Chapter 20

43 1 0
                                    

Posted on: 03/19/2020
Chapter 20


Kaklase ko sa Eng 3 class 'yung lalakeng kumausap sa akin kanina sa basketball court. Dahil sa introduction, nalaman kong transferee siya at galing sa Canada. Ang Daddy niya ang taga doon at ang Mommy niya ay Filipino at may kapatid siyang bunsong babae na high school pa lang. Dagdag pa niya, naiwan ang kapatid niya sa Canada kasama ang kanyang Mommy pero uuwi rin sila dito sa Pilipinas by December.


He's talkative. Kulang na lang ay ikwento niya ang buong buhay niya sa Introduction. Hindi ko alam kung natatawa ang mga kaklase kong babae o natutuwa sa kilig. Siya lang ang maraming sinabi sa Introduce yourself samantalang kami, halos pangalan lang. Oh well, dahil na rin siguro sa transferee siya.


He's with another 2 boys. Hindi sila transferees pero irreg students. Naaalala ko silang mga kalaro niya kanina sa basketball. Pero etong si Adrian ay same course ko.


Halos maubos namin ang isang oras para lang sa Introduction. Sa second hour ng subject ay nagklase na agad kami. I must say hindi nagsasayang ng araw ang prof namin. Isang miss mo lang na araw sa kanya, sayang na.


Natapos ang lahat ng klase ko sa araw na 'to na pagod ako. Hindi ko alam kung bakit ako napagod, gayong nakikinig lang naman ako at isang subject lang ang may quiz agad.


Naglalakad na ako sa parking lot nang mapansin ko ang lalakeng sumabay sa akin. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang tangkad pala niya. Hindi ko kasi iyon napansin nung una niya akong kausapin dahil nasa taas ako ng bleachers nakaupo.


He immediately smiled at me when our eyes met. "Hi, Therese!"


Hindi lang siya madaldal, jolly pa siya para sa isang lalake.


"Hi." Bati ko na lang din.


"You own a car?" Tanong niya.


"Oo."


"Sayang, I was planning on asking you a ride. Anyway, see you tomorrow." Pinatunog na niya ang kanyang kulay pulang sasakyan na Honda Civic RS Turbo.


Mas lalo siyang gumwapo sa sasakyan niya. Now I understand the heart eyes of my classmates. Naalala ko pa ang sinabi ni Clare na katabi ko kanina. "Para siyang god na pinatapon dito sa lupa. Pero bakit ganun? Sayo siya laging nakatingin?"


Hindi ko naman sigurado kung totoo ang sinabi ni Clare kanina. Hindi ko minsan nilingon si Adrian nang matapos siyang magpakilala sa harapan ng klase. Nasa gitnang row ako at siya naman ay sa bandang dulo. Saka focus ako sa pakikinig sa klase.


Hindi ko na pinansin at tumuloy na ako sa sasakyan ko. Umuwi na lang kaagad ako. Wala akong balak magpunta ng bar. I promised myself not to drink on weekdays. Nasulit ko ang subjects ko for this sem ng apat na araw lang. Wala akong pasok tuwing Friday, Saturday, at Sunday.


Habang palabas ako ng university, nadaanan ko sina Brix at Hunter na naglalakad. Bakit sila naglalakad? Nasaan ang sasakyan ni Hunter?


Nang makalagpas na ako, nilingon ko ulit sa side mirror ang dalawa. Malinaw na malinaw pa rin ang mga mata ko at sigurado akong nakatingin sa sasakyan si Brix. Nakatingin din si Hunter pero mabilis na nag-iwas ng tingin dahil nagsasalita siya at kausap si Brix. Pero si Brix? Para bang nakikita rin niya ang repleksyon ko sa side mirror. O para bang nakikita niya ako sa loob ng sasakyan na nakatingin sa kanya.


What now, Brix? Do you miss me? Namiss mo bang maghabol ako sayo? Don't worry, I did not stop. Oo, galit ako sa kanya. Nainis ako sa sinabi niyang hindi niya ako gusto. Pero ang last promise ko sa sarili ko, hindi ako titigil sa nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ako titigil sa paghahabol sa kanya. Nagpapahinga lang ako ngayon. Ayoko munang sumabay sa unang araw ng klase. Ayoko munang makita siya nang naiinis pa rin ako. Iniisip ko na lang na nag-away kami at ayoko siyang pansinin, parang cool off ba sa isang relasyon.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon