Chapter 40

33 1 0
                                    

Posted on: 06/10/2020
Chapter 40


Wala akong napala sa paghihintay sa labas ng condo ni Damon. I never saw anyone of them. I didn't see Brix. Bumalik ako sa penthouse na madaling araw na kaya hindi ko na nakuhang makapag-palit ng damit bago matulog.


Nang magising ako, nag-order ako ng almusal at nag-shower agad. Tinatanong na ako ni Tita Cza kung mag-sstart na ba ako sa hotel pero nagdahilan ako na masama ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako makakapagtrabaho within this week. Sinabihan ko agad siya na huwag mag-alala sa akin o pumunta pa rito. Nag-promise ako na next week, mag-uumpisa na talaga ako magtrabaho.


With that, I only have three days para makipag-ayos kay Brix. If nothing really happens, I'll try to convince Tita Cza to call off the wedding plan. Nakapag-graduate na kami ni Lexus at sa kinatatakutan namin, anytime baka magpatawag ng gathering si Tita Cza para sa engagement namin ni Lexus. Ayokong maunahan niya ako.


Nakatanggap agad ako ng tawag kay Love dahil nasabi sa kanya ni Tita na masama ang pakiramdam ko. Sinabi kong okay lang ako at magpapahinga lang ako, hindi na rin niya kailangan puntahan ako sa penthouse. Nakukuha ko na rin magsinungaling kay Love ngayon.


Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Love, sinubukan kong tawagan si Brix. Kumabog ang puso ko nang sagutin niya.


"Hello, Brix?"


"Yes,"


"Hm..." nakagat ko ang labi ko. Nabigla ako sa pagsagot ni Brix sa tawag, biglang umurong dila ko.


"What?" Humalakhak siya.


"I miss you!" Napapikit ako. Fck! What did I just say?


Tumawa ulit siya. "Okay."


Napanguso ako. Wala man lang 'I miss you too'? Ugh! Nakakainis! Umaasa na naman ako. Paano ko ba siya kakausapin? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ito siguro ang mali sa akin. May plano ako pero hindi ko alam paano i-execute. Hindi ko alam kung ano ba talagang uunahin ko. Makikipag-ayos lang ba ako kay Brix? Sasabihin ko na ba ang tungkol sa amin ni Lexus?


"Where are you? Can we talk?" Tanong ko.


"Kakatapos lang namin maghanap. Pauwi pa lang ako."


"Gusto mo bang dito na lang magpahinga?" Kinagat ko ang labi ko.


"Sure, why not. Yule, pahatid ako sa SF."


Nalaglag ang panga ko. "May kasama ka?"


Humalakhak na naman siya. Ano ba! Imbes na mainis ako sa tawa niya, kinikilig lang ako.


"Am I even paid to be your driver?" Masungit na tanong ni Yule sa kabilang linya.


"Sorry." Bulong ko.


Tumawa ulit si Brix. "I'm coming."


Nag-init ang pisngi ko nang marinig ang pagkakasabi niya sa 'coming'. Shit, Brix!


Dumating na ang inorder kong pagkain. Buti na lang pwedeng for two ito kaya pwede kami mag-share ni Brix in case hindi pa siya kumain. Ilang sandali lang ay dumating na rin siya. Halata sa mga mata niya ang puyat. Hindi katulad ng dating pagpupuyat nila, may kasamang pagod ang nararanasan nila ngayon.


"Kumain ka na ba?"


"Yeah, I'm fine."


"Are you sure? Gusto mo na ba matulog?"


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now