Chapter 34

30 2 0
                                    

Posted on: 05/29/2020
Chapter 34


Iniiwasan ko ang mga texts at calls ni Tita Cza simula nung magpunta sila sa penthouse. Nagkausap na rin kami ni Love at susubukan daw niyang ilayo ako sa atensyon ng kanyang Ina.


I'm thankful na hindi ako nilayuan ni Brix. Nagpupunta pa rin siya sa penthouse. Sinabihan ko rin ang receptionist na kapag nasa hotel si Tita Cza, sabihan agad ako.


"I'm really sorry, bes. We were actually waiting for Mom and Dad pero bigla na lang sabi ni Dad nasa penthouse na sila to surprise you." Sabi ni Love habang magkausap kami sa phone. I'm on my way to SMU.


"It's okay. Nakalusot pa naman, thanks to Tito Matt."


"My Dad's cool, you know." Tumawa siya.


"Right." Tumawa rin ako. "But he wouldn't be cool if you're in my situation."


"I won't do it."


"I know right."


Pinatay ko na ang tawag at nag-park sa university. Nakasabay ko pa sa pag-park si Damon. Everyone knows his car. Nauna siyang bumaba kasama ang girlfriend niya. That Gibrielle is a chic. At heto na naman ako sa insecurities ko. Malaya sila ng kaibigan niya makasama sina Damon at Van sa school.


Nagkita na lang kami ni Clare sa klase. Naabutan ko pa siyang kausap si Adrian pero nang mapansin ako, umalis agad siya at bumalik sa pwesto. Nahihiya pang tumingin at nag-sorry sa akin si Clare. Hindi naman ako bata na magagalit sa kaibigan kong nakipag-usap sa taong hindi ko pinapansin ngayon. They're friends. Adrian did nothing wrong to them.


Habang nagka-klase, nag-vibrate ang phone ko. Nagtext si Tita Cza, asking me for a dinner. Hindi sa mansyon ang binigay ang lugar. Fck! Hindi ko na malulusutan 'to. Unless magdahilan ako na may gagawin akong project. Pero hindi siya maniniwala. She might even ask my professors. God!


"May problema ka, Therese? Kanina ka pa hindi mapakali. Is it about Adrian?" Tanong ni Clare nang nasa cafeteria na kami.


"What about him?" Tanong ni Ryko.


Hindi ko na pinansin ang pagsasagutan ng dalawa. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. Lumabas ako ng cafeteria at saktong nakasalubong ko sina Damon, Gibrielle, Zanea, Traz, Hunter, at Yule. Nag-iwas ako ng tingin kay Hunter. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na ako ng lakad.


Nagpunta ako sa parking at pumasok sa sasakyan ko. Nagdadalawang-isip ako sa dinner mamaya. Hindi maganda ang kutob ko. Hindi ko alam kung kasama si Tito Matt. Kung ba buhay sina Mommy, mapapagalitan din ba ako kung sakaling pinakilala ko si Brix sa kanila? Pero hindi e. I never introduced Brix to Tita Cza. Nahuli pa nila kami magkasama sa penthouse nang gabi. So what else would she think?


Gulong-gulo ako buong araw. Hindi ako nakapag-focus sa mga klase ko. Pero in the end, nag-aayos na ako para pumunta sa restaurant na sinabi ni Tita Cza. I texted Love about it pero wala siyang alam. She tried asking her Mom pero alam na raw ni Tita na pinagtatakpan ako ng anak niya. Napagalitan pa yata si Love nang dahil sa akin.


Nakarating ako sa restaurant at giniya ako ng Manager papunta sa isang private room. Natigilan ako nang makita sina Tita Cza, Tito Matt, at Lexus. Maging si Lexus ay nagulat nang makita ako. What is happening?


"Therese, sit down." Kalmadong sabi ni Tita Cza.


Tumayo si Lexus at nilapitan ako. Pinaghila niya ako ng upuan sa tabi niya. Nakahanda na ang mga pagkain pero hindi pa pala sila nag-umpisang kumain.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now