Chapter 36

29 1 0
                                    

Posted on: 06/02/2020
Chapter 36


Napalingon ako sa mga kakapasok lang ng cafeteria. Magkasama pa rin sina Brix at Camille. Hawak pa rin ni Brix 'yung laptop nung babae at saglit lang siyang lumingon sa akin. Nag-pwesto silang dalawa sa isang table na may grupo ng mga babae at lalake. By the looks of it, mga kaklase nila. Nakarinig ako ng panunukso sa dalawa nang makalapit sila sa mga kasama.


Naitusok ko ng pabagsak ang fork sa cake na kinakain ko. Hindi ka ba lilingon ulit dito, Brix?


"Therese, okay ka lang?"


Binaling ko ang masasama kong tingin kay Clare. "Gusto kong sumugod doon pero wala akong karapatan. Tatanungin mo ako kung okay lang ako?"


Ngumiti siya. "Kung kay Ryko nga ganyan, baka hindi rin ako makapagtimpi."


Mas lalo kong sinamaan ang tingin sa kanya. "Clare, do you even understand half of what I've said? Wala akong karapatan para hindi magtimpi."


"Sorry na. Just take it easy. Ganyan naman siya dati pa, babaero."


Nanahimik na lang ako sa sinabi niya. Bakit ko nga pinupunta ang galit ko sa mga kasama ko ngayon? Babaero na dati pa si Brix, I should've been used to it. Pero sobra sobra ang insecurity na nararamdaman ko ngayon sa babaeng ito. She's so pretty, sexy, mukhang matalino, galing sa mayamang pamilya, at higit sa lahat normal siyang babae! Wala akong makitang flaw sa kanya. Hindi siya katulad namin nina Deanna at Shey na lumalandi kay Brix.


Pinilit ko na lang hindi pansinin hanggang sa makabalik kami sa klase. Kinagabihan, nagpunta ako sa RnB para makita si Brix. Gusto ko bumawi siya sa akin ngayon. Gusto ko mag-usap kami at ayokong isipin niya na nagseselos ako ng wala sa lugar at wala naman akong karapatan. Pero kapag minamalas nga naman ako, nakita ko si Brix kasama 'yung Camille at isa pang babae at lalake na mukhang magjowa. So, is this a couple date sa bar?


Nang magkatinginan kami ni Brix, nakagat ko ang labi ko sa frustration. Padabog akong lumabas ng bar at sumakay sa sasakyan. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Brix. Laking tuwa ko nang sagutin ni Brix ang tawag ko. Naririnig ko ang ingay ng tugtog sa loob ng bar.


"Brix, I'm sorry pero nagseselos na talaga ako..." kinagat ko ang labi ko. "Bakit lagi kitang nakikitang kasama 'yung ibang babae?"


"Where are you?"


Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. "Sa kotse."


"Brix?" Mahinhin na tawag nung babae. I'm sure it's Camille.


"Guys, may pupuntahan lang ako sandali. I'll come back." Narinig kong sabi ni Brix sa kabilang linya.


Hindi ko mahabol ang hininga ko, sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Pinatay ko na ang tawag at tumingin sa entrance ng bar. Ilang sandali lang niluwa nito si Brix. Nakita niya agad kung saan ang sasakyan ko at pumasok sa loob.


"You jealous?" Humalakhak siya.


Bahagya akong tumango. "Is she your new girl?"


"Sino? Si Camille?"


Napairap ako. "You don't even have to mention her name."


Tumawa ulit si Brix. "Sabi niya, VIP din sila ng family niya sa hotel mo."


Dumiretso ang tingin ko sa kanya. "Oh my god! Don't tell me-"


Tumawa si Brix at hinila na ako para halikan. Hindi na ako nagprotesta. Kailan ba ako nagprotesta kapag hinalikan niya ako?


Nag-make out kami sa sasakyan pero nagpaalam din siya dahil babalik pa siya sa loob. Nabawasan ang selos ko. Medyo okay na ako at nabawasan na ang inis at selos ko mula kanina. Okay lang na kasama niya 'yung Camille ngayon, o magpunta sila mamaya sa hotel ko. Natutuwa lang ako kasi pinuntahan pa rin ako ni Brix. He acknowledges my jealousy and makes it up by kissing me.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now