Chapter 1

106 3 0
                                    

Posted on: 05/28/2019
Chapter 1
SPG :)



Hindi ko alam kung saan kami papunta. Nag-uumpisa na akong kabahan. Love's looking at me with questions in her eyes. I know what she wanted to ask that's why I shrugged. Hindi ko rin alam kung saan kami dadalhin ng matandang babae na ito. May kasama siyang matandang lalaki. Pareho silang hindi namin kilala ni Love.


Nasa mall kami ngayon. Kasama namin ang aming mga nanny's sa pagpunta dito dahil busy ang mga magulang namin. Pero nang magbabayad na sila sa mga pinamili namin, hinila na lang kami bigla ng mga taong ito. And I don't know why we were not able to scream for help.



"Who are you?" Lakas loob ko ng tanong.


Saglit na napatingin ang babaeng may hawak sakin. Parang kasing-tanda siya ni Mommy. Si Love naman ay buhat nung kasama niyang lalake. "Inutusan kami ng Mommy mo na iuwi na kayo."


With that, I trusted her. I trusted them. "But where is Nana?" That's what I call my Nanny Gina.


"Nauna na sila."


Mahigpit ang pagkakahawan ng babae sakin. Pagkatapos ay nagmamadali kami sa paglalakad. Nilibot ko ang paningin ko sa mall. There were a lot of people in here but no one bothers to look at us.


Mula sa kumpol ng mga tao ay nahagip ng aking mata si Nana na alalang-alala ang kanyang mukha. Para bang may hinahanap siya.


Sabi ng babae nauna na sina Nana pauwi. Pero bakit nandito pa rin siya?


"Nana!" I called her.


Nakita ko ang pangamba niya nang marinig ang boses ko pero hindi niya ako nakita. Mabilis naman akong binuhat nung babae at nagmamadali na ulit silang tumakbo. Lalo akong nagtaka. Why do we have to run? Are we playing hide and seek?


"Let go of us!" Sigaw ni Love mula sa bisig nung matandang lalake.


"Love, why?" Pagtataka ko.


"We don't know them." Medyo mahinahon niyang sabi pero kababakasan ang takot.


That's when they stumbled on the floor. Nilingon ko ang natamaan nilang batang lalake na nasa edaran namin.


"Traz!" Sigaw nung isang babae na siguro ay mama niya. "What did you do to my son?" Galit niyang tanong.


"Nagmamadali kami." Sabi nung matandang lalake at mabilis na pinuntahan ang tumilapong si Love.


"Love, are you okay?" Nag-aalala kong tanong.


Umiiyak na si Love nang mag-angat ng tingin sa akin. "It hurts." Aniya.


Doon ako nag-umpisang kumawala sa babaeng nagbubuhat sa akin. "Let go of me! My bestfriend's hurting!"


"Hey! Don't run away! You hurt my son!"


"Help us! We don't know them!" Sigaw ni Love nang malapit na ang lalaki sa kanya. "No!" Sigaw niya nang tuluyan na siyang mabuhat ulit nito.


"Are you kidnappers? Guards!" Sigaw nung isang babae.


Tumakbo ulit sila habang bitbit kami. Pero nakikita ko na ang mga guards na humahabol sa amin. Nagpupumiglas na rin ako mula sa pagkakahawak sakin ng babae.


"Help!" Sigaw ko. I started looking for my Nana in the crowd. "Nana!" But she was nowhere to be found.


"Tere!"


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now