuhat. Iniwan ko na sa loob sina Alira at Brix saka lumabas ng kwarto. Lumapit agad si Din sa akin at tuwang-tuwa nang makita ang baby. Gustong buhatin ng Mama ni Brix ang baby pero tumanggi na lang siya kaya ang asawa na lang niya ang nagbuhay sa baby at nilapit sa kanya para makita nang medyo malapitan.

"Dito na po kayo mag-almusal." Sabi ko.

Nagtawag na ako at nag-order ng breakfast para hindi na magluto pa si Brix. Ilang sandali lang ay lumabas na si Alira at hindi naman nagtagal na sumunod si Brix. Sinabihan ko si Brix na nag-order na lang ako ng breakfast dahil binalak niyang magluto sana. Pinagtimpla ko na lang din siya ng kape.

"Tinutulungan mo ba si Therese sa pag-aalaga ng anak n'yo?" Tanong ng Mama ni Brix.

Napalingon ako sa kanila. Nilapag ko na ang kape sa table sa tapat ni Brix. Umupo ako sa kabilang couch, katabi si Alira na hawak na pala si Baby Sidro.

"Baby Sisi." Tuwang tuwang tawag ni Alira sa baby namin.

"Sisi?" Tanong ko.

"Ma naman." Sagot lang ni Brix sa Mama niya.

Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now