Chapter 9

48 1 0
                                    

Posted on: 12/05/2019
Chapter 9

Note: SPG hehe, hindi ko rin inakala sa sarili ko na masusulat ko 'to. Lol




"Damn! Ang lakas ng loob mo papuntahin siya dito, Therese!" Naiinis na sabi ni Lexus sa akin nang matapos kong patayin ang tawag ni Brix.


"Hindi ko siya pinapapunta. Susunduin niya lang ang girlfriend niya."


Ginulo niya ang kanyang buhok. "I'll leave you here. Ayokong makita ang lalakeng 'yon!"


Kinagat ko ang labi ko. "Paano kung magkagulo?"


"Then, go home. Ngayon pa lang umuwi ka na kaya? Let the bouncers handle it."


Umiling ako. "Hihintayin ko siya."


Nag-iba ang mga tingin ni Lexus sa akin. Shet! Nasaktan ko ba siya? Nakakainis itong sarili ko. Bakit ko nga hihintayin pa si Brix dito? It's as if ako ang pupuntahan niya dito.


Nagpaalam na si Lexus at umalis. Nagpatuloy ako sa pag-inom hanggang sa maramdaman ko na ang hilo. Nakikita ko pa ng klaro ang mga tao pero masakit na ang ulo ko at nahihilo. Nang tingnan ko, halos paubos ko na pala ang Carlo Rossi. Tumawag ako sa waiter at nag-order ng whiskey at tequilla. I'm crazy. Hindi ko alam kung bakit gusto kong magpakalasing ngayon.


Habang hinihintay ko ang order ko, tumingin ulit ako sa babaeng nagdidirty dance. Salitan ang ginagawa nila nung lalake. Pagkatapos mga-twerk nung babae ay maghahalikan naman sila. I don't even know if they're both drunk.


Ilang sandali lang ay may humabot nang kamay sa babae. Masasama ang mga tinging pinukol niya sa may-ari ng kamay na humigit sa kanya. Sinundan ko ng tingin 'yon. Nalaglag ang panga ko nang makita si Brix. Shit! Ang sakit. Naninikip ang dibdib ko. Hindi man lang niya ako tinitingnan. Hindi man lang niya ako hinahanap. Focus lang siya dun sa girlfriend niyang nakikipaglandian sa ibang lalake. Siguro ay nag-away sila kaya naisipan nung babae na mag-enjoy kasama ang iba.


Nilagok ko ang huling baso ng Carlo Rossi at inumpisahan ang whiskey na kakadating lang. Hindi matanggal ang tingin ko doon kay Brix, sa babae, at lalakeng kahalikan niya kanina. Nagpupuyos sa galit si Brix at ganun din iyong babae. Nagsasalita sila or nagsisigawan pero hindi ko pa rin marinig. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. Gusto kong marinig ang mga sinasabi ni Brix.


Please, makipaghiwalay ka na lang sa kanya. Please, ako na lang. Please, subukan mo naman akong mahalin, Brix Simon.


Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko pinansin iyon. Tumayo ako at napahawak agad sa bakal na malapit. Fck. Nahihilo na talaga ako. Kailan pa ako naging mahina sa alak?


Naglakad ako palapit sa kanila. Hindi ako magpapapansin kay Brix pero mas matutuwa ako kung makikita niya ako. No, hindi niya dapat ako makitang umiiyak.


"Umuwi na tayo, Alira!" Narinig kong sigaw ni Brix.


Siya nga! Siya nga si Alira! Si Alira at 'yung babaeng kasama ni Brix sa sinehan ay iisa. Siya ang babaeng nagpapaseryoso na kay Brix pero hindi siya magawang seryosohin. Ang sakit, tangina! Bakit hindi ka na lang kasi sa akin mag-seryoso? Putangina, Brix! Hindi ka pa man sa akin, nagpapakatino na ako!


"Ayokong umuwi!" Pilit na binabawi nung Alira ang kanyang kamay.


"Sino ka ba, bro? Bakit ka nangingialam dito?" Galit ding utas nung lalakeng kahalikan ni Alira.


"Pwede? Huwag kang nakikialam?" Sigaw ulit ni Brix.


Nakatago ako sa likod nung lalake kaya hindi ko nakikita ang mukhang galit ni Brix. Pinagtitinginan na sila ng ibang tao pero ang iba naman ang walang pakialam. Wala pang bouncers na nakikialam dahil wala pa namang gulong nangyayari.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα