Chapter 38

33 1 0
                                    

Posted on: 06/07/2020
Chapter 38



I tried texting and calling Brix pero ni isa wala siyang sagot. I can't keep up with his whereabouts. Wala akong makita sa IG story ni Hunter, seems like hindi na siya ganun ka-active sa social media sites. Gabi gabi, palipat lipat ako sa RnB at sa bahay nila, nananalangin akong makita ko siya. Pero matatapos ko na ang isang buwan ng bakasyon na hindi ko pa siya muling nakikita.


Halata naman na galit siya sa akin. Hindi ko alam kung hanggang saan ang narinig niya nung gabing iyon. Hindi ko alam kung paano ako mag eexplain sa kanya. I wanted to tell him everything over text but it's not like me. Ayoko ng ganun. Gusto ko siyang makausap ng personal. Gusto ko sabihin niya sa akin na nagseselos siya, o kahit man lang nainis o nagalit. Kahit anong emosyon tatanggapin ko, hindi iyong ganito na hindi ko siya nakikita.


"Hm, Therese, it's not like I don't support you anymore... but... isn't it time for you to take care of yourself first? I mean prioritize yourself first. Just this time." Sabi ni Love habang magkausap kami sa phone.


Hindi ko na siya natiis. Sa sobrang frustrate ko na hindi mahanap si Brix, tinawagan ko na si Love para may mapagsabihan ako.


"What do you mean?"


"Let's say nasaktan si Brix this time, hayaan mo muna. Let it cool first. Hayaan mo muna siya na makapag-isip. As for you, i-busy mo muna sarili mo. Ikaw muna, for once, hindi si Brix."


Bakit hindi pa ako diretsuhin ni Love? Na ang gusto niyang sabihin, kailangan kong bumalik sa mundo ko. Simula nang makilala ko si Brix at magkagusto ako sa kanya, sa kanya na umikot ang buhay ko. Siya na lang lagi ang bukambibig ko. Siya na lang lagi ang hinahanap ko. Nakakalimutan ko ang sarili ko. Nakakalimutan ko na baka nawawala na pala ako at kailangan ko na rin hanapin ang sarili ko.


For the last time this summer, I'll try Alira. Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot, so I texted her. Gusto ko makipagkita sa kanya. Walang kasiguraduhan na makikipag-kita siya sa akin dahil ayaw niya ako para sa Kuya niya.


Nasa labas ako ng bahay nina Brix at doon ko sinabi kay Alira na makipagkita. Kanina pa ako sa labas ng bahay at parang walang tao. Wala akong naririnig na ingay mula sa loob. Maaga pa kaya walang ilaw akong makikita.


Nakasandal ako sa aking Romeo habang hinihintay si Alira. Magdadalawang oras na ako rito at kalahating oras na akong naghihintay kay Alira. Habang naghihintay, sinubukan ko ulit tawagan ang numero ni Brix. Memorize niya ang number ko diba? Hanggang ngayon nagriring lang ang tawag ko sa kanya pero hindi niya sinasagot. Paano niya nagagawang pagmasdan lang ang cellphone niya habang tumatawag ako? O baka hindi na siya nagdadala ng phone? Imposible iyon dahil kung hindi niya pansin ang phone niya, malamang na-dead batt na iyon.


Napaayos ako ng tayo nang makita si Alira. Nakikita ko sa kanya si Brix ngayon, walang emosyon ang mukha habang palapit sa akin. Nang tuluyan nang mawala ang distansya namin, nakatanggap ako ng malakas na sampal mula sa kanya. Napahawak ako sa pisngi ko. I don't remember anyone slapping me.


Ah right! Si Shey! Nasampal na rin pala ako ni Shey. Ilan pa kayang babae ang mananampal sa akin nang dahil kay Brix?


"Nasaan si Brix?" Binalewala ko ang ginawa niya sa akin.


Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. "Kaya ayoko sayo!"


Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi niya?


"Please, sabihin mo sa akin kung nasaan si Brix?"


"Alam ba ng fiancee mo na may hinahanap kang ibang lalake?" Pigil ang pagsigaw niya sa akin.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon