Chapter 25

29 1 0
                                    

Posted on: 05/12/2020
Chapter 25



Niyakap ko si Brix na nakatalikod sa akin. Nakabalot ako ng blanket pero siya hindi. Nakahiga kami sa kama ko at wala rin siyang soot na damit. Malinis ang likod ni Brix, walang tattoo. Hindi ko alam kung may balak ba siyang ipalagay dito.


Nilapit ko ang mukha ko saka siya hinalikan sa gilid ng kanyang leeg. Maaga akong nagpaalam kay Lexus kanina para umuwi. Halos sabay din kaming umuwi nina Clare at hinatid siya ni Ryko.


Tumunog ang cellphone ko kaya napabalikwas ako sa kabilang side. Nilingon ko kung sinong nag-text.


Alira:

Hindi kita nakita sa High Soc. Pinagtulakan lang ako ni Lexus.


"Damn, girl."


Nagulat ako sa nagsalita. Binaba ko agad ang phone ko at nilingon si Brix. Napangisi ako. Magkalapit ang mukha namin ngayon dahil sa nakasilip pala siya sa phone ko. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin habang magkalapit ang mga mukha namin at kinuha ang phone ko. Umayos siya ng higa at nag-type sa phone ko.


"Bakit hindi mo hayaan ang kapatid mo?" Tanong ko.


"Why would I let her with that man?"


Nagtaas ako ng kilay. "Dahil ba sa Sigma si Lexus?"


Hindi niya ako sinagot. Binalik niya ang cellphone ko. Umupo ako sa sumandal. Binasa ko ang nireply niya sa kapatid niya.


Me:

Huwag ka ng pupunta sa bahay. You chose that asshole over me. Pinagsabihan na kitang lumayo sa kanya. Ang tigas ng ulo mo, Alira.


Nakagat ko ang labi ko nang makita ang mabilis na reply ni Alira.


Alira:

OMG BRIX? Magkasama kayo ni Therese?


"What did she say?" Tanong ni Brix.


Nilayo ko na lang ang phone ko at natawa kay Brix. Hindi ko mapigilan ang kilig ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay.


"Bakit hindi ka niya tinatawag na kuya?" Pagtataka ko.


"We're not blood related."


"What?" Nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi ba magkapatid kayo?"


Hindi niya ako sinagot. I guess hindi pa siya komportable sa akin magkwento ng tungkol sa pamilya niya. O kaya hindi pa talaga kami ganung nasa level na magpapakilala na siya ng pamilya sa akin. Nakakalungkot lang na kung sakaling seryosohin na ako ni Brix at maging kami, wala akong magulang ko na maipapakilala sa kanya. I guess if that would happen, first time ko pupunta sa puntod ng parents ko na masaya para ipakilala siya. Minsan na rin naman nagpunta si Brix doon nang sundan niya ako.


"Hindi ka magiging masaya para kay Alira kung maging sila ni Lexus? Siya ang mahal ng kapatid mo."


"Wala siyang mapapala sa lalaking 'yon. Masasaktan lang siya saka ayoko siyang madamay sa gulo namin."


Kailan mo kaya sasabihin sa akin na ayaw mo rin akong madamay sa gulo ninyo? Kailan kaya kita makukuha?


Nagtaka ako nang bigla siyang tumayo na at nagbihis. "Saan ka pupunta?"


"I need to go. Text Alira, sabihin mo umuwi na siya."


Kinagat ko ang labi ko. Ang bilis mo naman umalis, Brix.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now