Chapter 14

37 1 0
                                    

Posted on: 12/27/2019
Chapter 14


Pagkapasok ko sa school kinabukasan, hindi ko alam kung paanong pagtago at pag-iwas ang gagawin ko. Hindi ako sa pantry kumain at palinga-linga ako sa paligid. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? Pero hindi ba sabi ko walang sisihan?


"Therese, okay ka lang?" Tanong ni Lexus.


Si Lexus ang tanging naisip ko na makakapagligtas sa akin sa kahihiyan. Hindi ko alam kung OA lang ba ako o hindi. Mas maganda kung wala lang kay Hunter at Brix ang mga ginawa ko kagabi. Sana ay lasing na lang kagabi si Hunter at wala sa huwisyo nang ibigay ang number ni Brix. At sana hindi na narinig ni Brix ang mga sinabi ko kagabi.


"Okay lang. Hehehe."


Kumunot ang noo niya. "You are weird. Did something happen?"


"H-Ha? Wala nga!" Tumawa ako na parang baliw.


Hindi nawala ang pagkakunot ng noo niya. Pero kahit ganun ay inabot na lang niya ang hotdog sandwich na inorder namin kanina. Weird nga siguro dahil hindi ako umaalis sa tabi niya. Kahit pa dumating sina Clyde kanina, ang lakas ng loob ko pang paalisin siya. Nasa fields kami ngayon at wala naman mga naglalaro kaya okay lang dito kumain. Nagrereview naman si Lexus kaya mas okay sa kanya na nandito siya at walang nanggugulo sa kanya.


"Hindi ka na nagpupunta sa High Soc ah?" Aniya habang nagbabasa ng kanyang libro.


Pinagmasdan ko si Lexus. Gwapo rin itong kaibigan ko at masasabi kong marami rin nagkakagusto sa kanya dahil ngayon pa lang, napapatingin na ang mga estudyanteng naglalakad. Tapos sabihin pang seryoso siya sa pagbabasa. Ideal guy.


"Busy e." Sabi ko na lang. "Kumusta 'yung project ninyo sa hotel?"


Saglit siyang lumingon sa akin. "They'll start the construction next month."


Tumango ako. "Bakit ba ang busy mo? Nakikita mo ba ang mga babaeng napapahinto sa paglakakad para lang titigan kang seryoso diyan?"


Bigla siyang tumawa. "Do they find me sexy?"


Natawa rin ako. "Baliw!"


Kumain na lang ako at ganun din siya. Mahaba-haba ang break namin bago ang next subject. Aniya'y may quiz daw sila at major subject pa kaya okay na rin na napaalis ko si Clyde kanina.


Habang busy siya sa pagbabasa at ako naman ay sa paglamon ng hotdog sandwich, halos mabilaukan ako nang makita ang mga tingin na iyon. Mabuti na lang at hindi ako napansin ni Lexus. Busy pa rin siya sa pagbabasa. Inayos ko ang upo ko at nag-iwas ng tingin kay Brix. Nasa 'di kalayuan siya, nakasilong sa malaking puno at nakahalukipkip na nagmamasid dito. Sa akin ba talaga siya nakatingin? Shit! Ayan ka na naman, Brix Simon!


Muli ko siyang nilingon at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakatingin pa rin siya sa direksyon ko. Hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin habang kinuha ang kanyang phone sa bulsa. May kung ano siyang pinindot doon tapos ay nag-vibrate ang phone ko. Shit! Tama ba ang hinala ko? Nagtext ba siya sa akin?


Tiningnan ko si Lexus na wala pa ring ideya sa nangyayari. Muli akong lumingon sa pwesto ni Brix pero naglakad na siya palayo. Nakahinga ako ng maluwag. Kinuha ko ang phone ko at chineck kung sino ang nagtext. Siya nga!


Brix:

Meet me at Natividad Building rooftop. Now.


Napairap ako. Hindi. Ayoko. Sigurado ako, 'yung kagabi ang pag-uusapan namin. Ayokong mapahiya. Alam ko mapanganib na hindi ako sisipot sa kanya pero mas mapanganib kung ipapahiya ko lang ulit ang sarili ko. Kung kaya kong makaiwas sa kanya hanggang pagtapos ng subjects ko, gagawin ko.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now