Chapter 12

32 1 0
                                    

Posted on: 12/25/2019
Chapter 12

Merry Christmas! :)



Pinilit kong makapasok kinabukasan. Masyado na akong maraming namissed sa mga hindi ko napasukan na klase. Mejo okay na rin naman ako at umiinom ng gamot. Hindi naman ako sakitin pero hindi ko alam bakit ako tinamaan nung nakaraang araw. Must be because of stress and heartbreak.


Pagpasok ko sa isang klase ko, kaklase ko na naman si Deanna. Inirapan niya agad ako. Hindi tulad sa isang subject ay siya lang mag-isa, ngayon may kasama siyang tatlong babae na kamukha niya ng ID. Walang uniform dito sa SMU pero sa ID nagkakaalaman ng course.


Tinanong agad ako ng mga kaklase ko pagkapasok namin. Sinabi kong okay lang ako. Nagpatuloy ang mga klase ko na maayos naman ako at walang nanggugulo sa akin.


Mag-isa akong nagpunta sa pantry para bumili ng pagkain. Kailangan ko na kumain para mainom ang gamot ko. Hindi ko pansin ang pila nang may biglang humarap sa akin. Nalaglag ang panga ko nang makita si Hunter. Pinapauna niya ako sa kanya pero umiling ako.


"Come on! Close naman na tayo 'diba?" Aniya.


Kailan pa tayo naging close, Hunter? Nag-init ang pisngi ko.


Wala na akong nagawa nang hilahin niya doon sa kaninang linya niya. Bale ako na ang nasa unahan niya. Nginitian ko na lang at nagpasalamat.


"Thank you!"


"Bro, anong sayo?"


Naramdaman ko ang mga kabayong nag-uunahan na naman sa pagtakbo. Boses pa lang alam ko na. Humarap iyong lalakeng nasa unahan ko at lumingon sa akin dahil akala niya ay nasa pwesto pa si Hunter.


"Spag and coke." Sagot ng tao sa likod ko.


Nakatingin pa rin sa akin si Brix na laglag ang panga. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Tangina ni Hunter! Sinasadya niya ba ito?


"Brix, gutom na ako. Pakibilisan." Ani Hunter. "Upo na ako, ah? Bayaran kita doon." Saka siya umalis sa pila.


Sinundan ko ng tingin si Hunter. Kinindatan niya lang ako. Are we really close?


Binaling ko na lang ang tingin ko kahit saan maliban sa likod ng taong nasa unahan ko. Siya na ang nag-oorder kaya hindi na siya nakatingin sa akin. Parang nakalimutan ko ang dapat kong oorderin ah. Tangina talaga ni Brix! Ayoko siya maging kaclose!


Pagkatapos makuha ni Brix ang order nila ni Hunter, umalis na siya. Nakakapagtaka dahil palagi silang magkasama e 4th yr high school pa lang itong si Hunter! Hindi ba dapat nasa klase siya ngayon kasama sina Damon?


Nag-order na rin ako at nagpwesto malayo sa kanila. Hindi ko maiwasan ang tingin ni Brix. Binilisan ko na lang ang pagkain saka uminom ng gamot. Napalingon ako sa babaeng naka-dress at palapit sa pwesto nina Brix. Silang dalawa lang ni Hunter ang nasa table nila. Tumabi yung babae kay Brix.


Kinagat ko ang labi ko. Nawala ang mga kabayong tumatakbo sa dibdib ko. Napalitan iyon ng mga kutsilyong ilang milyon kung sumaksak sa puso ko. Ang sakit na makita siya sa piling ng ibang babae. Pero tinulak ko na siya palayo 'diba? Walang namagitan sa amin ni Brix alam ko. At kahit pa hinayaan ko siya nung minsang gabi, alam kong magiging ganito pa rin ang set up namin. Hindi niya ako papansinin sa school. Saka hindi naman niya ako bibigyan ng chance na makasama siya na ako ang may gusto. It will never be on my terms. At kahit pa ganun, alam kong kapag sumuko ako sa kanya, okay lang lahat 'yon.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon